YEHEY! this is the last chapter of BEHIND HIS SMILE_THE LOVE NEVER ENDS_BOOK 1. Okay lang yan sana magustuhan nyo ang pagtatapos ng book 1. Salamat sa walang sawang pagsuporta sa aking storya GOMAWA KILANDER'S. KEEP SAFE AND HEALTHY matatapos din ang sakunang ito.
HEAVEN POV
Natapos na ang pagbibigay ng diploma at oras na para kilalanin ang mga natatanging magaaral. Binanggit na ang pangalan ni Justine at ganon si renzy. Ngayon ang inaabangan ng lahat ang speech ng Valedictorian pero wala parin si shawn.
NASAAN KA NA BA!
Nailang ulit ng binanggit ang pangalan nya pero wala paring umaakyat sa stage na shawn. Nagpalinga linga ako at nagbabaka sakaling dumating sya pero walang shawn na nagpakita.
Natapos ang graduation maraming nagtatakang teacher at estuyante kung bakit hindi umattend si shawn ng graduation.Maraming pinapangarap na makapag speech sa unahan at maging proud sa pinaghirapan nya ng ilang taon. Ibinato na namin ang aming sumbrero at nagbatian sa isat isa.
Natapos ang graduation na parang sa isang iglap matagal mong pinagpaguran pero ilang oras mo lang mararansan.
"Anak hindi ka ba lalabas para makipagusap sa mga tito at tita mo?" Tanong ni papa na kasalukuyan akong nakahiga sa papag. Hindi ko alam pero wala akong ganang lumabas nandito kase ang pamilya nila amber. Naghanda naman ng kaunti sila mama.
"Papa hindi na po magpapahinga nalang po muna ako" Pagkasabi ko ay umalis na si papa na mukha naintindihan nya naman ako.
Tinext ko sila kent kung may balita sila kay shawn pero kahit sila ay walang ding balita. Nagtataka narin ako dahil hindi sya pumunta sa graduation nagtanong narin ako kila tita carmina. Pero kahit sila walang balita kaninang umaga pa raw umalis ng bahay. Kahit sila nagaalala at nagiisip na ng kung ano ano na baka kinidnap o kaya naman napahamak na.
Mamayang gabi na ang alis ko papuntang manila atat na raw si lola na pumunta ako doon. Dahil minamadali na ako ni lola gusto ko sanang makapagpaalam kay shawn. Pero nasaang lupalop naman sya?
Umabot na ng tatlong oras at palubog narin ang araw pero wala parin shawn na dumating. Maya maya ay bumukas ang pintuan ng kwarto ko at si papa lang pala.
"Anak maggayak ka na dahik mamaya maya ay babyahe na tayo papunta sa lola mo kinukulit na ako kahit mahirap na mapalayo ka sa amin ng mama mo pero mas maganda doon malapit sa school at wala ding kasama ang lola mo pwede mong kunin ang course na gusto mo pagsisikapan namin ng mama mo na makapagtapos kayo" Saad ni papa.
"sige anak pupuntahan kita pag okay na ang sasakyan natin" Pagkatapos ay umalis na si papa sa kwarto ko inayos ko narin ang mga gamit at damit na dadalhin ko. Walang minutong hindi ko chineck ang cellphone ko at nagbabaka saka pero waley parin.
Nung matapos na ako ay lumabas na ako sa salas para makapagpaalam kila amber at kila mama. Iniyakan pa ako ni mama nandoon din sila kuya at sandamakmak na paalala ang sinabi nila sa akin.
"Heaven tara na mahihirapan na tayo sa byahe kung mas gagabihin pa tayo" Saad ni papa at nauna na sya sa tricycle na sasakyan namin papuntang sakayan ng jeep.
"Sige po" Binuhat ko ang aking mga gamit at sa huling pagkakataon ay niyakap ako ni mama. Pagkatapos ay kumaway ako sa kanila bago tuluyang sumakay sa tricycle.Pagkaupo ko sa tricycle sinulyapan ko silang lahat at nakangiting nag paalam. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko kasama ko kase si papa. Habang papalayo ng papalayo ay doon ko na nararamdaman ang pagbigat ng talukap ng aking mata. Pagkatapos noon ay masaganang tumulo ang luha sa aking mata. pasimple kung pinunasan ang luhang pumatak para hindi makita ni papa. Tanggap ko naman ito eh.
Panahon na para harapin ko ang totoong mundo pwede akong masaktan na higit pa sa inaasahan ko. Ang mapait na mundo kailangan lang natin harapin at gumawa ng sariling tadhana. Tadhana na magbabago sa sarili natin sa buong pagkatao mo.
Bumuntong hininga ako at ginawang inspirasyon ang lahat ng nangyari sa buhay ko.
Sa huling beses ay denial ko ang numero ni shawn at cannot be reach parin. At bumagsak na naman ang luha ko ayaw ko mang isipin pero laging pumapasok sa isip ko ito. Nung bata pa ako marami akong naririning tungkol sa mga lalaki. Na sa una para yang mga santo gagawin ang lahat papakiligin ka at itatrato kang parang prinsesa. Pero pagnahulog ka na at sya na ang buhay mo hindi mo na kayang mawala sya sa mo buhay at ayun iiwan ka sa ere. Kaya ako takot sa pagibig na yan eh kahit alam kung masasaktan lang ako pero sumugak parin ako dahil gusto ko sya.
At alam ko din naman na gusto na nya ako pero sa huli ako lang pala ang nagmahal sa aming dalawa. Mas kumirot ang puso ko walang closure ni hindi nya sinabi sa akin na ayaw na nya. Hindi yung bigla nalang syang mawawala iniwan na akong tanga, umaasa.
Ahh! Ang sakit dahil hindi ko matanggap ay binura ko na ang numero nya sa cellphone ko. Kumikirot ang puso ko unang beses akong masakatan at sobrang sakit pala.
Nasa bus na kami papuntang pasig doon kase nakatira si lola ilang oras nalang ay makakarating na kami. Nakatulog ako sa byahe at pinilit mabura sa isipan ko ang mga pangyayari kahit ilang minuto lang.
Pagdating namin sumalubong agad sa akin si lola niyakap ako ng mahigpit pagkatapos ay ipinaghain kami ng mga pagkain.
Lumipas ang araw wala akong balita sa bahay namin eh kahit sila amber ay hindi ako kinokentak. Kaya mas minabuti ko nalang na malayo sa kanila sinarado ko ang koneksyon sa kanila. Naging busy ako sa paguumpisa ng school year.
Inayos ko ang sarili ko tinutok ko ang buhay ko kay lola at sa pagaaral ko. Pinilit kung kalimutan ang taong dumurog sa akin pero umaasa pa ako na balang araw kakausapin nya ako at linawin ang lahat na hindi ko maintindihan.
KUNG NASAAN KA MAN SANA MAAYOS KA MAHAL KITA AT SANA GANON KA RIN.
Nagbabaka sakaling dumating sya at linawin ang mga ideyang pumapasok sa utak ko. Lumalason ito sa buong puso ko at nagiging dahilan para maging bato at tumigas.
Lahat ng una ay bago sa pakiramdam pero lahat ng sakit ay doble ang sakit
dahil una mo itong naranasan. Dahil doon matuto ka at aayusin ang lahat na akala mo mali sa iyo. Pipiliin mong maging buo at mas maayos sa lahat ng tao maging bago at mas maganda sa paningin ng iba.
I LOVE YOU SHAWN DHYLAN GOZA
I HOPE WE FEEL THE SAME WAY.
DONT FORGET TO VOTE!AND I HOPE YOU ENJOY THIS STORY.
AND FOLLOW ME FOR MORE UPDATE THIS SLOW UPDATE.
BINABASA MO ANG
BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETE
RomancePAST AND PRESENT ? BEHIND HIS TEARS THERES A LOT OF SACRIFICES AND LONELINESS THAT HE WANT TO KEEP IT TO HIM SELF. BEHIND HIS MASK THERES A FACE OF HIDING HIS TRULY FEELS. BEHIND HIS SMILE SHE IS THE ONLY REASON WHY HE FEEL SO HAPPY AND COMPLETE...
