Chapter 4 A NEW BEGINNING

2.8K 98 0
                                        

Max POV

"Boss Kiel uuwi na po ako Gabi na kase at baka dumating yung bianan ko dito daw mag babakasyon sya amin hassle ehh hay jusko"sabi ko kay boss.

"O sige mag ingat ka ha" sagot ni boss Kiel sa akin.

Tinahak ko ang palabas ng building na aking pinagtatrabahuhan na Pag mamay ari ni boss kiel. Napaka laki nito halos tatlong taon na akong nagtatrabaho dito at ngayon ko lang napansin na sobrang ganda at laki nito.

Lumabas ako sa front door merong mga nabati sakin tinatanguan ko ang mga ito. Nag lalakad ako papunta sa parking lot may nakita akong lalaking nakahiga sa madilim na bahaging lugar dahil pagabi na.Nung una nagdadalawang isip pa akong lapitan pero sa huli pinuntahan ko rin.

Sa tingin ko ay wala itong malay kaya pinuntahan ko ito at binuhat papunta sa loob ng kotse at tinungo ang ospital.

"Doc pakitulongan nyo ang batang ito nakita ko ito sa harap ng building na pinag tatrabahuhan ko na walang malay please "sabi ko ng may pagmamakaawa dahil talaga na kakahabag ang itsura ng binatang ito.

Tingin ko nga ay galing ito sa matinding pagiyak dahil pugto ang mata nito.

Mabilis itong inasikaso ng mga doctor,pinahiga ito sa kama at tinignan ang pulso pati narin dugo. At nilagyan ito ng suwero para maging suporta nito.

Kinabukasan ..................

Kurt POV

Unti unti kung minulat ang aking mata, masakit sa mata dahil sa liwanag ng sikat ng araw sa aking mukha at dahil sa kulay ng kwartong kulay puti. Naramdaman ko ang pagkirot ang aking ulo at mata dahil sa sobrang pagiyak.

At narinig ko ang lagitnit ng pinto na ibig sabihin ay may taong pumasok nilingon ko ito. Sa pustura nito ay may kaya ang kaniyang soot na tuxedo ay wala kahit anong gusot.

"Iho anong pangalan mo at may cellphone number ka ba? para matawagan natin ang mga kamag anak mo"tanong nya ng may pagalala.

"Kurt po ,wala po akong cellphone ehh atsaka po malayo po ang aking mga kamag anak nasa Batangas po lahat,kami lang po ito napadpad sa laguna".sagot ko na halos pabulong dahil wala pa akong lakas para magpaliwanag.

"Eh nasaan ang iyong pamilya yung nanay mo,tatay o kapatid man.hindi nila alam kung anong nangyari sayo".sabi nya ng may tono ng pagkagalit .

"Ang totoo po ay kamamatay lang po ng nanay at kapatid ko, dahil nasunog po ang bahay namin at hindi ko manlang sila naligtas".sagot ko na halos gumaralgal ang boses ko.dahil alam ko kahit anong oras ay papatak ang aking luha ngunit pinigilan ko ito.

"Eh iho kung gusto mo ay pwede kitang patuluyin sa bahay ko kahit ilang araw lang.Dahil makokonsensya ako kung may mangyari sa iyong masama .Ako ay nagmamabuting loob sana ay wag mo akong tanggihan".sabi nya

"Nakakahiya naman po"sagot ko.

"Naku iho ako nanga yung nag offer mahihiya kapa,ano mamaya uuwi kana kailangan mong magpahinga."sabi nya na may halong kaunting tawa.

"O sya magpahinga kana ha. Ikaw na bata ka talaga".sabi nya pagkatapos ay lumabas ng kwarto.

Makalipas ang dalawang oras ..............

Kurt POV

Nagising ako at pakiramdam ko ay ang merong telang nakatabing sa kanang bahagi ng mukha ko.Pumunta ako sa banyo para maghinaw ng katawan dahil pakiramdam ko ay malagkit na ang aking balat.

Humarap ako sa salamin at tinignan ang sarili, ang dati kong mukhang makinis ay may kaunting sunog.At lahat ay nawala sa akin Pag asa at pamilyang kinukuhanan ko ng lakas.

At lumabas ako ng banyo ng biglang bumukas ang pinto
at niluwa nito ang lalaki tumulong sa akin.

"Oh handa kana tayo'y uuwi na " sabi nito ng may ngiti sa labi.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon