Chapter 56 THE INTRAMURALS PART 1

813 27 0
                                    


Shawn POV

"Anong oras na bakit wala parin si Heaven? Kailangan natin itong simulan?" Kainina pa kase kami dito at wala parin si heaven hindi namin masisimulan dahil nasa kaniya ang mga gagamitin. Mga materyales na frame ako kase sa printer at si Spencer ay sa camera. Anong oras na Pero wala parin sya haysss kami lang ang nandito ni amber nakakainis ang ingay kase ng babaeng ito. Si Spencer nga nilayasan na kami dahil sa babaeng ito kailangan kong pagtyagaan.

Mga ilang minuto ay Dumating na si heaven mukhang tumakbo ito dahil gulo gulo pa ang kaniyang buhok. May kaunti ding mga butil ng pawis sa kaniyang mukha.

"Huh sorry nalate ako" Sabi nito at mabilis na inilapag ang kaniyang bag sa bangko. Dumiretso ba iyo sa aming booth at inilagay na ang mga gagamitin namin. Maayos na ang lahat nandoon narin yung mga ibang mga kaklase namin marami na ang nabili. Kanina nung wala pa si heaven marami na ang napunta dito alam Nyo na mga Kpop fans din ang mga ito. Pero hindi namin sila mapagbentahan dahil wala pa yung mga gagamitin namin. Kaya ngayong Nandito na sya pwede nang pagbentahan dapat marami na kaming benta ehhh.

Ngayon lahat kami ay abala sa pagaayos ng gamit sila spencer at amber sa mga frames. Kami naman ni heaven ng hahanda yung printer at mga camera.

"Shawn! yung mga paabot nga ng mga frames doon sa bag ko!" Sabi nito sa akin at mabilis ko namang kinuha ito.

"O-okay!" At tumakbo ako sa bangkong kinalalagyan ng kaniyang bag.

"Nasaan na Yun?" Mabilis Kong binalughog ang kaniyang bag at success na kita ko na!.

"Oh ito na!" At mabilis akong naglakad sa kinaroroonan ng aming booth. Halos lahat ng estudyante ay busy sa mga booth nila magaganda at makukulay ang bawat booth. Malayo palang ay naririnig ko na ang boses ni Justine natawag ito ng mga costumer. Malimit sa mga costumer nya ay lalaki maganda kase sya at kahit ako ay nagagandahan din sa kaniya.

"Akin na" at inayos na namin ang mga gagamitin mga ilang minuto lang ay meron na kaming costumer. At tulad nila ay mahilig din ito sa Kpop hay parehas kami dito ni Spencer na hindi mahilig doon. Kaya OP kaming dalawa Pero mahilig ako sa mga kanta.

Mga ilang oras ay nagsimula na ang program maraming mga pasabog ang kanilang pinakita. Marami ang hindi nagpatalo Pati narin kami hindi kami papayag na matalo kami marami kaming mga pasabog ang pinakita. Masaya at mainit na labanan ang buong kalhating araw napapatingin Ako Kay heaven at ganon din si Spencer. Kay nagiiwas kami bigla parang ang akward sa magkapatid ang mga kagusto sa iisang babae. Oras na ng lunch kami lang tatlo nila amber ang Nandito da cafeteria nakakahiya kase magisa lang akong lalake Kaya tahimik lang akong habang minsan ay sumisilay Kay heaven.

Heaven POV

Maingay kaming Nakain dito sa cafeteria wala kaming pakialam sa mga nandoon. Kasama namin ngayon si Shawn si Spencer kase ay umuwi ng bahay para magpahinga daw. Hindi namin kase alam na may hika pala itong si Spencer at hindi namin alam ang gagawin para lang maibsan ito. Tahimik lang si Shawn na nakain at minsan ay tumitingin ito sa akin Pero hindi ko ito pinuna. Malayo palang ay nakikita ko na ang grupo nila Justine at infairness kasama pa nito sila caliber at Yvo ang kanilang company.

Pero wala dito si Renzy at Kent mababait iyon sa pagkakaalam ko hindi kagaya ng mga ito. Nakapagkit ito Kay caliber at mukhang gustong gusto naman ni caliber ang ginagawa nito. Mamaya Maya lang ay pumunta ito sa lamesang kinauupuan namin masama ang tingin nito Kay amber. At ganon din ang tingin ni amber sa kaniya mukhang may gerang mangyayari.

Mabilis ang pangyayari biglang binuhusan ni Justine si amber ng spaghetti at binuhusan pa ng isang basong juice at mabilis na umalis si Justine at kasama ang mga asbag na Yun. Marami ang nagbubulong bulungan at nagtatawanan nakatungo lang si amber at may nakita ako luha na pumatak sa kaniyang mga mata. Mabilis ang pagcomfort ko Kay amber alam ko palaban ito pero mabilis lang syang masaktan. Akala nyo isang amazona at parang tomboy kung umasta Pero Alam kung merong side parin syang mabilis masaktan. Si amber din kase yung taong hindi napapakali hanggat hindi nakakapanghugante. Tinapik ko ang balikat nya at niyakap mabilis nyang pinunasan ang luhang dumaloy sa kaniyang mukha at mabilis na tumayo.

"Nauuna na ako sa paguwi heaven" at walang emosyon syang lumayo sa kinaroroonan namin. Nagkatinginan lang kami ni Shawn hindi ko alam baka gumanti itong si amber haysss Alam kung matigas ang ulo nito.

Mabilis kung tinapos ang aking pagkain at tumingin ako Kay shawn at nakatingin na nalang ito sa akin. At malinis na ang pinagkainan nya mukhang ako nalang ang hinihintay nya.

"Kanina ka pa ba tapos wait lang ha? Sabay na tayong umalis" at mga ilang minuto ay tapos na ako. Tumayo na kami baka kase kung saan lang yun pumunta si amber. Hay ngayon year lang yata nagka ganito ang buhay namin ni amber dati walang nangingialam sa amin. Yung mga kaklase naming lalaki nirerespeto naman kami maganda ang samahan namin sa room ngayon lang nagiba. Maganda din yung parang wala lang yung presence mo hindi ka iniistorbo sa mga gingawa mo. Nasaan na kaya Yun si amber?

"Wait lang heaven bakit dyan pa dadaan doon yung gate ahhh" Sabi ni Shawn na mukhang nagtataka sa mga kinikilos ko.

"Hahanapin ko pa kase si amber baka kase mapaaway Yun Kilala ko yung pinsan kung Yun eh" Sabi ko at mabilis na tinahak ang third floor baka kase nasa room lang sya. Kase nandoon yung bag nya malamang kukunin yung hindi ko namalayan sumusunod pala sa akin si Shawn Pero hindi ko na lang pinansin.

"Kakanta ka raw bukas" bungad agad ni Shawn sa akin ng maabutan nya ako.

"Oo sabi kase ni sir Kim ehh nakakahiya nga ehh"

"Wag ka nang mahiya ikaw pa"at patawa tawa pa si Shawn na akala moy may iniisip na kababalaghan.

"Hoy tigilan mo nga yan kinikilabutan ako sayo haysss" Sabi ko at nginitian lang ako ng loko.

"Bilisan mo na" Sabi ko at hinatak ko sya para mas mabilis ang kaniyang paglakad.

Amber POV

Sa nangyari kanina puno ng paghihiganti ang buong puso ko. Alam ko na akong kase din ang problema ehh masyado akong matapang pero nanakit na kase sya. Oo napahiya ako at ayoko ng ganon kaya hinidi namalayan ang luhang dumaloy sa mukha ko. Nagpaalam ako Kay heaven para maglinis ng sarili habang naglalakad ako ay bigla na lang tumutulo ang luha ko. Wala akong pakialam kung may makakakita sa akin naglalakad lakad ako ng may nabangga akong isang lalaki.

"Oh amber napano ka bakit ka umiiyak?" Tanong sa akin ni Kent habang may dala dalang Isang plastic ng puro pagkain at chitchirya.

Hindi ko sya pinansin at tinungo ko na lang akong third at pumunta sa banyo. Buti may dala akong extrang damit nagpalit ako at hinugasan ang aking buhok na puro sauce at juice. Nang matapos ako ay naupo ako sa Isang upuan na malapit sa Isang malaking puno sa medyo likuran ng school. Dito muna ako nag palipas ng oras at nagflashback parin sa akin ang mga nangyari kanina kaya naluluha na naman ako. At Maya Maya may naramdaman akong tao na umupo sa tabi ko at hindi ako nagkakamali si Kent na naman ito.

"Bakit ka magisa dito? May nangyari ba? "Tanong sa akin ni Kent pero kahit Isa dito ay wala akong sinagot.
Nanatili lang akong tulala at nakatingin sa malaking puno wala akong pakialam sa lalaking katabi ko wala ako sa mood makipagusap.

Heaven POV

Nasaan na kaya yung nilibot na namin ang buong room at quadrangle pero wala parin sya?. Hay nasaan na kaya sya Nandito ako ngayon sa likod ng school at malaking puno doon. At hindi ako makapaniwala sa nakita ko si Kent at amber magkausap sila. Oo mabait si Kent pero nakakapagtaka lang kase ngayon lang ito nakikipagusap sa amin. May pagkasuplado ito pero ni hindi nga nito kami pinapansin ehhh. Nakikita ko mula rito ay naiyak si amber at ngayon kinocomfort ito ngayon ni Kent haysss. Si amber talaga napakalapitin ng lalaki maganda kase ito maputi,matangkad at matangos ang ilong.

Eh ako ay morena,pandak at hindi naman katangusan ang ilong haysss ang unfair ng mundo.
Nilapitan ko na si amber at niyaya syang umuwi at hindi naman sya tumutol at sumabay narin samin si Shawn. Si Kent naman daw ay may gagawin pa kaya naiwan sya doon.



BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon