Heaven POV"okay! Counting! 1! 2! 3! 4! 5! 6! 7! 8!.......8! 7! 6! 5! 4! 3! 2! 1!" sabay sabay naming bilang habang ginagawa ang warm up.
"pagkatapos sa ulo naman! Counting!" sigaw ni Spencer habang naglalakad lakad tinitignan kami isa isa kung ginagawa ba talaga namin.
"1! 2! 3! 4! 5! 6! 7! 8!.....8! 7! 6! 5! 4! 3! 2! 1!" sabay sabay naming bilang.
"okay so ngayon handa na kayo ang sasayawin natin ay bali tatlo! Ang una para sa mga babae sasayawin nyo ay Dduu dduu dduu ng blackpink" saad ni Spencer.
Maya maya ay binulungan ako ni melody.
"okay yan mahilig ako sa kpop" nakangiting saad nito.
"ako din at madali lang yung sayaw na yun" at sabay kaming tumawa ni melody na palihim yung parang timang.
"ang pangalawa naman ay para sa lalaking Old town road" napatingin ako sa mga lalaki pero wala silang mga ekspresyon. Hindi ko yun alam mahirap ba yunh sayawin?.
"at ang huli ay sabay sabay na tayo ay In my feelings" pagkasabi ni Spencer non masaya parin kami dahil pabor yun sa amin na hindi magaling sumayaw.
"in two minutes magsisimula na tayo!" sigaw ni Spencer.
Ngayon umaaktong Choreographer talaga siya masungit sya pagnagtuturo at naninigaw. Baka naman ay talagang mahirap mag turo ng sayaw ang mas mahirap ay kung paano mo mapapasunod ang mga kagrupo mo.
********************
"aray ko! ang sakit ng likod ko kanina pa tayo sayaw ng sayaw" reklamo ni zamie habang hawak hawak ang likod nya.
"natural lang yan" wala sa sarili kung sabi. Wala sa sarili akong napatingin sa mga lalaki na ngayon ay tinuturuan ni Spencer. Alam kung pagod na sila pero mas pagod si Spencer dahil sya yung nagtuturo. Halos mapaos paos na sya dahil sa kasisigaw at kasasaway sa amin.
Hay nakakaawa naman sya.
Maya maya ay umupo na ang mga lalaki at kaniya kaniyang uminom ng tubig. Pagod na ang lahat magtatanghalian na santing narin ang init kaya nagpagpasyahan na namin na kumain.
Nagsialisan na ang lahat kami nalang tatlo nila shawn at Spencer ang naiwan. Si shawn at Spencer ay magkatabi at naguusap ng masinsinan. Nagdadalawang isip pa nga ako kung lalapit ba ako para yayain silang kumain.
Pupuntahan ko ba o hindi?
Tanong ko sa sarili ko bumuntong hininga muna ako bago lumapit.
hindi naman masama kung susubukan, diba?
Dahan dahan akong lumapit sa kanilang dalawa. Nasa harapan na ako nilang dalawa pero hindi nila akong napuna.
"hindi pa ba kayo kakain?" tanong ko sa kanilang dalawa at nakuha ko naman ang pansin nila. Parehas silang tumingin sa akin kaya nailang tuloy ako. Nag kunwari akong hindi tumitingin sa kanila mabilis akong nagiwas ng tingin. Kase yung tingin nila nakakailang yung hindi mo kayang labanan. Kase alam mo sa bandang huli ikaw din yung unang matatalo.
"ahm okay sige una na ako" kinakabahang saad ko at patakbong umalis sa dalawang iyon.
Naglalakad ako at palinga linga wala kase akong kasama natatakot ako. Mga limang minuto pa ng paglalakad at nakita ko sila zamie at melody nakain sila sa isang karenderya. Mabilis akong lumapit sa kanila naupo ako sa isang bakanteng upuan.
Baka naman mailang sila sa akin. Bahala na.
"hello pwedeng maki join?" tanong ko sa dalawa at nginitian lang ako.
BINABASA MO ANG
BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETE
RomancePAST AND PRESENT ? BEHIND HIS TEARS THERES A LOT OF SACRIFICES AND LONELINESS THAT HE WANT TO KEEP IT TO HIM SELF. BEHIND HIS MASK THERES A FACE OF HIDING HIS TRULY FEELS. BEHIND HIS SMILE SHE IS THE ONLY REASON WHY HE FEEL SO HAPPY AND COMPLETE...