GOOD DAYS KILANDER'S Matagal tagal din akong hindi nakapag update gawa ng busy ako sa ibang bagay. Pero kaunting tyaga nalang matatapos ko na alam ko na maraming naghahanap ng magandang ending. Sisikapin ko na maging worth it ang pag subaybay nyo sa story ko. Basta promise mas exciting at todo na ang kilig sa book 2 sobrang dami ko ng naiiisip na scenario. Thank you for supporting my story kilander's at sana wag kayong magsawa.
HEAVEN POV
Simula noong araw na iyon marami ang nagbago sa ugali ni shawn mas naging extra sweet sya sa akin at nagustuhan ko iyon. But suddenly it disappear when I realize na malapit ng matapos ang school year at gagraduate na kami. Tumunog ang bell na hudyat na recess na inayos ko ang gamit ko pero may humawak sa kamay ko.
"Oh shawn bakit?" gulat kung tanong meron kase syang action na hindi ko ineexpect.Napatingin ako kay amber at nakataas ang kanyang kilay na parang nagtatanong. Dahil doon biglang nagkantyawan sila kent na ikinainis ko kay kent.
"Gusto ko sanang ayain ka sa rooftop may sorpresa ako sayo" Nakangiting saad ni shawn. Tumingin ako kila kent na sinusuporthan pa ang kanyanh kaibigan.
"Sige liligpitin ko lang ang gamit ko" Saad ko at niligpit na ang aking gamit napaisip naman ako. Ano naman kaya ang sorpresa nya? Natapos ko ng ayusin ang gamit ko pero biglang nawala sila shawn kasama ang kaibigan nya. baka nauna na?
"Amber punta lang ako sa rooftop" paalam ko kay amber at tumungo lang sya. Naglakad ako sa hagdan papuntang fourtfloor at rooftop nakasalubong ko sila kent,kaizer,andrei at renzy pero nagmamadali sila kaya hindi ako pinansin. Snobber! Padabog kung binuksan ang pintuan at nandoon si shawn nakaupo at diretso ang tingin sa aking mata.
Dahil doon ay biglang tumibok ng mabilis ang aking puso hindi normal parang aatakihin ako at baka himatayin kung nagkataon. May hawak syang gitara pagkatapos ay kinalabit ito may pagkamahangin doon. Kaya ang kanyang buhok na may pagkamahaba ay nagugulo ng hangin. Mas nakikita ko ang kanyabg mukha ditelyado ang kanyang itim na mata, mapulang labing may kakapalan. Mapungay nyang mata matangos na ilong at mapupuna mo ang kaunti nalang ang bakas ng peklat sa kanyang pisngi.
Sinimulan nya ng kalabitin ang gitara at simulan ang kanyang pagkanta nakakahumaling din ang boses nyang malagong.
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
at sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil para lang sayo isisinisigaw ng aking puso sana ay mapansin mo rin ang lihim kung pagtingin.Bawat bigkas nya ng salita kinikilig ako pero mas minabuti ko nalang na hindi umimik. Baka kung ano ang masabi ko.
Natapos ang kanyang kanta hindi ko namalayan na nakalapit na pala sya sa akin. Masyado akong naging lutang sa mga pangyayari inilapag nya ang gitara sa malapit na upuan.
"Mahal kita Heaven Del marie" kagaya nung una walang sabi sabi nya akong hinalikan kaya hindi na ako nakapalag.Mga ilang sigundo ang halik na iyon bumilis ng doble ang aking puso. At lumayo sya para makita ang reaksyon ng aking mukha dahil sa hiya ay yumuko nalang ako.
"Kagaya ng dati ang cute mo parin pagnahihiya kaya tumunghay ka para makita ko ang mukha mo" Hinawakan nya ang baba ko at unti unti nyang tinunghay ang aking ulo pagkatapos ay tinitigan nya ako sa mata.
"Ngayon ko lang ito sa twing malapi ka ay kumakabog ang puso ko na hindi ko malaman" Inilagay nya ang aking kamay sa kanyang dibdib. Bawat salitang binigkas mas nagpapabilis ng tibok nv puso ko. Gusto ko mang magsalita pero walang kahit anong boses na lumabas sa aking bibig. Niyakap nya ako at ginantihan ko naman ng kasing higpit ng kapiy nya sa akin.
Pagkatapos noon ay binigyan nya ako ng purselas na may disenyo ng pangalan ko. Sya mismo ang nagkabit sa aking braso.
"Salamat shawn" Humalik ako sa pisngi nya na tanda ng pagpapasalamat ko sa kanya. Hawak kamay kaming pumunta sa canteen pinagtitinginan at kinakaingitan ng kapwa ko estudyanteng babae na swerte daw ako dahil may shawn ako. Totoo naman.
Lumipas ang mga araw na wala akong hihilingin pa masaya at pinaramdam ni shawn sa akin kung gaano nya ako kamahal. Pinarandam nya na isa akong importanteng tao na kailangan ingatan at mahalin. Kahit sa mga araw na iyon naramdaman kung isa akong prinsesa at may prince charming na akong magmamahal sa akin at mamahalin ko.
Araw na ng graduation kahapon napagusapan pa namin ni shawn na susunduin nya ako. At masaya ako.
Kasukuyan akong nasa harap ng salamin habang si amber ay abala sa pagaayos ng buhok at mukha ko. Mamayang hapon na ang graduation pero hindi manlang nya ako tinext, baka busy sa paggagayak.
Masaya ako dahil valedictorian si shawn at ang second honor si Renzy pagkatapos si Justine ay third honor. Akalain mo nga naman matalino pala iyong babaeng yun. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malulungkot. Napatingin ako sa toga kong nakasabit at nakahunger sa gilid.
"hoy heaven kanina ka pa tulala dyan?Wag kang magisip ng kung ano ano para mamaya fresh yang mukha mo" Dahil doon ay nahimasmasan ako.
"Ang ganda mo pala ven pagnaayusan" Masaya nitong saad at pumalakpak pa. Dahil sa sinabi nya napairap ako sa hangin.
Maya maya ay bumukas ang pintuan ng kwarto ko at si papa lang pala nandito din ang mga magulang ni amber. Nangako kase sila na uuwi para sa graduation ni amber kaya ayun hindi mawala sa labi ang saya.
"Amber maggayak ka narin hinihintay ka na ng magulang mo sa salas" Saad ni mama pagkatapos ay nagpaalam na si amber.
Isinuot ko na ang aking toga tumingin ako sa orasan at Eleven thirty na dapat daw bago mag alas dose ay nasa school na. Sabay kaming pumunta ni amber sa court kung saan gaganapin ang graduation. Diretso kaming umupo sa nakalaang upuan sa amin nakabukod ang upuan ng mga magulang.
Pagkaupong pagkaupo ko ay hinanap ng aking mata si shawn pero sila kent lang ang nandoon. Hindi ko na sila nalapitan dahil nagsimula ng magsalita ang MC. Shawn nasaan ka na ba?
Kinalabit ko si amber at tumingin naman sya sa akin.
"Bakit?"
"Nakita mo ba si shawn kanina? Diba nakausap mo sila kent kanina hindi mo nakita?" Sunod sunod kung tanong.
"Hindi ko rin sya nakita at wala naman silang nabanggit tungkol kay shawn baka naman malalate lang sila doon banda naman ang upuan nya kaya tignan tignan mo" Sabay turo ni amber sa bandang unahan na upuan. Pero bakante parin ang upuang iyon.
NASAAN KA NA BA SHAWN?
Biglang kumabog ang puso ko iba ang pakiramdam na parang may masamang mangyayari. Pinakalma ko nalang ang aking puso at itinuon ang pansin sa nagsasalita. Nagdadasal ako na sana walang nangyaring masama sa kanya.
DONT FORGET TO VOTE!AND I HOPE YOU ENJOY THIS STORY.
AND FOLLOW ME FOR MORE UPDATE THIS SLOW UPDATE.
BINABASA MO ANG
BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETE
RomancePAST AND PRESENT ? BEHIND HIS TEARS THERES A LOT OF SACRIFICES AND LONELINESS THAT HE WANT TO KEEP IT TO HIM SELF. BEHIND HIS MASK THERES A FACE OF HIDING HIS TRULY FEELS. BEHIND HIS SMILE SHE IS THE ONLY REASON WHY HE FEEL SO HAPPY AND COMPLETE...