Chapter 6 LONELINESS RETURN

2.4K 85 0
                                    

Shawn POV

Simula noong araw na iyon ay naging maalaga sa akin si nanay Carmina. At lahat ng kailangan ko ay ibinigay nya kaya nakaramdaman man akong pangungulila kila nanay at keana. Pero naiibsan yung ng konti ng dahil Kay nanay carmina maalaga sya at mapagmahal Pero iba parin yung tunay mong nanay .

Tiktilaok.....!!

"Shawn gumising ka na dyan parang sabay sabay tayong kumain" maawtoridad na sabi ni nanay Carmina.

Bumangon ako kama at dumiretso sa banyo naligo at nagtooth brush at nag bihis ng damit na pinahiram sa akin ni tatay max kahit may kalakihan ay sinuot ko ito.

"Oh Shawn kumain ka na " Sabi ni tatay max habang naglalagay naman ng pagkain sa Plato ko.

" Salamat po tatay max" Sabi ko dahil Nahihiya ako habang nakain kami ay lagutok lang ng platong babasagin at kutsara ang maririnig mo. Kaya namimiss ko tuloy sila mama at keana nakayuko ako habang nakain kase Nahihiya ako.

"Ahm Shawn pagkatapos mong ay mag shoshopping tayo ng damit mo dahil sobrang laki ng damit mo kailangan mo ng bago".

" Ahh huwag na po okay na po ito" Nahihiya talaga ako sa mga mabubuting loob na pinapakita nila sa akin.

" Huwag kanang tumangi kusang loob naman yun" Sabi ni nanay Carmina habang pinipisil ang kamay ko kaya ngumiti nalang ako nagpapahiwatig na sumang ayon na ako.

Nang matapos ay mabilis ako ng nag ayos ng sarili at umalis na kami ni nanay Carmina at tatay max naman ay pumasok na sa trabaho. Habang nasa byahe walang naimik sa amin at mga trenta minutos ay nakapunta na kami sa mall. Dumiretso kami sa bilihan ng mga damit at sa tingin ko ay mamahalin ang mga ito .

" Ito Shawn subukan mo " pagkasabi naman ay pumunta ako sa fitting room laging may inaabot sa aking damit si nanay carmina. At pupunta naman ako sa fitting room para sootin yung pagkatapos magtatathumbs up sya at babalutin naman nung babae. Maraming kaming pinamili dala dala ito nung body guard ni nanay Carmina at pinadala sa kotse bahang kami ay papunta naman sa bilihan ng sapatos mga limang pares ang binili sa akin.

At pagkatapos pumunta kami sa bilihan ng mga personal things kagaya ng underware, boxer at mga sando bumili rin kami ng toothbrush, pabango, at kung ano ano pa na ginagamit sa katawan.

Pagod na pagod ako Pero si nanay carmina ay parang wala lang may poise pa itong maglakad at kita mo talagang mayaman sya. Nakauwi na kami at nakita ko ang mga pinamili ay nasa kwarto ko na Isa isa kung inayos ito magaganda ang damit. Nang bigla kung maalala sila nanay at keana naalala ko pa nung merong bagong biling damit ako Kay nanay masayang masaya na sya noon .

Bistida ito na bulaklakan na bigla nya itong ihunger at inilagay sa cabinet na lagayan ng mga panglakad.

" Oh ma bakit Nyo itinago " Sabi ko Kay mama

" ano ka ba sosootin ko ito Pag may okasyon lang dahil bigay ito ng anak ko kaya iingatan ko" Sabi ni mama habang yakap yakap ako ng mahigpit.

Naramdaman ko nalang na may tubig na tumulo sa aking pisngi at mabilis ko itong pinunasan. Halos sa lahat ng bagay na may kaugnayan kila mama ay biglang nagiging emosyonal ako. Hayss mabilis kung inayos at naligo dahil malagkit na ang pakiramdam ko.

Bumaba ako at kumain tahimik lang kami habang kumakain si nanay carmina ang nagligpit ayaw kase nila akong pagalawin sa bahay. Umakyat na ako sa kwarto ko at nakinig ng music pinagtugtog ko ang paborito Kong kanta ang let me be the one natapos ito at nakaramdam na ako ng antok kaya natulog na ako.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon