Shawn POVMasaya silang naguusap nung lalaking iyon at mukhang nagkakamabutihan na mga ilang minuto lang ay nagpaalam na yung lalaki at kinawayan ito nung babae at nginitian . Mga ilang oras puro pagpapakilalahan ay biglang tumunog ang bell na hudyat na recess na . Pumunta ako sa canteen at bumili ng makakain nag hanap ako ng may bakanteng lamesa . Nang biglang nahagip ng mata ko yung babaeng at kasama nya yung lalaking kumausap sa kaniya kanina. Mukha masaya ito hindi kagaya ng kaninang tulala at tahimik.
Umupo ako doon sa lamesa malapit lang ito sa kanilang upuan mga dalawang lamesa lang ang pagitan. Mabilis kong tinapos ang aking kinakain huling beses tumingin ako sa lamesa nila ngunit wala na sila doon.
Heaven POV
Pumunta ako sa canteen at nakita ko agad si Spencer na nakaupo sa lamesa kinawayan ako nito at tinuro yung upuan na bakante. pumunta ako doon at umupo, bigla naman syang tumayo at bumili ng spaghetti ,burger,french fries at mineral water at bumalik ito sa lamesa.
" Grabe ang dami naman nito, alam mo favorite ko itong lahat mukhang mauubos ko ito hahahah"pabiro kong saad.
"Dapat lang dahil minsan lang ako manlibre" sabi nito habang nakangiti.
"Alam mo ito ang first time ko makaranas ng nilibre ako ng lalaki ng lunch"kwento ko dito ngunit ngiti lang ang tugon nya.
"Nakakatawa ka naman talagang sinabi mo pa yan na,edi masaya dahil ako yung first sana maging kaibigan tayo masaya ka palang kausap".Saad nito habang hindi mawala ang ngiti sa labi.
"Hoy for your information bad mood lang ako kanina ni hindi ko nga tinignan yung mga mukha ng mga kaklase ko eh. Pero pwede naman tayong magkaibigan at ..............Isang paalala huwag kang magkakagusto sa akin masyado akong maganda para sayo".pagpapaliwanag ko kase nga naman ang pangit na agad ng unang pasok ko sa school. Bigla akong napatigil sa pagsasalita ng marealize ko yung huling sentence na sinabi ko.
Nakatingin lang ito sa akin parang sinusuri nito ang aking buong mukha kaya nagbaba ako ng tingin.
"Ah ikaw naman di mabiro Hahaha" at tumawa ako para maibsan yung pagkahiya ko .
At nang biglang tumunog yung cellphone nya kaya sinagot nya ito at nag paalam muna sya bago lumayo.Bumalik ako sa classroom at nakipag kwentuhan sa mga kaklase ko.
Hinahanap ko si Spencer sa room Pero wala sya doon kaya bumalik ako sa upuan ko at nilapitan ko ang lalaking tahimik, mga dalawang upuan lang ang pagitan namin pangalan nya ata ay shawn Umupo ako sa tabi nya at kinausap sya.
"bakit ayaw mong makipaghalobilo sa iba lagi ka lang nakaupo dyan tara dali". Hinila ko ito sa kamay at pinunta ito sa mga kaklase namin na nag kukwentuhan. Pero hindi parin sya nagkikipag usap bigla akong napatingin sa kamay namin. Kanina pala hinawakan ko sya sa kamay mabilis ko iyong binitawan.Baka maging issue pa ito sa iba.
Umalis ako hinayaan ko syang makipagusap sa iba at ayun nakipag halubilo naman sya. Kaya masaya ako para sa kanya bumalik ako sa upuan ko dahil gusto kong mapag isa. Tinitingnan ko sya habang nakikipagusap pero parang pilit ang ngiti at tawa nya, parang may Mali.
Wala kaming teacher kaya sinaksak ko ang aking earphone at nakinig ng music namili ako sa mga songs ko puro kanta ito ng BTS. Sobrang gusto ko ang Kpop group na yon kahit hindi ko naiintindihan ang kanilang sinasabi ang ganda kasi ng tono at tugtog. Pinili ko ang mga ballad na kanta at pumikit hinilig ko ang ulo ko sa bintana.
Shawn POV
Bumalik ako pagkatapos kung makipagusap kahit pilit lang hindi ako sanay kase dati pagkatapos ko sa school ay magtatrabaho ako. Ni hindi ko naranasan ang maggala ,magkipagkaibigan at magpakasarap sa buhay.
Umupo ako at tinignan ko itong babaeng humila sakin kanina
hindi ko makalimutan yung kaninang paghawak nya sa kamay ko. Dahil first time akong hinawakan ng babae pwera lang sa nanay at kapatid ko. Kakaiba yung feeling hayss inayos ko ang upo ko at tumungo ako para magpahinga yung aking mata at katawan.

BINABASA MO ANG
BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETE
RomancePAST AND PRESENT ? BEHIND HIS TEARS THERES A LOT OF SACRIFICES AND LONELINESS THAT HE WANT TO KEEP IT TO HIM SELF. BEHIND HIS MASK THERES A FACE OF HIDING HIS TRULY FEELS. BEHIND HIS SMILE SHE IS THE ONLY REASON WHY HE FEEL SO HAPPY AND COMPLETE...