Spencer POV
"sa wakas ay natapos narin hayss" malalim kung buntong hininga at pagkatapos ay prenteng naupo sa isang monoblock chair. Masaya na kase ako dahil tapos na ang pagtuturo ko. Halos isang linggo akong pursigido sa patuturo sa kanila Im so glad na natuto naman sila agad.
"ang saya!" masayang sigaw ni melody at zamie.
Napatingin ako sa isang babaeng tahimik na nakaupo sa isang sulok. Tapos na ang practice namin nandito kami sa quadrangle ng school. Halos nandito lahat ng mga estudyante ng grade 12 abala sa pageensayo. Dahil tapos na kami nagpapahinga ako sa upuan pinapanood ko lang ang mga tao doon. Yung iba bumalik na sa room pero yung ibang kaklase namin kagaya ko naggagala gala.
Balak ko syang lapitan ng bigla naman syang tumayo at umalis. Kaya bumalik nalang ako sa dati kong pwesto. Pero kahit ganon hindi parin mawala sa isip ko na sundan sya kung saan sya pupunta. Parang may sariling isip ang paa ko at patagong sinundan sya.
Pumunta sya sa likod ng school marami doong malalaking puno ng mangga. Kitang kita ko na nilapitan nya ang isang lalaking tahimik lang na nakikinig ng tugtog. Nakaearphone ito, at hindi nga ako nagkakamali si shawn iyon. Tulala lang si shawn kahit nung mga nakaraan na araw lagi syang wala sa sarili. Kagaya nung unang araw na nakita ko sya gusto nya laging mapagisa. Halos limang minuto silang nagusap at mukhang seryoso ang pinaguusapan nila. Kahit magkapatid kami magkaiba nga lang ang nanay. Gusto ko syang kilalanin ng lubusan pero baka masaktan lang sya. Dahil narin kase nung nangyari sa kapatid at nanay nya masaktan para sa kaniya. Ni kahit kailan nga wala syang kinuwento sa akin tungkol doon. Kaya hindi ko alam kung paano sya ikokomport nasasaktan din kase ako pag nakikita ko syang ganon.
Mabilis akong umalis sa lugar na yun dahil habang tumatagal mas bumibigat ang pakiramdam ko. Bakit ganito pa kase ang nararamdaman ko? Mahirap umibig dahil marami akong masasaktan na tao at mahalaga sya sa akin.
Pumunta nalang ako sa mga kaibigan ko nandon lang naman sila sa room. Halos kami lang ang tao sa room yung iba kase nasa labas pa. Mabilis akong Naupo sa tabi nila na ikinagulat nila.
"oh ang bilis naman akala ko gusto mo sa labas muna?" tanong ni Yvo sa akin.
"wala lang gusto ko kaseng tahimik na lugar masyadong maingay sa labas" pangangatwiran ko pero hindi sila nakumbinsi isa isa silang tumingin sa akin.
"oh anong tingin yan?" inosente kong tanong.
"wala lang baka may tinatago ka kilang kilala ka na namin" pasaring na sabi ni kent.
"oo na kase nagkakagusto na ako kay heaven pero may gusto din kase si shawn kay heaven" paliwanag ko.
"hahaha" sabay sabay nilang tawa.
"alam na namin yan hinihintay lang namin na ikaw na mismo ang mag sabi sa amin" sabat ni renzy na abala sa cellphone nya. Lagi naman.
"halatang halata kaya sa inyong dalawa" sabat ni yvo na ikinakunot ng noo ko.
Kaya nga baka nga masyadong halata.
"yung case na yan meron talagang masasaktan at meron isang magwawagi" seryosong sabat ni andrei at pagkatapos ay sabay sabay din silang nagsitango na alam mong sumasang ayon.
Alam ko pero handa na ako sa lahat ng mangyayari pero hindi ko din masasabing hindi ako masasaktan. Lahat ng ito ay na plano ko na mas gusto kong maging masaya si shawn. Sa ngayon hahayaan ko muna ang puso ko na mahalin si heaven dahil sa mga araw na ito, Alam kung magiging masaya ako. Pagkatapos ay si shawn na ang magiging masaya.
"hoy! okay kalang bigla ka nalang natutulala" saad ni andrei habang yung mga mokong busy na sa mga cellphone nila.
"naku broken hearted yan nakita ka namin kanina" sabat ni yvo.
"wala akong pakialam!" saway ko at nagbelat lang sya. nakakainis!.
Umalis ako sa mga mokong na yun at napagpasyahan kong bumaba. Naglakad lakad lang ako hindi ko alam kung bakit ako napapunta sa music room. Mabilis akong lumapit sa pintuan may kaunting awang doon. Nakarinig ako ng tunog ng gitara at nagsimula na ang pagkanta ng boses ng isang lalaki.
I've said those words before but it was a lie
And you deserve to hear them a thousand times
If all it is is eight letters
Why is it so hard to say?
If all it is is eight letters
Why am I in my own way?
Why do I pull you close
And then ask you for space
If all it is is eight letters
Why is it so hard to say?Ito lang ang narinig kung kinakanta nya, pero pamilyar ang boses na iyon. Sumilip ako sa bintana, bakit ganito ang tadhana?. Si shawn ang kumakanta habang nag gigitara si heaven naman nasa harapan nya at nakikinig sa pagkanta nya.
Bakit ang sakit? Biglang kumirot ang puso sa sandaling nakita ko ang pangyayaring iyon.
Hindi ko kinaya kaya mabilis akong umalis sa lugar nayun. Yung malayong malayo, yung hindi ko na makita iyon sobrang sakit. Pero sa sandaling iyon iniisip ko na kailangan kung tanggapin. Kahit anong gawin mo kusa nang nararamdaman ito kahit isip ko parang wala na sa katinuan.
Hanggang maguwian hindi ako nagpakita sa mga kaibigan ko kahit narin kila heaven at shawn. Parang wala ako sa sariling umuwi ng bahay wala akong kinausap kahit isa sa kanila. Kahit si mama hindi ko pinansin wala ako sa mood makipag usap.
Pagkadating ko sa kwarto ko ay nahiga na agad ako. Iniyak ko ng iniyak lahat dahil bukas kailangan kung maging maayos. Presentation na bukas kailangan magampanan ko ng maayos ang lahat bukas.
Maaga akong pumasok at umaktong maayos lang ako pero ang totoo ay hindi. Nakikipag usap sa akin si heaven at shawn pero umakto akong normal. Ngumingiti kahit pilit lang.
Nasa quadrangle kaming lahat para mag present ng sayaw namin. Simple lang ang costume namin denim at white shirt pinarisan ng leggings. Kinakabahan ako pero hindi ko pinahalata.
Natapos ang lahat at pang Second place lang kami. Masaya dahil may achievement din kaming nakuha. Binigay namin ang best namin then success naman.
Ngayon magkakasama na naman kaming tatlo masaya ako dahil ngayon nalang ulit kami nag kasama. Si shawn ang ng libre ng lunch kaya masayang masaya ngayon si heaven na kasalukuyang katabi ko. Nakakahulog talaga ang bawat tingin at ngiti nya kahit hindi sya kagandahan para sa akin maganda sya.
Malayo sya sa type kung babae pero hindi ko alam kung bakit nakuha nya ang puso ko. At parehas pa kami ng kapatid, at masaya ako dahil may kapatid pala ako. Kahit ngayon lang kami nag kita pero mabilis kaming nag kasundo. Maraming bagay na kaming magkasundo kahit sa magugustuhan na babae parehas pa.
Lihim akong napangiti sa aking naiisip kahit ganon salamat sa kanila. Dahil tinulungan nila akong maging masaya ng tunay. Kahit mayaman kami, kahit nakukuha ko ang gusto ko meron paring bagay na kahit kailan hindi mapapalitan ng mga materyal na bagay.
Mamaya maya ay dumating na si at bitbit ang pagkaing inorder nya. Inilapag nya ito at isa isa kaming binigyan sa harapan namin.
"oh ito kumain ka na" sabay abot sa akin ng burger at C2. Ngumiti ako ng kay tamis kahit ganon masaya ako na kasama kita shawn.
"salamat" tugon ko at nginitian nya din ako. pagkatapos ay mabilis kung inubos ang binigay nyang pagkain.
Shawn sa lahat ng bagay ikaw ang mahalaga sa akin. Sana maging masaya ka.
Ang tanging hiling ko lang sana ay matanggap mo ang lahat. Madaming pangyayari sa buhay mo ang mapapait sana balang araw ay mapalitan ito ng saya. Kasama ang babaeng mahal mo.
Pagkatapos kung kumain ay walang pasabi akong umalis sa upuan na iyon. Sa buhay talaga merong nag wawagi at nasasaktan, may naiiwan at may nawawala. Merong tumatawa sa saya at lumuluha sa lungkot.
A/N: Naawa ako kay Spencer dahil isa syang mabuting kapatid. Hindi nya deserve ng masaktan!. Pero dadating din ang araw na sasaya ka sa piling ko hahaha. DONT FORGET TO KEEP VOTE AND READING SALAMAT PO. SARANGHAE!
BINABASA MO ANG
BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETE
RomancePAST AND PRESENT ? BEHIND HIS TEARS THERES A LOT OF SACRIFICES AND LONELINESS THAT HE WANT TO KEEP IT TO HIM SELF. BEHIND HIS MASK THERES A FACE OF HIDING HIS TRULY FEELS. BEHIND HIS SMILE SHE IS THE ONLY REASON WHY HE FEEL SO HAPPY AND COMPLETE...