CHAPTER 64 BLACK MAIL

640 20 0
                                        

Shawn POV

Bumalik sa dati ang lahat hindi na kinakanti ni Yvo at caliber si heaven. Si justine din naging kaibigan ko at kahit si heaven naging kaclose nya. Alam kung naiilang si heaven sa akin dahil sa pagtatapat ko sa kanya ng feelings ko. Pero ikakaila ko ba yun eh yun yung totoong nararamdan ko. Mahirap mag tago ng nararamdam para kang nasa kulungan na may limitasyon ang lahat ng galaw at salita mo. Ngayon naipaparamdam ko na sa kanya na gusto ko sya pero alam kung nag dadalawang isip pa sya kung ano ang nararamdam ko sa kanya. Kaya umiiwas sya sa akin bilang isang lalake masakit yun sa akin. Yung dating lagi kaming magkakasamang tatlo ay gumagawa sya ng paraan o dahilan para hindi sya makasama.
Ano ba ang masama sa nararamdaman ko heaven kung ikaw talaga ang gusto eh. May magagawa ba ako diba wala dahil puso ko ang pumili.

Alas kwatro na ng hapon at napagpasyahan kung pumunta kila Spencer. Gusto kong mag open sa kanya ng narardaman ko at alam kung may gusto din sya kay heaven. Parang mali ata ang pupuntahan ko nasa tapat ako ng pintuan ng bahay nila nagdadalawang isip ako. Dahil nandito din nakatira sila Yvo at Caliber baka paginitan nila ako.

Nakatalikod na ako at hahakbang paalis pero biglang bumukas ang pinto. At si Spencer ang lalaking nagbukas ng pinto nginitian ako nito kaya ngiti din ang isinukli ko.

"hey brother bakit ka napapunta dito?" tanong nito.

"ah wala ano........ ( magisip ng palusot shawn) ah diba may assignment tayo sa physics may notes kaba doon nagbabaka sakali lang ako na baka meron ka para manghiram" Palusot ko dito at mabilis syang pumasok sa bahay. inalako nya akong pumasok pero tinanggihan ko baka makita ako nila Yvo mahirap na.

"Oh ito ibalik mo ha" at sabay abot ng notebook nya at tinggap ko naman.

"ibalik ko na lang bukas mukhang may sagot ka na nga eh" sabi ko habang binubuklat ang pahina ng notebook nya.

"oo gusto mo kopyahin mo na yan sigurado akong tama yan isinearch ko yan sa Youtube at ginogoogle ko yan" pamamalaki nito.

"sige hahaha salamat aalis na ako" kumaway nalang ako sa kanya at pumasok na sya sa loob ng bahay. Naglalakad ako papunta sa bahay malapit lapit lang naman ito eh kaya nilakad ko na lang.

Hindi parin mawala sa isip ko sila mama at keana. Sila lang kase yung alam ko dating pamilya ko tanggap ko na wala na ang tatay ko pero nabuhay kami sa isang kasinungaling. At ganon din si mama namatay sya na hindi nya nalaman ang totoo. Buong buhay nya galit sya kay papa. Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko doon ko kinopya ang sagot ni spencer.

Yvo POV

Maaga akong gumising para pumasok masaya naman ang pakitungo sa akin nila spencer pero maliban kay caliber. alam kung may sama ng loob sya akin at hindi ko maitatangi iyon. Madilim pa pumunta ako sa kusina para tignan kung anong pwedeng lutuin. Binuksan ko ang refrigerator at may nakita akong bacon and hotdog isasara ko na ang refrigerator ng may nagsalita sa likod ko.

"Yvo kamusta na pwede ba tayong magusap tayo lang dalawa in private" seryosong tanong ni caliber at tahimik lang akong sumunod. Pumunta sa library room sa bahay nila Spencer wala pang masyadong gising.

"bakit ano bang paguusapan natin?" tanong ko kay caliber at umupo lang sya sa malaking sofa. Humarap sya sa akin at tahimik lang akong tumabi sa kanya.

"Yvo hindi mo ba alam na pag nalaman nila na may sakit ka hindi kaya matakot sila at lumayo sila sayo? think Yvo sa aming lahat ako lang ang pinaka kilala ka do you think na mananatili sila sa tabi mo. Alam mo sa mga araw na nagdaan ay I feel so alone dati partner tayo in bad and good situation. But you leave me alone in the air and im angry for that so kung ayaw mong malaman nila ang situation mo. Gusto ko na susundin mo lahat ng gusto kong ipagawa sayo at sa sumaway ka malalaman nila ang lahat. so deal or no deal Yvo naghihintay ako ng sagot mo" mahabang diskusyon nito alam ko ang ugali ni caliber sa lahat ng away ayaw nya na nilalamangan sya.Mga ilang minuto akong hindi nakasagot dahil parang alam ko na ang kalalabasan ng lahat ng to. Pero wala naman akong magagawa kaya pumayag na ako sa alok nya.

"Yvo ikaw ngayon ay magiging sunod sunuran sa akin at alam mo na kapag sumaway ka" banta nito habang papaalis sya sa library kaya naiwan akong magisa. Alam ko ang isip nya at galit sya kay amazona sister baka ako ang gagawin nyang utusan sa lahat ng pakay nya. Alam nya nagkakagusto ako kay heaven mukhang maiipit ako sa situwasyong ito. Nagluto ako at kumain na isa isa na silang nagising ako ang unang naligo at unang nakapaggayak. Paminsan minsan ay tumitingin sa akin si caliber na alam ko ang ibig sabihin. Sabay sabay kaming pumasok sa school biyernes na ngayon bukas ay walang pasok. Nasa tapat na kami ng school at isa isa ng lumabas. Nahuli ako at mabilis akong pumunta sa room nauna ako sa kanila. Naupo na ako sa upuan ko napatingin ako sa pintuan at sakto namang dumating si heaven at amber. Mukhang badtrip ito nakakunot ang noo nya at masama ang tingin. Dumiretso lang ito sa upuan nya maya maya ay dumating na rin sila Caliber, Kaizer, Spencer, Andrei,Kent and renzy. At sabay sabay silang umupo sa upuan nila tahimik lang ako hanggang mag recess.

"Tara Yvo sa canteen" tanong.sa akin ni Caliber kasama si kaizer at andrei.

"Ah wait lang diba sabay sabay tayo nila renzy diba yvo" sabat ni Kent kumindat sya sa akin parang sumang ayon ako sa kaniya.

"ahhh oo sorry sabay nga pala kami nila renzy at kent sige sa susunod nalang" tanggi ko kay caliber at umalis naman ito. Hay salamat kay kent niligtas nya ako kay caliber dahil alam kung may ipapagawa sya sa akin.

"Yvo alam mo ang dami naming napapansin sayo hindi kana masyadong mapagtrip at maingay" kwento ni kent na katapat ko lang sa lamesa at katabi ko naman ay si renzy na tahimik lang.

"yeh dati kase lagi kayong magkasama ni caliber sa kalokohan parang ngayon ay sya na lang " seryosong sabi ni renzy.

"hindi pwedeng nagbago na ako kase narealize ko nakakapagod din pala" tugon ko sa mga tanong nila.

"alam masaya ako dahil nagbago kana Yvo alam mo kung hindi ko talaga kaibigan yang si caliber ay iniwan ko na yan " patawa ni kent nakapoker face lang kami ni renzy at pinagpatuloy ang pagkain. Natapos kaming tatlo at ako ang nagbayad lahat kilala ko itong si kent. Mayaman naman sya pero kahit kailan kuripot hindi ko nga alam kung bakit nya ginawa yung kanina. Umalis sila kent at renzy may dadaanan lang daw naglalakad ako ng humarang si caliber sa daan. Nakapamulsa sya at sumandal sa pader na akala moy gangster.

"Hello kamusta ang pagkain nyo masaya ba ewan ko lang kung masaya sila pag nalaman nila ang nakaraan mo" tinap nya ang balikat ko at iniwan akong magisa. Nanlambot ang tuhod ko dahil hindi ko alam kung saan ako lulugar. Akala ko sa mga nakalipas na taon ay maibabaon na sa limot ang lahat. akala ko nailibing na sa nakaraan yun akala ko kaya ko nang labanan ang lahat. Parang si caliber pa ang nagpapahirap sa akin wala naman akong ginawang mali sa kanya. alam ko nang mangyayari ang mga ito na gagamitin nya ang nakaraan para mapaikot ako. Siguro ito na rin ang ganti ni Tim sa akin sobrang pinagsisihan ko ang aking nagawa.But it is all under control.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon