Chapter 5 NEW WORLD

2.6K 103 0
                                        

Kurt POV

Habang nasa byahe ay naka baling ang aking ulo sa bintana ng kotse. Para makapag pahinga ang aking leeg sa layo ng byahe, masyadong hindi pamilyar ang lugar na aming pupuntahan. May matataas na bundok at matatayog na puno may sariwang hangin.

Halos tatlong oras ang byahe ng may nakita akong malaking bahay at magaganda ang palamuti may veranda din ito. May pagkabago ang kanyang disenyo. At doon huminto ang aming sasakyan mataas ang pader na bakuran at isang malaking stainless ang pintuan.

Sa tapat ng pinaghintuan namin ng kotse ay may Isang ginang na may kaidadan na pero makikita mo ang maganda nya mukha at paguugali.
sumalubong ito sa amin laking tuwa nito ng makita ako, bigla nalang nya akong niyapos at hinalikan sa pisngi. At sa tingin ko ay may pagkasabik at pagkasaya sya nung makita ako hindi ko alam pero parang masarap sa pakiramdam yung niyayapos ka.

"Oh honey sino tong gwapong binatang ito"sabi nito ng saya.

"Ah honey nakita ko sya sa kalsada nakahiga doon ng walang malay kaya tinulungan ko sya at ang sabi nya ay wala daw sya kamag anak nakaka habag ang kwento nya honey, kamamatay lang ng ina at kapatid sa sunog, nalulungkot ako.sa nangyari sa kanya pero masaya ako dahil ako ang nakakita sa kaniya sa tingin ko biyaya sya sa atin hon "sabi ng lalaki sa kanyang asawang babae.

"Oh tara pasok iho feel at home ha parang bahay mo narin to".

At ang gandang ng loob ng bahay meron itong hagdan pataas at may apat na kwarto doon. Meron ding swimming pool sa backyard makinis ang sahig ang mga kagamitan ay halata mong mamahalin. Inikot ko ang kusina napaka ganda ang mga plato,baso,kutsara at kagamitang pagkain ay mamahalin para bang gamit ng hari at Reyna.

"Kami kase eh puro plastic ang baso at plato at kaldero,kawali ay puro uling kaya para akong tangang manghang manghang hehehe."

"Oh nandyan ka pala tara kumain muna tayo para makita mo ang kwarto mo,kung buhay pa si Stephen paniguradong masaya yon" malungkot nyang sabi.

"Sino si Stephen ?" tanong sa aking isip.

Nakaupo ako sa Isang magarang lamesa at napakasarap ng mga pagkain
At sa gitna ng lamesa ay Isang manok namay kung ano anong gulay ang nakalagay at may mga prutas para may Fiesta.

Sa sobrang tahimik ay lagutok lang kutsarang metal sa marmol na Plato ang maririnig mo. Hay nakakapanibago naman kase kami habang nakain ay ng kukwentuhan at naglalabas ng mga saloobin.

"Iho kung hindi mo mamasamain ha kung pwede lang ay dito ka na muna mamalagi,wala din naman kaming anak kung hindi naitatanong si Stephen ay kagaya mo din sya.Isa syang palaboy wala permanenteng bahay at walang pamilya kung gusto mo dito ka na lang.Alam mo sabik kaming magkaanak ni Carmina ngunit hindi ito pinagkaloob ng diyos sa amin.Kaya tumutulong ako sa mga taong walang pamilya dahil mamamatay kami ng wakang taga pagmana.Halos dalawang taon narin nung namatay si Stephen dahil sa cancer sa baga hindi namin yung matanggap ng asawa ko.Kahit hindi namin sya kadugo ay itinuring namin syang tunay na anak."Sa nung lalaki na halos papaiyak na ang kaniyang asawa naman ay pumatak na ang luha at humagulgol.

"Sige po " sagot ko na walang pagaalinlangan dahil ramdam ko sa kanilang mga mukha ang sakit ng nakaraan.Hindi ko ito tinanggap ng may Pag hahangad ng mana o materyal na bahay dahil kailangan ko din ng kalinga.

"Salamat anak" sabi nang babae.

"Ako si Mrs.Carmina Goza at sya naman ay si Mr.Max Goza simula ngayon ay tatawagin mo na akong nanay Carmina at sya naman si tatay max maliwanag eh ikaw iho anong pangalan mo?."sabi ni nanay Carmina at makikita mo sa mukha ang saya.

"Ahm Kurt Justin Enrile po"

"Simula ngayon ang pangalan mo na ay Shawn dhylan Goza.Wag nung kakalimutan na ikaw ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko Shawn"sabi ni nanay Carmina at piglang yumakap sa akin habang nahikbi.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon