Heaven POV
Halos tatlong araw na simula nung niligtas namin si caliber pero sa tatlong araw na iyon hindi na namin sya na balitaan. Nagaalala na kami sinubukan namin syang hanapin pero wala kaming magawa. Nagtanong tanong kung may nakakita ba sa kaniya kase hinahanap na rin sya sa school. Simula noon hindi na sya pumasok kahit ang magulang nya ay pumunta na sa school. Hinahanap sya tatlong araw narin kaming nagaalala sa kaniya.
"Heaven Ito ang laptop mo oh pangako namin yan eh kaya sa susunod galingan mo pa" saad ni papa at binigay sa akin ang isang laptop. Nasa loob pa ito ng bag na mismong lalagyanan nya yes!Success nagawa ko keep it up!.
"thank you po pa" sagot ko at lumabas na ng kwarto ko si papa.
"sige aalis na kami ng mama mo" saad ni papa bago umalis ng kwarto ko.
"sige po ingat po kayo" paalala ko kay papa.
"Ikaw din pumasok ka ha baka tamarin ka na naman eh sige bye bunso" huling pahabol na sabi ni papa at talagang bumalik pa sya para sabihin iyon. Tumango nalang ako kay papa humiga ako sa kama ko at mabilis na binuksan ang laptop ko.
A/N: sana all nireregaluhan ng laptop huhuhu.
Alas 10:30 ay naggayak na ako papuntang school excited na rin ako mag cocomputer kami mamaya ni amber para mag download. Yung K-drama hihihi puyatan toda max buong gabi. Hinintay ko si amber sa kanila para sabay na kaming pumuntang school. Sumakay kami ng tricycle pagkababa namin agad ko namang nakita sila spencer kasama nya si shawn.
"Magaapat na araw na hindi nakikita si caliber sila tita nga nagaalala na" saad ni Andrei.
"Naku nakakapanibago sila, ngayon lang sila nagkaganyan eh dati nga pinabayaan nila si caliber" sabat ni yvo kaya natahimik nalang kami.
"talaga?" tanong ko kay yvo pero hindi na ulit sya umimik.
"tara na pasok nalang tayo" basag ni Spencer nagsipasukan nalang kami sa room. Meron pang mga grade 11 kaya hinintay nalang namin na matapos ang last subject nila. Nasa labas lang kami at naghihintay syempre chikahan muna kami. Nakaupo na kaming lahat sa kaniya kaniya namin upuan dahil mag fifirst subject na. Terror yung teacher namin doon kaya kailangan mabait ka hay.
"good after noon ma'am capaz" sabay sabay namin bati.
"you may take your seat now" seryosong saad nito at sumunod naman kami.
"nagaalala na ang buong school sa mga nangyayari sa mga estuyantw dito sa paaralan. Kaya nung kay ms. del valle maraming natakot na estudyante. And now halos tatlong araw ng nawawala si caliber kahit ang magulang nya ay hindi alam kung nasaan sya. Kaya please class kung makita nyo man sya pakisabi agad sa amin. And student be safe.......... okay ngayon Introduction to philosophy ang subject natin kaya....... blah blah blah" hay kahit kailan nakakaantok talaga ang subject namin ito. Kahit naantok na ako kailangan na makita nyang interesado kase papalabasin kami.
"nakakaantok" bulong sa akin ni Spencer tumango nalang ako at palihim kaming tumawa. Hindi pwedeng makita ni ma'am baka palabasin kami hihihi.
"shhhh" saway ni amber sa akin. Kaya ayun natapos ang klase para akong hinehele napakasarap talaga ng boses ni ma'am para akong pinapatulog.
"grabe talaga pag si ma'am capaz ang teacher natin ang sarap laging matulog" saad ni amber habang naglalakad kami papunta sa canteen. Tahimik lang yung iba ako lang, nang ako ang nagsasalita hayaan na nga baka nagaalala lang sila kay caliber.
ring! naglalakad kami ng biglang tumunog ang cellphone ni kent. Mabilis na kinuha ni kent sa bulsa nya ang cellphone nya. Lahat naman kami tahimik lang at naiintriga kung sino yung tumawag.
"hello? oh tita bakit po kayo napatawag?" tanong nito.
"ha?......opo.......sige ......po ...wala po kaming balita sa kaniya tita.............................sige po pupunta po kami dyan" tapos na sabi nya kami naman nakakunot ang noo. Naguluhan kami sa narinig namin eh hahaha chismosa kase.
"bakit?sino yung tumawag?" tanong ni shawn kay kent.
"si tita, yung bagong wife ni tito....... dahil si tito daw sinugod sa ospital dahil sa lung cancer" paliwanag nito.
"50:50 na raw kahit operahan ay hindi na maaari at ang lagi daw binabanggit ni tito na gusto nyang makita ay si caliber" huling sabi nito.
"OMG! kailangan natin hanapin si caliber" saad ko at seryosong tumingin sa kanila.
"saan naman kaya pumunta yun si caliber?" saad ni andrei na mukhang nag aalala.
"maghanap na tayo kailangan na natin hanapin sya" Saad ko.
"okay magsimula na tayo" saad ni kent.
Lahat kami ay nagpaalam sa security guard para makauwi ng maaga. Hahanapin namin si caliber ayun ang dahilan namin sa guard at pinayagan naman kami. Nagcut kami ng klase okay lang para sa kaibigan namin, oo kahit maraming kalokohang ginawa sya sa akin at sa iba. Itinuturing ko parin syang kaibigan kahit mahirap intindihin pero alam kung mabait syang tao. Meron lang talaga syang ugali na hindi namin maintindihan mabait sya, dahil kung hindi bakit sya meron kaibigang nagmamahal sa kaniya. Lahat tayo merong masamang bahagi ng pagkatao minsan kase dala na ito ng karanasan. Pero kahit ganon may likas na kabaitan ang lahat.
"saan tayo maguumpisa?" tanong ni andrei at dahil doon napaisip ako.
"basta! maghiwalay hiwalay tayo mahahanap natin sya" Saad ko oo nga ang tanga namin.
"Doon ako maghahanap malapit sa ospital baka nasa tabi tabi lang sya doon" seryosong sabi ni renzy, nagkatingin tingin kami sa isat isa.
"alam mo kahit ganyan ka renzy hindi ko akalain na malaki pala ang silbe mo" singit ni andrei.
"hoy andrei ikaw lang ang walang silbe dito" pang aasar ni kent na ikinasimangot ni andrei. Lihim nalang kaming natawa dahil pagnakita kami ni andrei magagalif yun.
"naku tigilan nyo na nga yan! maghanap na tayo!" saway ni Spencer pagkatapos noon ay nag kanya kanya na kaming alis.
Halos kalhating oras kaming naghanap hindi ko alam kung bakit ako dinala ng paa ko sa isang abandonadong building. Kahit natatakot ako ay sinubukan ko parin kase dahil dito sa kutob na to hindi ko maisasalba si caliber. Minsan nga iniisip kung may powers ako yung kutob power effect ganon. Nilibot ko ang paligid baka merong daanan kase may malaking gate ito. Hindi ko naman kayang akyatin mataas hay dis advantage talaga pag pandak ka.
ISIP?ISIP?
May nakita akong isang patpat at pinalo ng pinalo ang kadenang na naging padlock ng gate. May kalawang na ito kaya mabilis na natanggal sobrang takot ko. Dahil ang panahon ngayon ay makulimlim at mukhang uulan iba din ang hangin malamig na talagang kikilabutan ka. Mabilis akong sumilip sa isang bintana maalikabok na ito pinunasan ko ito ng ang kamay. Pinalibot ko ang aking mata hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Si caliber ay nakahiga sa isang karton at madumi na maya maya ay may lumapit na dalawang batang gusgusin. Noon ko lang nakitang ngumiti si caliber na natural yung walang halong pagpapanggap.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nung oras na iyon. Kahit ako naaawa kay caliber dahil sa pamilyang meron sya ngayon kaya minsan talaga naiisip ko na sobrang swerte ko na sa pamilya ko. Dahil may ibang tao na pinapanalangin nila na sana na magkaroon din sila ng masaya at nagmamahalang pamilya.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko dahan dahan ko itong pinunasan. Hay bakit ganon naiiyak ako para kay caliber, kaya inaasar ako nila kuya na iyakin eh hay!. Napaatras ako ng masagi ko ang tablang nakasandal malapit sa akin na naglikha ng ingay. Hay!lord ang malas ko talaga!.
BINABASA MO ANG
BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETE
RomancePAST AND PRESENT ? BEHIND HIS TEARS THERES A LOT OF SACRIFICES AND LONELINESS THAT HE WANT TO KEEP IT TO HIM SELF. BEHIND HIS MASK THERES A FACE OF HIDING HIS TRULY FEELS. BEHIND HIS SMILE SHE IS THE ONLY REASON WHY HE FEEL SO HAPPY AND COMPLETE...
