Chapter 34

312 20 24
                                    

Chapter 34:Beg

"Papunta na ako sa shop. Bakit?"

"Wala. I'll visit you today."

Isang linggo na ang nakalipas nang magbukas itong shop ko. Medyo maayos naman dahil marami na ang customers na napunta. Tuwing TWF ay narito si Mom para samahan ako. Si Belinda naman ang kasama ko sa mga natitirang araw, si Belinda ay iyong nakuha ni Mom na manager nitong shop ko.

Naghahanap pa rin kasi si Mom ng mga maga-apply na magiging crews ko dito, e. Sa tingin ko ay siya na rin ang bahalang maga-asikaso n'on kaya hangga't wala pa sila, si Belinda na muna ang kasama ko.

"Uh, wala ka bang gagawin ngayon?" tanong ko at humigop ng kape na dala-dala ko.

Umupo ako sa high stool na narito sa counter at nilapag ang mug sa harap ko.

"Wala naman. Thirty minutes lang naman ang itatagal ko riyan. Don't worry, break lang kasi ng mga employees ko."

"Uh, huh? Sige, I'll wait for you here."

"Okay, Anne. I love you..."

Pinatay ko ang tawag at muling bumuntong hininga. Humigop akong muli sa kape ko at binuksan ang laptop para mag-browse sa internet.

Nanlaki na lang ang mga mata ko kasabay ng paghulog ng panga ko nang makita ang hinahanap ko. Muntik pa akong mabilaukan sa kape dahil nakita kong may iilang tao na agad ang nagr-recommend ng shop ko sa iba't ibang social medias. Hindi ako makapaniwala. Sino ba naman kasing maniniwala? Napakabilis kasi. Lahat pa ng post nila ay may thousands of likes, comments, and shares. Tiyak na mas maraming makakakilala sa shop namin kung ganoon. Puro good reviews pa ang nakita ko kaya tuwang-tuwa ako.

Paano ba namang hindi matutuwa? Iyong ibang kabubukas lang na kainan, inaabot pa nang ilang buwan bago ito pumatok sa mga tao. Tapos itong akin, isang linggo palang ang itinatagal ay may mga nagr-recommend na.

I can't help but to giggle. I'm so happy! Oh, gosh! Matutuwa si Mom kapag nakita niya ang magandang balita na ito. Even Luthaire, I think.

Gosh, this is an achievement!

"Saya mo naman, Ma'am?"

Napatingin ako kay Belinda na biglang dumating. Natawa ako at sumenyas sa kaniya na tignan ang laptop ko. Ginawa niya naman iyon at katulad ko ay nanlaki rin ang dalawang mata niya.

"Wow, Ma'am! Seryoso? Ang galing!" She clapped.

"Yea! I can't believe it, too!" I exclaimed happily.

Naputol ang kasiyahan namin ni Belinda nang umalingawngaw sa buong shop ang ringtone ko. Napatingin muna ako sa bumukas na pinto ng shop dahil may biglang pumasok. Sinenyasan ko muna si Belinda na asikasuhin muna iyon at tsaka ko sinagot ang tawag.

It's from Myka.

"Oh, Myka?"

"Hi, girl! May good news ako sayo!"

"Uh, yea? Good news, huh? Ano 'yon?"

Habang kausap si Myka ay pinagmasdan ko naman si Belinda na nakikipag-usap d'on sa customer na pumasok kanina. Ipinakikita niya doon ang menu list habang pumipili naman ang customer.

"I'm engaged! Oh, panis ka! Naunahan pa kita! Bagal mo kasi!" Humalakhak siya. "Buti pa si Arthur ko, pakakasalan na agad ako. Mapagmahal talaga mga letter A."

"Bakit 'yong kilala ko, hindi?" panunuya ko. "E 'di wow."

Pabiro akong umirap kahit alam kong hindi niya naman ako nakikita. Nakarinig ako ng pagtawa niya mula sa kabilang linya kaya maski ako ay nakitawa na rin sa kaniya.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon