CHAPTER 102 FOOD TRIP

164 21 0
                                    

Good day kilander's sorry naging busy ako dahil sa pagaapply ko ng trabaho kailangan na kase eh. Ang hirap ng buhay so sa wattpad ko nalang inilalabas ang mga saloobin ko. KEEP SAFE AND HEALTHY EVERYONE!

HEAVEN POV

Hanggang ngayon nahihiya parin ako sa nangyari ubo ako ng ubo pero kahit masakit tiniis ko para hindi ako mapahiya.

"Okay kalang ba?" Nagaalalang tanong ni shawn sabay ubo ko.

"Hindi okay lang ako nasamid lang"

pero sobrang sakit sa lalamunan.

Naglalakad kami ngayon ni shawn na hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil hinila nya nalang ako basta. Parami ng parami ang mga taong nadadaanan namin nasa kabayanan na kami. May malalaking gusali at magagandang lugar na alam mo talagang inalagaan ng maayos.

"Shawn saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya pero nginitian nya lang ako kaya hindi na ako nagtanong pa.

Tumigil kami sa isang kainan pero wala masyadong tao doon at may pagka liblib napatingin ako sa kanya na may halong pagtatanong. Hindi sya umimik at hinila nya nalang ako papasok sa loob. Malinis, maganda may sinaunang tema ang buong kainan ang ding ding ay ekis ekis na kawayan at ang putahe doon ay traditional na pagkain ng pinoy. Medyo may mga edad narin ang mga empleyado dito, dumiretso si shawn sa isang babae pero hindi ko na iyon pinakealaman. Mukat mo something personal. Umupo ako sa upuan kahoy na nasa gilid nawala narin si shawn sa mata ko kaya nilibang ako nalang ang sarili sa cellphone.

SHAWN POV

Matagal narin na hindi ako nakapunta dito at walang pinagbago ang lugar na ito. Naalala ko pa ang mga mapapait na alala sa lugar na ito pero panahon na ito para kalimutan iyon. Lumapit ako sa isang babae para magtanong.

"Excuse me po tita pero nasaan po ang may ari ng kainang ito?" Tanong ko sa kanya pero kinunotan nya ako ng noo.

"Bakit?" Balik na tanong ni tita kaya napabuntong hininga ako. Hindi ko maikakaila na namimiss ko sila lolo at lola halos ilang taon narin ang nakalipas. Hindi kase tanggap nila lola ang relasyon nila papa at mama ganon narin ang mga partido nila papa. Ipinanganak kami ni keana na walang kinamulatang mga lolo at lola pero nabuhay kami ng masaya at malayo sa lahat. Kailangan naming kumayod sa buhay dahil wala kaming madadaingan kaya naging independent kami. Simula noon wala na kaming balita sa kanila kahit paramdam, doonnamin naranasan na kaming pamilya lang ang aming sandalan at wala ng iba. Pinagtabuyan, ipinahiya kami sa harap ng madaming tao at nangyari iyon sa kainang ito. Kahit may sama parin ako ng loob sa kanila ay mas nananaig pag kaulila ko sa kanila. Na halos sa loob ng ilang taon na walang balitaan.

"Gusto ko po sanang kamustahin sila" Tipid kung sagot dahil sa sinabi ko ay naglakad na agad sya. Na parang alam na kung sino ako at kung ano ang pakay ko.

"Apo ka ba nila? Dali dito" Sabay turo sa isang eskinita mga isang hakbang lang ay may isang malaking bahay kang makikita.

"Sige kumatok ka nalang dyan" Sabi nung babae at mabilis kung sinunod. Kumakabog ang puso ko sa kaba at pinakalma ang damdamin ko sa mga posibilidad na mangyari.

Mga ilang katok lang ay pinagbuksan na ako ng isang may kaidadan narin na babae.

"Sino sila?" Tanong nito.

"Nandyan po ba si Esmeralda at frederico? Ako po ang apo nilang si kurt" Tanong ko.

"Nandoon sila sa taas halik pasok ka" Alok ni ate pagkatapos ay ipinalibot ko ang aking mata sa kabuoan ng bahay wala paring pinagbago. umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay at pumasok sa kwartong tinutukoy nya. Dahan dahan kung pinalibot ang aking mata si lolo ay nakahiga nalang sa papag habang si lola ay nakaupo sa kanyang tumba tumba. Habang nakatingin sa malayo sa tapat ng isang malaking bintanang nakaharap sa silangan. Si lolo sa sobrang payat ay hindi na makagalaw at makapagsalita pinupunasan nalang ito ng isang babae para malinisan.

"Lola Esme nandito po ang apo nyong si kurt" Bungad na saad ni ate.

"Sino? Si Kurt ka yan?" Hinihingal na saad ni lola siguro sa katandaan nalang.

"Opo lola" Sagot ko dahil doon biglang napako ako sa aking kinakatayuan ng biglang may luhang tumulo sa mga mata ni lola. Sa nakita ko naging emosyonal narin ako hindi ko mapigil ang pangungulila ko sa kanila.

"Miss na miss ko na ang apo kong iyon napakalambing ni kurt sa akin pero pinagtabuyan ko sila. Kung maibabalik ko lang ang araw at ang oras sana nasubaybayan ko ang paglaki ng aking apo nandoon ako sa tabi nila kung kailangan nila ako. Pero ako ang kusang lumayo naging matigas ako kahit alam kung sa bandang huli hindi ko alam kung pagsisisihan ko. At ngayon nga nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko" Tumulo narin ang masagana kong luha sa mga sinabi ni lola akmang yayakapin ko sya ng biglang pinigilan ako nung babae.

"Kurt may sakit ang lola mo takot sya sa mga taong hinahawakan sya kung hindi ay nagwawala at nananakit ito kaya paingatan mo mahirap baka sumpungin sya" Napatingin ako kay lolo na halos hindi na maimulat ang mata.

"Ang lolo mo na stroke na iyon pero hindi ko alam kung bakit lumalaban parin sya. Makita ko palang sya ay naawa na ako siguro may hinihintay pa sya at ikaw yun" Saad ni ate at niyakap ko si lolo sa unang pagkakataon ay narinig ko syang mag salita kahit humal na.

"Mahal kita apo ko" Mahina pero tagos sa puso ang kaunting salita na binanggit ni lolo. Hindi parin tumigil ang aking luha hanggang sa mamaga ang aking mata. Ako ang nagpunas kay lolo at nagdamit dahil gusto ko syang alagaan na hindi ko pa nagagawa. Naglaan din ako ng oras para makipag kwentuhan kay lola at kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Nakita ko din syang ngumiti pero hindi ko sya mahawakan kahit ganon okay lang sa akin. Halos isang oras ang tinagal ko at naalala ko na may kasama nga pala ako si heaven magisa lang iyon sa labas. Mabilis ako nagpaalam at agad kung pinuntahan si heaven na abala sa cellphone hindi ko napansin ang oras.

"Oh shawn saan ka galing ang tagal mo ah?" Tanong agad nito nung makita ako.

"Sorry kakilala lang tara na uwi na tayo" Aya ko sa kanya pero mas nauna syang lumabas napabuntong hininga sya paglabas ng kainan.

"Alam mo para akong lukang nag antay sayo ng isang oras bakit hindi mo sinabi sa akin matatagalan ka edi sana sumama ako" Galit na saad ni Heaven pero dahil sa ekspresyon nya ay natatawa ako. Nakangiti kung pinagmasdan habang sinesermunan nya ako.

"Hoy bakit hindi ka nag....." Napatingil sya sa pagsasalita dahil nakita nyang nakangiti ako.

"Bakit ka tumatawa?" Taka nitong tanong.

"Ahh wala lang ang cute pagnagagalit ka" Dahil sa sinabi mas namula ang mukha nya. Pinalo nya ako ng malakas sa braso na mas ikinataw ako ng malakas.

"Bwisit ka!" Sabay lakad nito at hindi nya ako hinintay napahiya ata. Naglakad na ako habang sinusundan sya kung saan sya dumadaan. Parang gumaan ang pakiramdam ko halos ilang taon ko ding dinala iyon sa aking puso. Masaya palang magpatawad kung alam mong kaya mo silang patawarin.

Bigla kung ibinalik ang tingin ko kay heaven ni hindi nya ako nilingon kailan kaya ako mapapatawad nung babaeng iyon? At napangiti ako.

"Heaven hintayin mo ako!" Sigaw ko dahil malayo na sya sa akin.

"Che! Manahimik ka!" Mataray nito saad.

"Ang taray" pabulong kung tugon at pinagpatuloy ang aking paglalakad.

DONT FORGET TO VOTE!AND  I HOPE YOU ENJOY THIS STORY.

AND FOLLOW ME FOR MORE UPDATE THIS SLOW UPDATE.

Guys vote, comment and follow me in wattpad for more update. I hope na sana nagustuhan nyo. Dont judge just love.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon