Chapter 7

428 25 3
                                    

Chapter 7:Willing To Wait

"Sir?"

Halos liparin ko na ang hagdan para lang mabilis na makababa. Tinawag ako ng kasambahay sa itaas dahil may naghahanap daw sa akin. I actually didn't expect him to be here. Nakapagtatakang narito siya ngayon mismo sa harapan ko.

Nakita ko pa lamang siya pero iilang paru-paro na ang lumilipad sa tiyan ko ngayon, ang mabilis na pagkabog ng puso kong animo'y naglalaro ng jumping rope. Gusto kong kiligin, gusto kong tumalon sa tuwa ngunit biglang pumasok sa isip ko ang imahe ni Arden. The day that he kissed me sa rooftop, nanumbalik ang mga iyon sa isip ko.

Gusto ko si... Arden? Pero, bakit mahal ko pa si Sir? Ano ba talaga itong nararamdaman ko? Sabi ko, gusto ko si Arden ngunit bakit mahal ko pa rin si Sir? How can that be possible? How can you like another man, knowing that you're inlove with someone? Sabi nila, hindi ka maa-attract sa isang tao kahit may minamahal ka, kasi kung talagang mahal mo daw ang isa, hindi ka na maa-attract sa iba.

But... How come? Baka phase lang? Phase lang ba talaga ang nararamdaman ko? Pero kanino ang phase na iyon?

With my mind full of questions and thoughts, I faced him. Umupo ako sa harapan niya at kunot noo siyang tinignan. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang mahalata ang pamumula ng ilalim ng dalawang mata niya, sumingkit ang mga mata niya. Kung hindi ako nagkakamali, alam kong umiyak siya. Namumugto pa nang kaunti ang mata niya.

Ngunit, bakit?

"E-Erianne, help me." Mas lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Idinagdag niya pa, "I know na ikaw lang ang malalapitan ko. Ikaw lang ang may kaya ng ipagagawa ko."

"W-What?" kunot noo kong tanong, medyo kinakabahan. "Tungkol saan, S-Sir?"

"C-Catriona." Napaiwas siya ng tingin dahil sa biglang pagtulo ng luha niya na siyang ikinagulat ko. "My baby... She broke up with me. My baby broke up with me." His voice cracked.

Napatutop ako sa bibig ko dahil sa gulat. Hindi dahil sa sinabi niya, kung 'di dahil sa bigla niyang pag-iyak.

How can he cry this hard just for my best friend? Paano niyang nagagawang umiyak sa harapan ko dahil sa best friend ko knowing na may gusto rin ako sa kaniya? Damn. With those words that he said, I felt a knife stabbing my chest. Paulit-ulit. Ang sakit. All I feel right now is pain. Daig ko pa iyong sinaksak nang paulit-ulit sa sobrang sakit at bigat ng dibdib ko.

Masama na ba akong kaibigan kung sabihin kong sana ay hindi na lang siya minahal ni Sir? Masama na ba ako kung sabihin kong sana ay hindi na lang sa kaniya nabaliw si Sir? Paano niya nagagawang saktan ang taong baliw na baliw at walang ibang ginawa kung 'di ang mahalin siya? Tama ako. Sana ay hindi na lang si Catriona ang minahal ni Sir, sana ako na lang. Hindi niya mararamdaman ang lahat ng sakit kapag ako ang minahal niya.

Kahit minsan, kahit kailan, hinding-hindi niya mararamdaman. Pero, wala. Si Cat, ang best friend ko, ang mahal niya. Gusto kong ako ang mahalin niya pero paano kung ang laman na ng puso't isip niya ay si Cat na at wala nang iba?

Sino ba ako sa kaniya? Si Erianne na estudyante niya, si Erianne na best friend ng taong mahal niya, si Erianne na lalapitan niya sa tuwing hindi sila nagkakaintindihan ni Catriona. Sa kaniya, wala ako. I don't even make his heart beat fast, I don't even make him crazily insane.

"A-Ano?"

Pinigilan ko ang sarili kong maiyak. Those deep thoughts are drowning me, those questions are making me mentally ill.

"S-She broke up with me, hindi ko alam kung bakit..."

I took the chance. Tumayo ako at lumapit sa kaniya para umupo sa tabi niya. I tapped his shoulders and hugged him while massaging his biceps. Napapikit pa ako at pilit siyang pinatatahan.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon