Chapter 11 MANGO TREE

2K 66 1
                                        


Heaven POV

Deretso ang tingin ko sa daan at sinikap na hindi sya lingonin. Na badtrip talaga ako sa lalaking yung sino bang tangang naka upo sa puno ng mangga at nakaitim pa syang damit hayss pero ang pogi . nakakahiya din minsan yung katangahan ko gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko kanina sa hiya.Hindi ko makalimutan ang nangyari sa ilalim ng manggang yun at nakilala ko pa ang nakakainis na lalaking yun.

Hindi ko kinausap si Amber hanggang nakauwi kami sa bahay nag hati kami sa manggang kinuha namin. At dumiretso ako sa kusina para hugasan ang mangga ng makita ko si kuya.

"Ohh nandyan kana pala saan ka pumunta ha hindi ka manlang nagpaalam ha o baka naman may nobyo ka ha malilintikan Yun sakin" sabi ni kuya Henry.

"At kailangan nya ring dumaan sa akin ha kung sino man yang nobyo mo " sabi naman ni kuya Herbert.

"Kuya alam Nyo ang OA nyo , nanguha lang kami ni amber ng mangga kase nakakatamad dito sa bahay" paliwanag ko.

"Ayun naman pala eh pahingi nga ako nyan bunso "Herbert.

"Ayoko kumuha kayo doon " Heaven.

Bago ko nasabi yung ay mabilis na kumuha sila kuya Henry at herbert kaya wala akong nagawa.bigla silang tumakbo sa kwarto at sinarado iyon kaya hindi ko na binawi. Sinipa ko yung pinto at nagdabog pabalik sa kusina nag balat ng mangga dalawa na lang ang natira hayss hiniwa ito at sinaw saw sa Toyo hay ang serep.

Max POV

Mag aalas teres na hindi ko pa makita si Shawn iyak ng iyak si Carmina kase daw Baka kung anong mangyari kay Shawn ay hindi nya makakaya.

Naglalakad lakad ako ng bigla Kong maaninag ang likod ni Shawn na nakaupo sa ilalim ng puno.
Nilapitan ko ito at pinagmasdan kung ano ang ginagawa nya at kumakain ito ng mangga habang malalim ang iniisip.

"Shawn bakit ka umalis hinahanap ka ng nanay mo nagaalala sya sa iyo ha "bungad kong saad at tumingin lang sya sa akin.

"Tatay max hindi nyo po ako anak at palamunin lang ako, hindi ako nababagay sa bahay na iyon."paliwanag nito alam kung nasaktan sya sa sinabi ni mama. Tumabi ako dito at hinawakan sya sa balikat, alam kung nahihirapan sya sa sitwasyon ngayon.

"Alam mo Shawn tinuring ka na naming tunay na anak at aalis na si mama bago magdilim pupunta sya sa Manila at baka doon narin tumira kaya wag lang mag alala,please umuwi ka na" pampalubag kung sabi sa kanya nginitian nya lang ako ng pilit.

"Salamat po sa pag tanggap at pagmamahal uuwi narin po ako sa bahay" saad nito

Niyinakap ko si Shawn napaka bait nitong batang ito at salamat dahil binigay sya sa akin ng diyos.

Heaven POV

Naka Indian seat ako habang ninanam nam ang masarap at maasim na mangga. Nasa kwarto ako madami akong poster doon ng BTS bangtan seoyondan kung tawagin .
Mahilig ako sa Koreano at wish ko someday sana makapunta akong Korea pupunta akong nami island at jeju island.

Habang nag iimagine ako ay may biglang may kumatok sa pinto sino ba tong epal na to.At Pag bukas ko ay nakita ko amber at pakapangalis syang damit.

"Oh bakit ka nandito ,bakit bihis na bihis ka ah saan ang punta".pabiro kong sabi at inirapan lang ako ng luka.

"Hoy venok grabe ka ha may balak ka pang bang mag aral mag eenroll ako sa Grade 12 at sabay tayo sabi ni tita Cory at tito Harry sa madaling salita nanay at tatay mo kaya bilisan mo na dyan,Ang tagal mo atang kumain ako nakapaligo na at nakain ka parin ng mangga"
Mataray na sabi ni amber kaya binilisan ko na ang pagkain. Naku mahirap ng magaling ang dragon baka mabugahan ako ng apoy mahirap na.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon