Heaven POV
"tao po si heaven po ba papasok tita?" naririning ko ang pagtatanong ni amber kay mama. Gising na ako pero hindi ako papasok tinatamad akong bumangon.
"naku amber hindi daw papasok eh wala naman daw gagawin" paliwanag ni mama.
"Naku po tita hindi nya po ba alam na may ipapasa daw kaming requirements eh kailangan po iyon" kwento ni amber at maya maya may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"hoy heaven gumising kana! lintik kang bata ka nandito ang pinsan mo!" sigaw ni mama mula sa labas ng pintuan ko.
"ma! hindi ako papasok!" sigaw ko.
"aba talagang!bumangon ka dyan!papasok ka! ito talagang bata ito tinatamad lang ehh! pagsesermon ni mama sa akin pero ako dedma lang.
Ang ingay ni mama kay bumangon na ako at naligo na. No choice kase bunganga ng bunganga si mama kaya pumasok na ako late na kami ng 5 minutes. Pero buti na lang walang guard kundi samsam ang Id ko."Balita ko kayo na daw ni mike ah" biro ko kay amber akala ko tatarayan nya ako pero hindi. Ay dati kase pag ganon naasar na agad sya sa akin eh pero ngayon hindi na edi asarin ko pa.
Hindi nya ako pinansin at diretso lang sya sa room namin."oh bakit late kayo buti wala pa miss kundi lagot mamaya pa daw ang pasahan mga 3 ng hapon" sabi ni Spencer pagkaupo namin sa upuan.
"dapat hindi talaga ako papasok eh nakakainis ka alam mo ba yun amber ha pumunta ka pa talaga sa bahay" pagsesermon ko dito at tinaasan lang nya ako ng kilay.
"alam mo kung hindi ako dumaan sa inyo edi hindi mo nalaman na may ipapasa tayong requirements!" pagalit na sigaw nito. Nakatingin lang samin sila shawn at Spencer umupo na ako ng maayos. At hindi ko na pinansin si amber baka nagalit ang tanga ko kase sinisi ko pa sya, sya na nga yung concern eh sinigawan ko pa.
Halos buong araw akong hindi pinapansin ni amber kaya hindi ko na rin sya pinansin."sasabay ka ba sa amin sa canteen?" tanong ni shawn at kasama nya si spencer. Mabilis kung niligpit ang mga gamit ko dahil nagawa ako ng essay na ipapasa mamaya mga tatlong essay iyon.
"sige" at inayos ko ang bag ko at kumuha ng pera mga 20 pesos lang bibili lang akong French fries at buko juice.
"hindi ka ba tapos sa essay na ipapasa sa English for Academics" tanong ni shawn sa akin.
"oo eh ngayon lang ako naggawa eh hindi ko alam na meron palang requirements" tugon ko at tumingin ako sa kanya. Dati awkward ang atmosphere pero ngayon okay na kami ni shawn. Komportable na ako sa kanilang dalawa ngayon nga lang ako nagka boy bestfriend. Laging bakla at girl lang iba kase dati ang tingin ko sa lalake bastos, mayabang at basagulero lang ang mga lalake. Pero salamat dahil nakilala ko si shawn at Spencer na mabait sa akin and they make me feel special hihihi.
Nasa canteen na kami si Spencer ang pumila at kami naman ni shawn ang humanap ng lamesa namin.
"Sorry shawn nung mga nakalipas na linggo dahil sa maling pagtrato ko sayo" paumanhin ko kay shawn at ngumiti sya sa akin.
"okay lang naiintindihan ko naman kung bakit ganon ang trato mo sa akin" Sagot nya pero nakangiti parin sya sa akin.
"bakit lagi kang nakangiti ha okay ka lang ba? magpagamot ka na malala na yan" pabirong advice ko sa kanya.
"Oo nga eh kailangan ko na nga gamot" pabirong sagot naman ni shawn tinawanan ko lang sya. Pero mamaya maya ay naging seryoso ang kanyang mukha at nakatingin sa akin ng diretso. maya maya ay dumating si Spencer at dala ang mga pagkaing binili nya.
"Oh ito na ang French fries mo at buko juice agang aga buko juice agad malamig kaya yan sa tyan oh ito noodles sayo yan kainin mo na" alok ni Spencer ako naman tinanggap ko.
"salamat kain na tayo magta time na" paalala ko dahil 20 minutes nalang ay magta time na. Magpapasa pa kami requirements acads ang sunod na subject. Ang taray pa naman ng teacher namin doon lagi akong napapasabak sa pag eenglish sa subject na yun. Natapos na kami sa pagkain at mabilis kaming bumalik sa room. Natapos ang klase at okay naman ang yes! Success requirements accomplished.
"Shawn!Spencer! una na kami bye!paalam ko sa kanila at kumaway nalang. At naglakad kami papunta sa gate nagulat ako ng nakita ko si mike at nakangiti ito kay amber.
Ang mata ko ay naglilipat lipat lang sa kanilang dalawa. Napatingin ako kay amber at nakangiti ito kay mike. Hay what happen now? ang masasabi ko kay amber isa kang marupok hahaha. Dahil nakaramdam ako na parang third party ako sa kanila kay humiwalay ako sa kanila. Masaya silang naguusap na parang wala lang ako doon ay itsapwera ka na naman heaven.
"amber bukas nalang ha dadaan ako sa inyo" paalam ko dito pero hindi na nya ako pinansin kaya sumakay nalang ako sa tricycle. Para umuwi na ako ganon parin ang routine ko.
Amber POV
Magkasabay kami heaven papunta sa gate hindi ko akalain na totoo ang sabi ni mike. Na susunduin nya daw ako nagpaalam na daw sya kay mommy at daddy at pumayag naman daw. Narinig ko ang paalam ni heaven magpapaalam na sana ako ng bigla akong hilahin ni mike. Hay matampuhin pa naman si heaven hay bahala na.
"saan tayo pupunta mike?" tanong ko kay mike at tumigil ito sa isang kotse.
"sa bahay namin gusto ka daw makilala nila mama at papa" sabi nito at inalalayan ko pumasok sa kotse. At umikot sya sa driver seat sya ang nagmaneho.
"ano!sandali hindi mo sinabi kaagad bakit parang biglaan naman yata" tanong ko dito at nginitian lang nya ako.
"gusto ka nila kaya wag kang matakot" sagot nito na ikina kunot ng noo ko. Halos kalhating oras nasa tapat na kami ng isang malaking bahay.
"Bahay nyo ito? ang laki" mangha kung sabi habang sinusuri ang buong kabahayan. Kulay white and black ang kulay ng bahay ang gate ay malaki at yari sa bakal. Sa loob ay may fountain at may maliit na garden na puro sunflower at rose.
"hahaha tara sa loob para makita mo ng maayos" sabi nito at hinila ulit ako papasok ng bahay.
"Wow!Ang ganda grabe ikaw na ang ganda talaga ng bahay nyo" pang aasar ko dito at tinawanan lang ako.
Nakakainis kanina pa sya ngiti ng ngiti hay."bakit lagi kang ngiti ng ngiti ha baliw ka na ata" irita kung sabi at tumingin sya sa akin.
"masaya lang ako dahil pinapansin mo na ako at matagal ko na ring pinapangarap na mangyari ito" At pumasok na kami sa loob ng kabahayan may chandelier at malalaking sofa. May malaking Flat screen TV at kompleto sila equipment and appliances.
"hey mike naku kang bata ka kumain kana" salubong ng nanay ni mike napangiti ito ng makita ako.
"Ang ganda bata naman nito ikaw ba si amber? tanong nito at tumungo ako para Umoo at niyakap nya ako. Ang weird nya niyaya nya kami sa kusina at Fuckshit! ang ganda at ang pagkain nila kompleto may dessert pa.
"Ineng kumain kana" alok nito sa akin at umupo sya sa tabi ko sa kaliwa at si mike naman sa kanan. Hay feel ko maso suffocate ako masyadong mabigat ang atmosphere dito.
Please someone help me to get out of here!!
BINABASA MO ANG
BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETE
RomancePAST AND PRESENT ? BEHIND HIS TEARS THERES A LOT OF SACRIFICES AND LONELINESS THAT HE WANT TO KEEP IT TO HIM SELF. BEHIND HIS MASK THERES A FACE OF HIDING HIS TRULY FEELS. BEHIND HIS SMILE SHE IS THE ONLY REASON WHY HE FEEL SO HAPPY AND COMPLETE...