Amber POV
Halos alas 8 ako nagising wala naman akong pasok kaya walang mambubulabog. Maya maya lang ay may kumatok sa pintuan ko at mabilis akong bumangon. Hay nakakainis oh yung beauty rest ko ay wala na buong linggo ako stress.
"Sino yan! Agang aga eh!" bulyaw ko.
"hoy amber kung buksan mo nalang kaya!" pabulyaw ding tugon ni heaven binuksan ko ang pinto at nakita ko ang nakakainis na mukha ni heaven.
"agang aga nambubwisit ka! umuwi ka na nga sa inyo!" pagtataboy ko dito.
"ano ba amber agang aga ay sigaw ka ng sigaw" suway sa akin ni kuya kaya tumahimik na lang ako.Mabilis akong naghilamos at nagtoothbrush si heaven naman ay nanonood lang ng Phineas and ferb. Paborito ni heaven nacucutan daw sya doon sa kulay orange na tatsulok ang mukha. hahaha. Kumain ako ng almusal tinagalan ko talaga para mainip si heaven at umalis na. Pero nagkamali ako enjoy sya dito sa amin dahil binigyan sya ni kuya ng Stik-O samantalang ako yung paborito ko lang na. Kit-kat diba sosyal hihihi.
Naghuhugas na ako ng plato ng biglang lumapit si heaven at kumuha ng kitkat ko.
"ano ba! saway ko dito pero hindi nagpatinag.
"nagreview kana ba sa periodical natin sa monday?"'tanong nito.
"ah hindi pa pero baka bukas ako magrereview" kwento ko.
" kaya nga pumunta ako sa inyo dahil manghihiram ako ng notes kaya pahiram amber kahit sa physics at chem lang"paawa effect pa nitong sabi mabilis kong kinuha ang notebook ko. Para makaalis narin itong bruhang ito at tama nga ako maya maya lang ay nagpaalam na ito para umuwi.
Ang buong araw ko ay tulog, kain at nood, cellphone lang. Tamad na tamad talaga ako ngayon eh kaya lulubusin ko na ang katamadan ko. Katatapos ko lang manood nahiga muna ako at nag cellphone. Nafopen ako ng account ko sa facebook at as usual nagmessage na naman si mike. Bakit hindi nya ba tanggap na ayaw ko nga sa kaniya. Mayaman sya at may itsura wag nya sayangin iyon mabait naman sya pero isang ugali lang ang ayaw ko sa kanya. Ang pagiging mayabang nya ayun lang isa naman syang ideal boy that every girl dream. Pero ayaw ko sa kanya nababanasan ako sa kaniya inis kung binura ang message na yun.
Itinabi ko na ang cellphone ko dahil nawalan na ako ng gana nabwisit na ako. Pagulong gulong ako sa papag ko si kuya naman nasa salas nanonood lang. Naboboring ako at napag
desisyunan kung maggala gala nagpaalam ako kay kuya na pupunta lang ako kila heaven. Naglalakad ako papunta kila heaven nagulat ako ng may biglang tumigil na kotse sa harapan ko. At kilalang kilala ko kung sino ang may ari ng kotseng iyon at kila mike iyon. Lumabas ito at nagpaiwan na at mabilis namang umalis ang kotse. Hanggang kaming dalawa lang naiwan binilisan ko ang lakad ko dahil alam kung naka sunod sa akin si mike.
"kamusta na amber ahm.... bakit mo ako iniiwasan? may nagawa ba akong mali?" tanong nito at hindi ko lang pinansin at iniwan ko sya magisa. nayayamot ako mabilis akong naglakad at mabilis na pumasok sa bahay nila heaven para hindi ako masundan.
"oh si mike pa yun? tanong ni heaven sabay turo kay mike na nasa labas ng bahay nila. Nakaupo lang ito sa labas doon sa malaking puno ng sampalok.
"alam mo nakakaawa si mike mahal na mahal ka nya pero hindi mo pinapansin" kwento ni heaven at hindi ko alam bakit bigla akong nakonsensya. Oo mabait nga sya hindi ko lang napapansin ang pagmamahal nya. Siguro ay bulag ako at sarado ang mata ko para makita iyon.
Nakatingin ako kay mike mula sa bintana kinawayan ako at kinawayan ko din. Kahit anong iwas ko nandyan parin sya. Kahit anong layo ko lumalapit at lumalapit parin sya. Minsan naiisip ko tanga ba sya o talagang nagmahal lang talaga sya.
"oh nakapag review kana? kukunin ko na ang notebook ko magrereview ako mamayang gabi kaya akin na" mataray kong sabi at ibinigay naman nya.
"amber bigyan mo naman ng chance si mike mukat mo baka sya na ang true love mo" pang aasar ni heaven at nandoon parin si mike nakaupo. Maya maya ay nagpaalam na ako kay heaven tinignan ko si mike oo nga hindi naman masama kung bigyan ko sya ng chance.
Lumabas ako sa bahay nila heaven at sabay namang tumayo si mike sa pagkakaupo.
"May gagawin ka ba ngayon amber baka pwede kitang mayaya sa labas treat ko naman" nahihiyang sabi nito.
"wala naman sige" tugon ko at nginitian ko sya nakita ko ang saya sa mukha nya.
Kumain lang kami at nagkwentuhan doon ko nakilala ang tunay na mike. Mayaman sya at ang totoo hindi sya mayabang dahil nasaksihan ko yun. Isa syang humble at gentleman na lalaki. Mayabang kase ang unang expression ko sa kanya dahil sa paraan nyang manamit, kumulos,at magsalita. Hindi sya mahirap mahalin at nung araw na yun yung taong ayaw na ayaw ko. I think it has to chance that im fall for him.
Buong gabi akong nagreview pilit kung balikan ang mga lessons namin. Dahil ayaw kung bumagsak sa exam pero kahit anong pilit kung gawin ay naiisip ko parin si mike. Bwisit ka mike alam ko na kung bakit sa una ay ayaw ko sa iyo dahil sa huli ako ang maghahabol sayo. Mga alas 8 na ng gabi pero gising pa ako maya maya ay tumunog ang cellphone ko. Si mike nag chat at nag gogood night lang bigla akong nakaramdam ng kilig nagpagulong gulong ako sa higaan. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog ng nahihilo na ako doon ko lang pinilit matulog.
Heaven POV
Grabe ang ganda talaga ni amber meron syang mike na patay na patay sa kanya. Ang taray kaya ni amber pero hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ni mike sa kanya. Halos 3 hours lang ako nakapag review pero kinuha na nga agad ang notes nya. Napaka talaga ehh tamad kase akong magsulat minsan pinipicturan ko lang ang libro o kaya visual aid nila. Diba ang sipag maya maya lang ay umalis na si amber sumilip ako sa bintana. At nakita kong tinarato na nya ng maayos si mike. Mabait naman si mike pero ewan ko nga dyan kay amber napaka pusong bato. Maya maya ay umalis na silang magkasabay hihihi sabi ko na nga eh nakonsensya ka narin. Kailangan kung mga review first sem palang kailangan ay maganda ganda ang grade ko. Ibibili daw nila ako ng laptop pag naka 85 pataas ang average ko. Kaya ako todo review nagpasend nalang ako sa gc ng mga notes at binasa ko yun lahat. Halos alas 9 ako nakatulog hapet ang lola nyo natulog na ako may bukas pa naman. Sa monday aasarin ko si amber hahaha iinisin ko sya hahahaha. Niligpit ko na ang gamit ako at tsaka ako uminom ng gatas at natulog na.
GOODLUCK SA PERIODICAL NAMIN SA MONDAY!!!.
BINABASA MO ANG
BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETE
RomansPAST AND PRESENT ? BEHIND HIS TEARS THERES A LOT OF SACRIFICES AND LONELINESS THAT HE WANT TO KEEP IT TO HIM SELF. BEHIND HIS MASK THERES A FACE OF HIDING HIS TRULY FEELS. BEHIND HIS SMILE SHE IS THE ONLY REASON WHY HE FEEL SO HAPPY AND COMPLETE...
