Sorry po dahil matagal akong hindi naka pag update. Sana po magustuhan nyo ang story baguhan lang po ako kaya hindi pa ako magaling magsulat. Salamat po sa lahat ng nagbasa promise po mas magiging kapanabik-nabik ang mga susunod na chapter. Thank you po! And keep reading and voting at kung gusto nyo po ay ifollow nyo rin po ako. Saranghae!.
Spencer POV
Kasalukuyan kaming nagrerecess nila Yvo, kaizer,kent murdy, renzy, andrei dito kami nakain sa paborito naming spot. Ang ingay nila masyado samantalang ako ay tahimik lang at nagmamasid sa kanila. Nagulat nalang ako ng bigla akong kausapin ni kaizer.
"hey Spencer okay kalang?" tanong ni kent mabilis akong napatingin sa kaniya.
"oo naman" pagaalinlangan kung sagot, pero sa totoo lang hindi. Hindi ako okay hindi ako maayos alam ko ang ginagawa ko pero bakit ganon? parang ako din yung nasasaktan?. Sa bagay ako naman kase ang nagpasya na hayaan ko si shawn na sumaya. Kase alam kung gusto ni shawn si heaven pero letche! gusto ko rin si heaven. Hindi maganda itong sitwasyon na magkakasama pa kaming tatlo. Kahit ano kasing gawin ko eh balewala na ang lahat. Hindi ako makasariling tao kaya mas gusto kong sumaya si shawn kahit nasasaktan ako.
"okay kalang ba talaga?" ulit na tanong ni kent na parang nagdududa.
"kase dati silang tatlo lagi nila heaven ang magkakasabay kumain pero nitong nakalipas na araw ay sumasabay ka sa amin? may nangyari ba?" tanong ni andrei.
"Sa tingin ko nga rin ay may nangyari nagkatampuhan o kaya naman....." pabiting saad ni kent na nakahawak sa baba nya at nagiisip ng iduduktong.
"alam ko na o kaya naman love, may gusto ka kay heaven noh? kaya feel mo ang awkward kung magkasama kayo hindi ba?" ngumiting nakakaloko si kent na parang alam nya ang lahat. Ipinagpatuloy ko lang ang pag kain ko at hindi pinansin ang pangungulit sa akin nung lima. Dahil si Yvo ay tahimik lang ni hindi tumitingin sa amin nakatuon lang ang mata nya sa pagkain nya.
"hoy! Spencer sabihin mo na kase" pangungulit ni andrei pero hindi ako nagpadala. Nabubuwisit na ako sa kanila kaya mabilis kung inubos ang pagkain ko at pumunta na sa room.
Uwian na naglalakad ako mag isa patungo sa gate ng bigla akong sabayan nung anim. Hindi ko nalang sila pinansin dahil nangungulit na naman sino ba hindi maiinis sa kanila?.
"hey Spencer!"sigaw ni kent at inakbayan ako.
"ano na kase sabihin mo na may gusto ka kay heaven no?"tanong nito at binaklas ko ang pagkakaakbay nya sa akin.
"please nga tigilan nyo na ako!" sigaw ko sa kanila maya maya ay lumapit sa amin si shawn. Seryoso ang mukha nya kagaya nung ekspresyon nya nung una ko syang nakita. Bakit parang ibang na naman ang ikinikilos ni shawn?.
Lumapit sya sa akin at diretso syang tumingin sa akin mga mata.
"Spencer pwedeng magusap tayo, tayong dalawa lang?" seryosong tanong nya sa akin. May nangyari ba? o baka tungkol ito sa nangyari kanina?. Mabilis akong sumunod sa kaniya sa fourth floor kami pumunta dahil wala namang nagkaklase doon. bakante yun kaya magandang magusap sa lugar na yun seryoso sya kaya kinakabahan ako. Pumasok kami sa isang room bukas kase iyon lalagyanan lang iyon ng mga gamit at ginawang exhibit room. Pumasok ako at sya ang nag sarado ng pinto namamawis ang kamay ko sa kaba. Mahirap kase basahin minsan ang iniisip ni shawn hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng half brother ko.
"anong paguusapan natin shawn?" seryoso kong sagot humarap lang sya sa akin.
"spencer bakit mo ginagawa ang lahat na komplikado" saad nito.
"komplikado? hindi ko maintindihan ang sinasabi mo?" nagtataka kong tanong. Bakit naging komplikado ba ang lahat dahil sa ginawa ko?.
"nitong nakalipas na araw napupuna kong umiiwas ka na sa amin, hindi mo ba alam na masakit sa akin na nagsasakripisyo ka para lang sa akin. Tanga kaba? please sa tingin mo hindi ka nasasaktan sa ginagawa mo. Oo alam kung gusto mo sya diba nasasaktan karin sa ginagawa mo. At ako nasasaktan din dahil sa ginagawa mo kapatid kita nahihirapan ako pag nakikita kitang nasasaktan. So mga isip ka please alam kung mahirap para sa atin pero ayun lang ang magagawa natin sa ngayon. Ang manatili sa tabi nya at pasayahin sya nakukhha mo ba yun. Kaya ko namang malagpasan ito pero sana wag kang umiwas sa sitwasyong ito. please Spencer wag mong gawin ito wag kanang umiwas. Hindi lahat ng bagay ay nalulitas dahil lang umiiwas ka. Pero mas gumugulo ito kaya please wag kanang ganyan please wag mong gawin ito. Bilang kapatid mo nagalala ako ayaw kong masaktan ka spencer." madamdaming saad ni shawn dahil sa mga sinabi nya marami akong nalaman. Mali ba talaga ang ginawa ko? wala akong naisagot sa mga sinabi ni shawn totoo naman lahat ng iyon.
Bumuntong hininga muna ako bago nagisip ng mga sasabihin ko.
"sorry dahil....... hindi ko alam na ganito ang mangyayari mas nahirapan lang ako pero sa tingin ko hindi na maibabalik sa dati ang lahat. Yung masaya lang at walang inisip shawn kung ayan ang gusto mo gagawin ko hindi na ako iiwas." paliwanag ko kay shawn na ngayon ay seryoso lang. Bakit ganon?
"please okay lang dahil si heaven ang magdidisisyon sa magiging kinalabasan nito, kaya okay na tayo?" tanong ni shawn sabay lahad ng kanyang kamay mabilis naman akong nakipag shake hands. Dahil doon narealize ko na bilang magkapatid dapat nagkakaintindihan kayo. Magkadugo kayo kailangan na nagkakaunawaan sa lahat ng bagay at sitwasyon.
Siguro nga si heaven na ang bahala sa lahat dahil dadating ang oras na kailangan na may isang sumuko at isa ang magiging masaya. Pero kahit anong disisyon iyon tatanggapin ko hindi naman siguro masama kung hayaan ko ang sarili ko kung saan ako sasaya.
"sabay na tayong umuwi?" tanong nya sa akin at binatukan ko lang sya.
"napaka brutal mo talaga!" sigaw nito na ikinatawa ko.
"okay sige tara na!" aya ko sa kaniya at naglakad na kami pababa ng building. Wala na masyadong tao kaya tahimik na ang school naglalakad kami sa hallway ng makasalubong ko si justine.
Nagkatinginan lang kami ni Spencer dahil mukhang may hinahanap ito.
"Justine sandali saan ko pupunta wala ng tao sa taas" saad ko pero nakatingin lang sya kay shawn. Mga ilang minuto pa ng magsalita sya pero nakatingin parin sya kay shawn.
"wala sige aalis na ako" paalam nito at mabilis kaming iniwan.
Sinundan ko lang ng tingin si justine hanggang sa makalayo ito.
"tara na" aya ko at mabilis na kami naglakad papalabas ng campus.
Maya maya lang ay dumating na ang sundo ko at sumabay sa akin si shawn. Tahimik lang lang buong byahe hanggang sa makarating kami sa bahay nila.
"bye!" paalam ko pero tango lang ang sinagot niya bago pumasok sa gate nila. Nag makauwi ako sa bahay nandoon na yung mga asungot at nakahiga pa sa sofa. Habang nanonood ng basketball sa TV mabilis akong pumasok ng kwarto ko at humiga. Wala kase akong ganang kumain kaya nagpalit nalang ako at natulog na.
Mga ilang oras lang ay kumatok sa pinto dahil doon mabili akong bumangon para buksan. Pagbukas ko ay si mama lang pala at may hawak syang isang plato ng cookies.
"anak tikman mo ito masarap yan" sabay lapag ng plato sa maliit na lamesa.
"sige po ma mamaya na pagod pa po ako eh" pagkasabi ko ay mabilis naman syang lumabas sa kwarto ko at natulog ulit ako.
Simula nung kausapin ako ni shawn ay hindi ko na sila iniwasan dahil mas maganda naman talaga iyon. Katulad ng dati lagi kaming tatlong magkakasama. Pero inisip ko na bahala na basta enjoyin ko nalang ang bawat araw na masaya kami. Dahil alam ko sa mga susunod na araw o buwan hindi magiging ganon kadali ang lahat.
BINABASA MO ANG
BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETE
Storie d'amorePAST AND PRESENT ? BEHIND HIS TEARS THERES A LOT OF SACRIFICES AND LONELINESS THAT HE WANT TO KEEP IT TO HIM SELF. BEHIND HIS MASK THERES A FACE OF HIDING HIS TRULY FEELS. BEHIND HIS SMILE SHE IS THE ONLY REASON WHY HE FEEL SO HAPPY AND COMPLETE...