CHAPTER 71 CONCERN

575 24 0
                                    

Amber POV

"oh anong oras na bakit ngayon ka lang umuwi?" tanong ni kuya sa akin at hindi ko nalang pinansin.

"Kuya makaasta ka para kang si mama at papa ka ba? wala naman silang pakialam sa atin puro trabaho nalang ang inaatupag nila" at hindi na nagsalita si kuya totoo naman. Padabog akong nahiga sa kama ko hay hanggang ngayon hindi ko pa alam kung naging maayos ang pagsasalin ng dugo. Dahil pinauwi na ako ni tita dahil gabi halos mag aalas 9 na. Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko.

May isang butil ng luha ang pumatak sa mata ko. Namimiss ko sila mama at papa hindi pa sila na bisita dito. dati dalawang beses sa isang buwan pero ngayon mag dadalawang buwan na wala parin. Minsan naiinggit ako kay heaven kasama nya ang magulang nya. Kay mike ko lang narealize na masaya ang kompleto at buo kayong pamilya. At alam kung ginawa nya iyon para hindi mawala ang papa nya kahit ako gagawin ko ang ginawa ni mike. Dahil anak ako hindi ko hahayaang mangyari ang kinakatakutan ko. Maya maya ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"amber kumain kana nasa lamesa lang ang pagkain ha kumain ka nalang kung gusto mo" sabi ni kuya maya maya umalis din ito. Buti nga may kasama ako si kuya kahit madalas kaming nag aaway. Lumabas ako para kumain at nakita ko si kuya na papunta sa kinaroroonan ko.

"Alam mo amber ginagawa lang yun nila mama at papa para mabigay nila ang kailangan natin kaya wag kang magalit uuwi daw sila sa birthday mo" sabi ni kuya at umalis din kaagad.

Natulog na ako masakit na kase ang ulo ko kakaisip. Hindi ako pumasok kinabukasan alam kung magagalit si heaven. Sa halip ay pumunta ako sa ospital para kamustahin si mike dahil nagaalala baka kung anong nangyari kay mike. Nasa pinto na ako sa kwarto ni mike dahan dahan kung binuksan ang pintuan ng kwarto ni mike. Nakahiga si mike sa kwarto at katabi nito sa kabilang kama ang tatay nito. At nakaupo naman ang nanay nya sa sofa saktong pagbukas ko ay nagising ang nanay ni mike.

"kamusta na po sila ayos lang po ba ang pagsasalin ng dugo tita?" bungad kung tanong at tumabi ako kay tita na halatang kulang pa rin sa tulog.

"okay naman maayos na nagpapalakas nalang kailan ng pahinga at pasalamat naman ayos ang mag ama ko" sabi ni tita at alam kung okay na sila salamat nga at nabunutan na ako ng tinik sa lalamunan. Nilapitan ko si mike at hinawakan ko ang kamay ni mike unti unting bumukas ang mata ni mike.

"amber.....bakit ka nandito?bungad na tanong nito sa akin. At naman masaya dahil nasa maayos na kalagayan na sya.

"kamusta na ang pakiramdam mo? may masakit ba sayo?" sunod sunod na tanong nito at nginitian na nya ako.

"alam mo ang cute mo, masaya ako dahil concern ka sa akin" nakangiting sabi nito at masaya ko syang niyakap hay bakit kase ang lakas ng kabog ng puso ko sa lalaking ito.

"may gusto ka bang kainin? ibibili kita?" tanong ko at kumalas na ako sa yakap.

"si mommy nalang ang bibili dito ka nalang sa tabi ko" huling sabi nito at kinilig ako sa sinabi nya. At pagkatapos non ay umalis ang nanay nya para bumili ng pagkain sa labas.

Kaya ayun kaming tatlo ang naiwan sa bahay yung tatay nya ako at sya ang awkward nga baka gising na yung tatay nya eh nagpapangggap lang hihihi.

"alam mo hanga ako sayo kaya mong gawin ang lahat para sa pamilya mo and beside of that im so proud of you" sabi ko at sabay halik sa pisngi nito.

"alam mo sana sa lips para mabilis akong gumaling" sabi ni mike at ngumuso sya naiinis ako at kinurot ko iyon.

"aray! ang sakit ha! binubugbog mo ako " parang batang sabi ni mike na ikinatawa ko. May childish side din pala sya at ang buong araw na iyon ay asaran kami. May pikunan pero nagbabati din naman kase nakahiga pa si mike sa kama. Kailangan nya pang magpahinga pag magaling na sya tsaka ko sya paghihigantihan. Hahaha and that day im still falling inlove to him deeply and unconditionally.

Umuwi na ako ng mga alas 3 ang as usual ako lang ang nasa bahay si kuya baka na kila ate finnary na naman yun. Dahil nagugutom ako lumabas ako para bumili sa pinaka malapit na karenderya. Nagcacrave ako ng sinigang at mabilis ako naglakad para mabilis din akong makauwi nagugutom na ako. Kanina kase hindi ako nakakain ng maayos dahil pang mayaman ang pagkaing binili ng nanay ni mike.

"ahm kuya pa bili nga po ng sinigang" sabi ko sa lalaking nakatalikod at nakasuot ito ng efron. And its kuya anong ginagawa nya dito? wag mong sabihin nagtatrabaho sya dito?

"kuya? anong ginagawa mo rito? kaya pala laging wala sa bahay"

"ahm pssshhh wag mong sabihin kila nanay ha kase nagtatrabaho ako dito para makabili ng sapatos kase may pagreregaluhan ako" kwento ni kuya at napataas nalang ang kilay ko.

"pwede ka namang humingin kila mama at papa ah" sabi ko rito at sinimangutan lang ako.

"ayokong iasa lahat sa kanila lahat ng gusto kong bilihin malaki na ako para gumawa ng sarili kong pera" tugon ni kuya.

"sige kung ayan ang gusto mo kuya bahala ka" at binigay na nya ang binili kong sinigang at nagbayad na rin ako bago umalis. Ayun magisa lang akong kumain kase si kuya busy sa pag hahanap buhay. Iniligpit ko na ang pinagkainan ko at nagopen ng facebook. Nag gulat nalang ako ng may nagsend sa akin ng video sa email. Nagcurious ako at pinanood ako and literal na nanlaki ang mata ko dahil si heaven ang nasa video.

And she is sleeping in the luxury hindi ko nakita ang mukha nung lalaking nagtale ng kamay at paa nya. Kita ko ang panghihina ni heaven dahil sa kasisigaw kinalabutan ako sa napanood ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon gusto kong mapaghigante kung sino ang nag send ng video na ito. And its already 5 in the afternoon mabilis akong nagbihis at tinahak ang bahay nila heaven. And I saw Tita and tito crying hindi ko talaga mapapatawad kung sino ang gumawa nito.

"tito!tita! nakita na po ba si heaven? " bungad kung tanong at pugto ang mata nila.

"hindi pa nga amber at ang sabi ni shawn at Spencer may kumuha raw kay heaven naka van natatakot ako baka kung anong gawin nila sa bunso ko" naiiyak sabi.

"sila shawn at Spencer po nasaan?"

"hinahanap si heaven hindi ko alam kung saang lugar sila ngayo" tugon ni tito habang pinapakalma si tita na hindi mapatigil sa pag iyak.

Kung sino ka mang lintik ka mananagot ka at hindi ako papayag na mabuhay kapa dito sa mundong ito. Isa lang ang alam kung gagawa nito pero kaya ba nilang gawin ang kawalang pusong pag kidnap kay heaven. Mahirap mambintang pero gagawin ko na mabilis kung pinuntahan ang bahay ni Spencer.

At titignan ko kung nandoon ang lintik nyang kaibigan. At sana okay lang si heaven sana ayos lang ang kalagayan nya doon. Humanda ka talaga Caliber and Yvo pag kayo talaga ang nasa likod ng mga ito. Humanda kayo dahil hindi ako titigil hanggang hindi ako nakakaganti at nakukuha ang hustisya.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon