CHAPTER 69 COURTING STAGE

609 24 0
                                        

Amber POV

Natapos ang pagkain namin niyaya ako ng nanay ni mike na magusap kami. Pumunta kami sa salas masiyahin ang nanay nya kaya hindi maikakaila na namana yun ni mike.

"alam mo hija matagal kanang gusto ni mike kaya pala baliw na baliw ang anak ko sayo" kwento nito.

"sa totoo lang po nung una po naiinis ako kay mike kase po ang unang expression ko sa kanya ay mayabang at ayun po ang ayaw ko sa lalake" kwento ko sa nanay ni mike.

"naku mabait yang si mike at hindi sya mayabang ganon lang sya manamit at kumilos" paliwanag ng nanay ni mike. Mamaya maya ay dumating na si mike at nagyayana akong umuwi. Hinatid na ako ni mike gamit ang kotse nya tignan mo 17 years old lang sya pero may kotse na sya. Kanya talaga yun dahil meron syang proweba meron na syang lisensya. Nagtataka nga ako kung bakit meron na sya noon eh dahil 17 years old lang sya. Hindi pa pwede yun dapat nasa legal age kana tsaka ka lang makakakuha noon.

"pasensya ka na kay mama ganon talaga sya kase alam nya na gusto kita at boto naman sya sayo. Hindi ko nga alam kung bakit dahil alam nila na mabait kang tao" kwento ni mike habang nag mamaneho at nakafocus lang sya sa kalsada.

"ang totoo na yan ay gusto ko ang ugali ng nanay mo mabait sya at higit sa lahat ay makwento para syang si mommy" kwento ko at binuksan ko ang cellphone ko.

"kwento na sayo ni mama yung.... ay hayaan mo na yun nandito na tayo!" sabi ni mike at tumingin lang ako sa labas ng bintana. At nasa tapat na kami ng bahay bubuksan ko na sana ang pinto pero naunahan na nya ako.

"salamat" nahihiya kong sabi at sya ang nagbukas ng pintuan ng kotse.

"ingat ka sa pagmamaneho mo!" sigaw ko sa kanya at kumaway sya sa akin.

"may paghatid na ah naku pagnakita yan nila papa yari ka amber" pagbabanta sa akin ni kuya. Nakatayo lang sya sa may gate at diretsong nakatingin sa akin.

"kuya wag mo itong sabihin kila mama kundi sasabihin ko din na hindi mo ako binabantayan at sasabihin ko din na lagi kang na kila ate finnary" pananakot ko kay kuya mabilis itong umalis. At simula noon ay hindi na nya ako inimik sinubukan ko syang kausapin pero hindi nya ako inimik.

Gabi na nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko. Patingin tingin ako sa cellphone ko dahil alam kung ichachat nya ako pagdatinfmg nya sa bahay nila. Pero ako ito hopia wala ano kaya ang nangyari doon. Baka naman pinagtitripan lang ako nitong si mike hay inayos ko na ang higaan ko at natulog na ako. Kung ayaw mong magchat edi wag hindi ako mag fifirst move si amber Esperanza ito.

Mike POV

Masaya ako dahil naging close na kami ni amber hindi ko naikukwento kung bakit ko sya nagustuhan. Ahm ang totoo nyan isang araw yun mga 9 years old palang kami noon. At nakita ko sya sa ospital na pagmamay ari namin naiyak sya noon habang nakaupo sa waiting area. Bata pa ako noon hindi ko pa alam ang crush crush na yan. Nilapitan ko sya at inalok ng ice cream, At tinanggap nya iyon pero mabilis syang umalis. Simula palang noon alam ko na suplada talaga sya. Simula noon hindi ko na ulit sya nakita and after 2 years nakita ko nagkita kami. Im already 11 years old sa isang karate lesson and doon ko na realized na crush ko sya. Maganda sya at maingay isa din sa katangian na nagustuhan ko sa kanya ay yung pagiging suplada nya. Simula noon sinusundan ko sya alam kung naiirita sya sa akin. Pero twing nakikita ko syang nakasimangot mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Ngayon masasabi ko na mahal ko na sya at gagawin ko ang lahat para maging pareho kami ng nararamdaman.

Kauuwi ko lang galing sa pag hahatid kay amber. Nakita ko si mama na nakaupo sa sofa habang naiyak at may kausap sa cellphone. Niyakap ko si mama para patahanin ako lang kase ang nasa tabi nya ngayon. Si papa nasa ospital may duty sya sa ospital isa din syang doctor. Si mama naman ay isang civil engineer gusto kong sundan ang yapak ni mama. Natapos ang paguusap nila sa cellphone at tumingin si mama sa akin habang pinupunasan ang luha nya.

"anak kailangan nating pumunta sa ospital, ang papa mo nabaril sya dahil may nagwala daw na pasyente at nakakuha ng baril isa ang papa mo sa nabaril" nanginginig na sabi ni mama. Ako naman hindi makapaniwala sa nangyari bakit ganon?. Mabilis kaming pumunta ni mama hinanap namin ang kwarto kung saan si papa. Maraming naka kabit sa kanyang katawan, marami ring dugo ang nasa damit nya.

Hindi ko nalang namalayan ang luhang pumatak sa mata ko. Mabilis kung niyakap si papa at si mama ay niyakap din si papa. Bakit nangyari sa amin ito? wala kaming masamang ginawa sa iba, wala kaming taong inagrabyado pero bakit nangyari ito. Halos kalhating oras ay dumating na ang doctor na tumingin kay papa.

"Okay lang po sya marami lang dugong nawala sa kanya kailangan nya lang salinan. Mapalad ang asawa nyo misis dahil daplis lang ang tama sa kanya sige una na ako" pagkatapos noon para kaming nabunutan ng tinik sa lalamunan. Nakaupo lang ako sa sofa na nasa gilid ng kama ni papa. At doon na kami ni mama nag palipas ng gabi.

Mabilis kung hinanap ang cellphone ko dahil ichachat ko si amber. Alam kung magagalit yun short temper yung si amber. Kinapkap ko sa bulsa ko pero wala kahit si mama hindi nya dala ang cellphone nya dahil sa pamamadali. Hay ipapaliwanag ko nalang kay amber kung bakit hindi ko sya nachat o kaya na text. At alam ko namang maiintindihan nya iyon.

Nanatili lang ako sa waiting area ako lang ang tao doon pinagiisipan ko pa kung sino ang mag sasalin ng dugo kay papa. Ako nalang kaya matanda na si mama at kaya ko pa hindi ko kayang mawala si papa. Ayoko na masira ang pamilya namin kung maari lang gagawin ko ang lahat para maayos ulit. At bumalik si papa sa dati ako nalang ang pagasa nila mayaman kami kayang kaya namin na maghanap ng donor. Anak ako ito lang ang maitutulong ko kay papa sobrang dami nyang sakriprisyo para sa akin. Ipinikit ko ang mata ko para ipahinga sa pagkakaiyak hay kaya namin to.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon