Chapter 49 HIS REVENGE

900 28 0
                                        


Heaven POV

Masaya ako dahil makakasama ko si kuya kahit kalhating oras lang. Mas malapit kase ako Kay kuya henry kesa Kay kuya Herbert .

Nang matapos kami mag agahan buo kaming pamilyang nanonood ng Harry Potter naman. Isa din ito sa paborito namin movie katabi ko si Kuya habang ako ay may hawak na yakult at Isang Piattos. Masama ang loob ko dahil kumuha si kuya ng Piattos na hindi ko Alam kaya kakaunti nalang tuloy.

Hindi ko namalayan ang oras dahil masyado kaming libang sa pinapanood. Mag aalas dose na pala kaya nag gayak na ako papunta sa school. Masayang masaya akong pumunta sa school at talagang ang energy ko ay to the highest level. Kaya ayon maingay kami ni amber sa tricycle si amber kase minsan nahahawa na sa energy ko .

Kaya ayon parehas kami high na high mga limang minuto ay tumigil na ang tricycle sa tapat ng school. Naghabulan pa kami paakyat sa hagdan papuntang third floor.

Napahinto nalang kami ng may apat na lalaking humarang sa dinadaanan namin. At tumingala kami para makita namin ang kung sino man mga bwisit na Toh.
At ito nga ang grupo nila asbag si caliber ay nakatingin kaya amber.

At itong asbag naman ay nakatingin sa akin kaya pinandilatan ko sya ng mata.
At sya naman ay pinangsingkitan ako ng mata papahakbang na sana kami bigla nila kaming hinarangan.

" Hey babe saan kayo pupunta minsan na nga lang tayo mag kita umiiwas ka pa? " Sabi ni caliber Kay amber.

Hindi maipinta ang mukha ni amber at nang biglang yakapin ni caliber si amber.
Nagulat si amber sa ginawa ni caliber at ako din nanlaki pa ang mata.

Marahas na binaklas ni amber ang pagkakayakap ni caliber. Si Kaizer at Andrei mga seryoso lang ang mukha parang walang halong biro ang kanilang ginagawa.

Umalis na kami habang naakyat kami papuntang third floor. Hindi mawala sa aking utak ang nangyari kanina trip ba talaga nilang mangyakap? Ganoon din kase yung ginawa ni Yvo sa akin. Pero sa ibang babae yun panigurado kikiligin ka pero bakit sa akin ay wala lang epekto.

O baka naman asar lang ako talaga sa kaniya , pumasok na kami sa classroom at ayon kasunod naman yung tatlo. Pero dahil good mood ako ngayon hindi ko pinansin yung mga pangaasar nila.

Umupo na kami ni amber sa upuan namin grabe nga ehh halos puro boses lang namin ang maririnig mo. Sobrang ingay kase namin at inborn na akong ganito kahit ganon kami kaingay wala namang naiinis. Minsan nga nakikitawa pa sila sa mga kalokohan namin. Minsan nga nakanta kami pagwalang teacher Yun buwan na kinanta ni Juan Carlos. Pataasan kami ni amber at kung sino ang pumiyok ay pipitikan sa noo ng sampung beses.

Pagka nagkakasama kami ni amber parang may sarili kaming mundo wala kaming pakialam kung nakakahiya man o nakakababa ng dignidad. Naalala ko tuloy yung ginawa namin amber nung bakasyon dahil boring kami. Walang magawa sa bahay kaya nag gala gala kami sa kabilang baryo magaganda ang bahay doon at malalaki. Kaya napagtripan namin yung doorbell nila hehehe yung pipintudin namin yung doorbell at Pag may lumabas na tao ay biglang tatakbo ng mabilis.

Pasensyahan nalang pagnahabol kami naku patay kami sa may ari. Kaya ayon hinabol kami ng may ari nag bahay at mukhang naglilinis ito ng bakuran. Hindi kami nito nahabol dahil may hawak syang hose pero nakita nito ang mukha namin. At panigurado pagnagkita kami ay makikilala kami nito hay ganon kami mantrip muntanga lang hay.

Mga ilang minuto ay tumunog na ang bell mag sasabing recess na hehehe. Sabay kaming lumabas nang room nakakapagtaka bakit hindi ko ata nakita si Shawn at Spencer ? . Hindi ko kase sila nakita baka naman hindi pumasok hay bahala sila sa buhay nila.

Caliber POV

Madaming nag tataka kung bakit ko Yun ginawa simple lang para gumanti. Nung una talaga ang gusto ko ay paglalaruan ko sya at ang kaniyang puso Hahaha. At yung Sabi naman ni Yvo ay gamitin ko sa dahas pero ayun hindi parin ako masisiyahan. Pero mas ngayon mas pipiliin ko yung una kong plano ang paraan kung paibigin sya at sa huli ay sasaktan parang mas masaya Yun. Ako kase yung tao na hindi patatalo gaganti at gaganti ako kahit panget sa paningin ng iba.

Hindi ko nga Alam kung bakit ako naging ganito o baka naman dahil kila Yvo ,Kaizer at Andrei. Dati kase sila yung binubully sa school mga mahihina sila dati Pero ngayon Natuto na silang lumaban. Hindi ko nasasabi sa Inyo nag nakilala kami ng mga bro ko ngayon dahil sa balyenang yun.

Matagal na kaseng may crush ito sa akin pero ayaw ko naman dito. Halos nag tungkol sa akin ay inalam nya kahit sa bahay at mga personal things ay alam nya ang creepy noh?. Kahit hanggang ngayon ay iniistalk parin ako hay grabe ang hirap talagang pinanganak ka na may maganda mukha hayss.

Magalit na kayo pero gagawa ako ng paraan para sa akin ang huling halakhak.


BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon