Chapter 44

158 12 177
                                    

Chapter 44:Changes

I wanna prove to myself that he's worth of the chance that he's asking for. I want to give justice to the pain that I felt when I caught him cheating, to all the pain that he made me feel when we were still together. Young and pretty dumb, I guess? Bata pa pareho kaya walang alam sa lahat ng bagay kaya pati sa pagmamahal ay walang kaalam-alam.

Chances are only for those people who are willing to change. That's it. Kasi kung hihingi ka ng tsansa, pero hindi ka magbabago, parang wala ring kwenta ang tsansang ibinigay sayo? Ano ba ang silbi ng tsansang iyon kung hindi mo pagsisisihan ang nagawa mo? Anong silbi ng tsansang iyon kung hindi mo babaguhin ang sarili mo pagkatapos mong mag-kamali? Chances are for those people who deserves it.

Iyan ang paniniwala ko ngayon kaya siguro ganito na lang ako ka-pursigido na hintayin munang makita ko kung worth it ba ang chance na ibinigay ko kay Arden bago ako tuluyang bumigay muli sa kaniya. Kasi kapag napatunayan ko na na worth it ang chance na 'yon sa sarili ko... hindi na ako magsasayang pa ng oras at tatanggapin muli siya sa buhay ko para mas matagal niyang makasama ang anak niya.

Gaya ng sinabi ko kay Arianne, nagpunta nga kami sa bahay ni Mom para bumisita. Matapos nang ilang linggo ay ngayon na lang ulit kami bibisita sa kaniya.

Sa ngayon, si Mom ang nagm-manage ng shop dahil nag-reprisinta siyang siya na muna. Gusto niyang pagtuonan ko muna ng atensyon ko si Arianne, kaya sa tingin ko, babantayan ko na muna ang anak ko bago ako bumalik sa shop. Bumibisi-bisita naman ako kung minsan sa shop, kaya nga lang ay saglit lang dahil kinakailangan ko nang makauwi dahil walang kasama si Arianne.

"Nabalitaan ko ngang nakabalik na si Arden, nabalitaan ko rin na nagkita na kayo. Mabuti naman at nagkita at nagkausap na kayong dalawa."

Inayos ko muna ang mga paa ng anak ko na busy sa panonood sa T.V ng cartoons habang kumakain ng marshmallows. Tuwang-tuwa siya sa pinanonood niya dahil favorite niya iyon kaya halos hindi siya maistorbo sa panonood, kaya naman nakapagu-usap pa kami ni Mom nang masinsinan ngayon.

Bumaling ako kay Mom pagkatapos. "Hindi ko rin naman po planong ipagdamot sa kaniya si Arianne kaya sinabi ko rin n'ong araw na dumating siya. Tsaka, iyon naman po ang plano kong gawin n'on, 'di ba? I promised myself na kapag bumalik siya, sasabihin ko agad sa kaniya na may anak kami... at sasabihin ko rin agad sa kaniya na mahal ko siya. Iyon ang gusto kong gawin, pero hindi ko po talaga alam kung bakit hindi ko kayang gawin ngayon."

Sinabi ko na 'yon sa sarili ko noon, na kapag bumalik talaga si Arden ay sasabihin ko sa kaniya lahat-lahat, na mahal na mahal ko pa rin siya kahit pa sinaktan niya ako noon. Pero bakit ngayong narito na si Arden ay hindi ko naman magawa? Bakit parang umurong ang buntot ko, hindi ko kayang gawin? Ang tapang-tapang ko noong wala siya, pero ngayong nandito na siya, parang nawala ang tapang ko. Hindi ko magawang sabihin.

Bakit ganoon?

"Hindi rin naman magandang itago mo si Arianne kay Arden, e. May karapatan si Arden kay Arianne dahil anak niya rin naman ang anak mo. Anak niyong dalawa si Arianne," paliwanag niya. "Kaya ngayong may anak na kayong dalawa, kailangan niyo nang ayusin ang kung ano mang relasyon niyo ngayon sa isa't isa. Ayaw mo naman sigurong lumaki na walang ama ang anak mo, hindi ba?"

I slightly nodded. "Yes, Mom, of course. Iyon pa lang na itinanong niya sa akin kung nasaan ang daddy niya noon, e, nahihirapan na ako. Paano pa kaya ngayong lumalaki na siya? Magtataka siya kung bakit hindi magkasama ang mommy at daddy niya, hindi katulad ng ibang pamilya na magkasama ang mga magulang."

"O, see? She wants to live with her dad. Pero, hindi naman pwedeng ibigay mo siya kay Arden dahil kailangan ka rin niya. O, 'di ba, ang hirap ng sitwasyon kung maghihiraman kayo? Kaya mas magandang ayusin niyo na ang inyo para naman hindi kayo mahirapan, pareho niyo pang maa-alagaan ang anak niyo. Kaya lang, kung may mali talaga sa kaniya at wala pa ring nagbago, iyon na ang senyales na talagang wala na kayong pag-asa pa."

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon