Chapter 35

366 22 17
                                    

Chapter 35:Realizations

Pain was written all over Reicka's face that time. Wala akong ibang magawa kung hindi ang kaawaan siya at malungkot dahil na rin sa sitwasyon niya. Nang dumating si Reicka kahapon ay tsaka ko lang na-realize lahat.

Tsaka ko lang napagtanto na mali pala lahat.

Nagkamali ako sa akala kong wala na talaga. Nagkamali ako sa akala kong hindi niya na ako mahal. Nagkamali ako. Nagkamali rin siya. Nagkamali siya sa pag-aakalang si Luthaire na talaga ang mahal ko. Pareho kami, e. Pareho kaming mukhang tanga. Ngayon, alam ko na... na hanggang ngayon ay mahal niya pa ako at mahal ko pa rin siya.

Pareho kaming may mali, at iyon ang napagtanto ko sa mga nangyari sa aming dalawa.

Sa sobrang katangahan naming dalawa ay hindi namin alam na may masasaktan pala. Si Reicka, she's hurt. Mahal na mahal niya si Arden at nag-bubulag-bulagan si Arden d'on. Si Luthaire? Masasaktan siya. Masasaktan siya kapag nalaman niyang mahal ko pa si Arden.

Sa totoo lang, lahat kami, nasasaktan at masasaktan. Kaming apat, tiyak na mararamdaman 'yon.

Ang tanga ko. Mali... Ang tanga namin. Hindi pa namin naisip 'yon na dalawa.

Wala na. Pareho na kaming ipit sa sitwasyon. O, kung kami nga ba ang naiipit? Pero, sa tingin ko ay hindi. Sila ang naiipit dahil sila ang nasasaktan at masasaktan.

Pero, pare-pareho lang kaming nasasaktan, hindi ba?

Ayaw kong masaktan si Luthaire dahil una pa lang naman ay mabuti na ang ipinakita niya sa akin, siya rin ang dahilan kung bakit nakaangat na akong muli. Ayaw ko namang sakit ang isukli ko sa kaniya dahil masasaktan at masasaktan siya kapag nakipaghiwalay ako sa kaniya at tinuloy namin ang ugnayan namin ni Arden.

Si Reicka, sobra na ang sakit na idinulot sa kaniya ni Arden. Ayaw ko namang umabot sa punto na magaya si Luthaire kay Reicka sa oras na malaman niya ang totoo. 'Yong magmamakaawa pa siya kay Arden na ibalik ako sa kaniya. Ayaw ko n'on. Ayaw kong mangyari 'yon.

He's too precious to be hurt.

Ang sakit lang isipin na sobrang ipit na ipit na silang dalawa sa sitwasyon namin ni Arden. Naiipit sila kahit wala naman silang ibang ginawa kung 'di ang mahalin kaming dalawa. Ang sakit sa parte ko na masasaktan ko 'yong taong walang ibang ginawa kung 'di mahalin ako.

Ayaw ko man isipin pero... Baka nagagaya na ako kay Arden. Baka magkatulad na rin kami. Sinasaktan namin 'yong taong minamahal lang naman kami.

Bakit ngayon ko lang napagtanto ang lahat nang 'to? Kung sana ay inintindi ko siya at inintindi niya ako ay baka hindi na kami umabot pa sa ganito. Hindi na aabot pa sa may dalawang tao ang masasaktan dahil sa aming dalawa.

"Ang lalim yata ng iniisip mo, Anne?"

Napalingon ako kay Luthaire na ngumunguya ng chips. Marahan akong umiling at hindi na umimik. Sa ngayon, ayaw ko na munang malaman niya lahat-lahat. Ayaw kong masaktan siya. Ayaw ko, dahil kapag nasaktan siya ay masasaktan din ako. Ayaw ko naman n'on.

Sa totoo lang ay hindi ko kayang humarap kay Luthaire dahil inaatake ako ng konsensya ko. Ayaw kong humarap sa kaniya dahil alam kong masasaktan ko siya. Nahihiya na ako, ngayon pa lang.

"Are you sure? Kanina pa kita pinagmamasdan. Sobrang lalim ng iniisip mo. Ni hindi ka na nga nakakapag-focus sa pinapanood natin. Is there something wrong? Tell me, baby." Lumungkot ang mukha niya. "You're keeping a secret na?"

Kinagat ko ang labi ko at umiling ulit.

"Wala talaga. Sorry. Inaantok lang ako," pagsisinungaling ko.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon