Chapter 25

374 23 27
                                    

Chapter 25:Job

"Inaantok pa ako kaso hindi ako pwedeng ma-late. Ang hirap palang magtrabaho, 'no? Darn it."

Antok na antok kong tinakpan ng unan ang mukha ko at pumikit habang hawak-hawak pa rin ang phone sa kabilang kamay ko. Inaantok ako pero napakaaga kong tinawagan si Cat dahil alam kong gabi na sa kanila ngayon. Ayaw ko namang maka-istorbo sa kaniya nang ganoong oras.

"Prinsesa ka kasi pagdating sa inyo. Ano bang trabaho mo dyan?" Natawa siya kaya napasimangot naman ako.

"Assistant niya lang kapag magluluto siya ng orders ng customers."

Rinig ko ang pag-"ah" sa niya sa kabilang linya. "So, siya na rin ang cook diyan? Hmm. Bakit 'di mo pa jowain?"

Tumawa ulit siya kaya napadilat ako nang maalala ko ang lagi niyang sinasabi sa akin na "You're not my type" chenelin chuchuness niya. Ang dami niyang alam.

"Baliw, ayaw ko. Tsaka nagpunta ako dito para may pagkaabalahan hindi para lumandi."

"Ows?"

Napatawa ako at tumayo na mula sa pagkakahiga. Umupo ako nang indian sit at nilagay ang unan sa gitna ng mga hita ko. Pagkatapos ay pinatong ko ang dalawang siko ko doon.

"Oo nga. Tsaka kab-break lang namin ni Arden, alangan namang palitan ko agad? Ano 'yon? Naka-move on na agad ako? Tsaka ayaw ko lang na may masabi siya sa akin na kesyo kahihiwalay lang namin ay mayroon na agad akong bago. Hindi naman ako ganoon, Cat."

"O, e, ano? Atleast hiwalay na kayo, e, siya? Nakipaghalikan sa iba habang kayo pa. O 'di ba? Bawian lang, gan'on. Kaya kung ako sayo, jowain mo na 'yan."

"Loka ka. Sige na, maliligo na ako para pumasok."

"Nakakapanibago, Erianne! Bahala ka! Sige, bye!"

"Bye!" Tumawa ako at pinatay ang tawag.

Agad akong pumunta sa closet para ihanda ang susuotin ko at tsaka pumasok sa bathroom.

Alas siyete nang makarating ako sa restau niya. Naligaw pa kasi ako. Hindi ko naman nakita 'yong dinadaanan namin kahapon kaya kamalas-malasan ko nga ay naligaw ako.

Binati ako ng mga staffs na narito at agad ko rin naman silang binati pabalik. Nang pasukin ko ang office ni Luthaire ay naabutan ko siyang nakaupo at nakaharap sa laptop niya. Salubong na salubong ang kilay niya habang niluluwagan ang necktie niya.

"Good morning. Sorry, I'm late. Naligaw kasi ako," bati ko.

Dahan-dahan siyang napatingala sa akin at ang kaninang salubong niyang kilay at seryoso niyang mukha ay biglang nawala. Ngumiti siya.

"It's okay! I'm glad na pumasok ka."

Pilit akong ngumiti. "Bakit ka nga pala nandito? 'Di ba dapat nasa kitchen ka?" tanong ko at naupo sa harap niya.

"May business matters lang akong inaasikaso. Nagkakaproblema kasi sa income na pumapasok d'on sa isang branch ko sa Pilipinas." Napakamot siya sa ulo niya at muling nagfocus sa ginagawa niya.

"Oh," tanging nasabi ko at sinilip ang ginawa niya.

"You smell like a cherry."

Gulat akong napatingin sa kaniya. Halos gusto ko nang magpakain sa lupa dahil sa hiya ko nang makitang sobrang lapit na pala ng mukha at katawan ko sa kaniya. Parang kaunti na lang ay maikakandong niya na ako sa hita niya. Dali-dali akong napahiwalay sa kaniya, gulat na gulat pa rin ang paningin sa kaniya.

Mukhang napansin niya ang pag-iwas ko kaya napakamot siya sa ulo niya.

"U-Uh..."

"It's okay. Wala namang malice 'yon. You'r-"

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon