Chapter 37

360 21 16
                                    

Chapter 37:Right Thing

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para gawin 'yon. I was out of my mind because of Arden's presence. I forgot that he's Luthaire... my freaking boyfriend.

He kissed me. Sa lips ko pa. It's normal, right? For pete's sake, we're in a relationship and it's normal for him to kiss me. Gulat na gulat ako kasi hindi ko inaakala 'yon. Dapat ay matagal ko nang pinaghandaan 'yon, pero...

Damn. I can't imagine myself kissing other man that is not Arden. Hindi ko alam. Kaya siguro ako nagulat at hindi sinasadyang nasampal siya.

Now, he's surprised because of what I did. I just slapped him. Sinong hindi magugulat doon?

"W-Why did you do that?" gulat niyang tanong, sapo-sapo ang pisngi niyang nasampal ko. "D-Did I do something wrong? M-Mali ba para sayo 'yong hinalikan kita? If so, I'm sorry... H-Hindi ko sinasadya."

Nawawalan ako ng gana sa amin. Sa relasyon namin, and it's because of my conscience. Konsensyang-konsensya ako, naaawa na ako. Hindi ko alam kung bakit pinasok ko 'to kahit alam kong wala lang ding patutunguhan 'to, dahil kahit anong pilit ko... Wala. Wala talaga akong maramdaman na pagmamahal. Kung mayroon man, siguro ay pagmamahal lang para sa isang kaibigan.

I know that it's wrong. I'm so stupid. Ganito na yata ako ka-tanga para gumawa ng isang bagay na alam kong mali at may masasaktan.

Hindi lang siya ang masasaktan, maski ako. Masasaktan din ako dahil alam kong makasasakit ako. Masasaktan ako dahil alam kong siya 'yong masasaktan ko. Nag-baka sakali ako na mai-tuon ko sa kaniya ang atensyon at pagmamahal ko... pero mali na naman ako.

Hindi ko kaya.

Hindi ko pala kaya.

"H-Hindi mo sinasadya?" sarkastikong tanong ko. "Ano 'yon? Kusang lumapat ang labi mo sa sariling labi ko?"

"A-Ah, I mean... I thought that it's okay since we're in a relationship. A-Akala ko normal lang para sayo. I-I'm so sorry... H-Hindi ko naman alam na hindi ka pa handa. I'm really sorry..."

Ang nakakainis pa rito, siya na nga itong nasampal ko nang dahil sa napakaliit na bagay ay siya pa itong kalmado at hindi man lang nagtaas ng boses sa akin.

He's too soft. Naiisip ko palang na masasaktan siya ay nasasaktan na ako.

Ayaw ko na. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Nakaka-bobo pala 'to.

"Alam mo? Let's just talk when I'm ready. I'm sorry."

Inilingan ko siya tsaka ako pumunta sa counter para kuhanin ang mga gamit ko. After that, I went out of my shop. Hinayaan ko lang siya roon dahil alam kong aalis din naman siya. Kapag sinabi kong huwag niya na akong sundan, hindi niya talaga ako susundan dahil iyon naman talaga ang ibig kong sabihin. Huwag talaga siyang sumunod dahil baka kung ano lang ang masabi ko.

I don't know what came up inside my mind. Namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng restaurant ni Cat habang nakaupo sa isang upuan at hinihintay siyang lumabas mula sa kitchen.

'Di rin nagtagal, nakita ko siyang lumabas mula sa kitchen niya habang kumakaway sa akin.

Mukhang busy siya sa kitchen dahil base sa mga nakikita ko ngayon, kalat-kalat ang waiters niya at halos punuan na ang mga table niya. Buti nga at nakakuha ako ng table na malapit lang sa counter nila.

"Hey, Anne, what brings you here?" nakangiti niyang tanong.

Gusto kong matawa pero hindi ko magawa dahil sa mga dala-dala ko ngayon. Si Cat kasi. She sounds so matured now. Iba na siya mag-salita and I really can't believe it.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon