Chapter 43 INDENIAL

946 28 0
                                        


Spencer POV

Nakakainis pinagtripan na naman ako nila Yvo dahil sa nang yari kagabi. Niyaya nila akong maginom pampalipas ng oras dahil maaga kaming nakauwi sa ospital. Ako naman ay pumayag at sa grabeng kalasingan hindi ko na nalaman ang pinag sasabi ko. Yun pala ako lang pala ang pinainom nila nang alak at hindi ko namalayan na juice lang pala ang umiinom nila diba ang tanga .

" Spencer oh tignan mo ito oh sa sobrang kalasingan mo umiyak ka at ang maganda pa doon ay sinabi mo na may gusto ka pala kay amazon" Sabi ni Andrei.

" Caliber ! Ano ba ang pangalan ni amazona?" Tanong ni Andrei Kay caliber.

" Ahm heaven ata Yun " Sabi ni caliber .

" Ayun heaven pala Hahaha" tawa naman ni Andrei.

Ako naman ay naiinis dahil maingay sila at nararamdaman ko pa ang hang over ko at pagkahilo .
Dumiretso ako sa banyo at doon na ako sumuka at Pag katapos ay naligo . Nahimasmasan naman ako ng kaunti Pero masakit parin ang ulo ko binigyan ako ni Kent ng kape.

" Pft ano ba to ang pait!" Sabi ko .

" Ayan diba lasinggero ka kase" Sabi naman ni Yvo.

Nagwalk out ako at pumasok sa kwarto ko linggo na ngayon bukas pasukan na naman. Nakakainis bakit kase naamin ko pero Alam kung dala lang Yun ng kalasingan . At alam ko ding attached lang kami sa isat Isa kaya lagi Kong masasabing ang pangalan nya.

Oo kahit lasing ako ay may natatandaan naman ako kahit kaunting nangyari kagabi. Tinawag kung heaven si Renzy at niyakap ko ito habang naiyak hindi ko Alam na vinevideohan pala ako nang mga loko. Pabagsak akong nahiga sa kama ko at niyakap ang unan attached lang kami ni heaven Pero mahal ko naman si Catherine. At hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Heaven POV

Nakauwi na ako mga alas singko nang umaga ang mabilis akong nakasakay papauwi. At tumakbo ako sa bahay at Dahan dahang binuksan ang pinto ng bahay ang himala iniwan nilang hindi nakalock yung pinto.

Nung nakapasok ako nakapatay ang ilaw at binuksan ko ito laking gulat ko ng nakita ko sila mama ay nakatulog na sa upuan namin sa salas habang nakaunan sya sa braso ni papa.

Si kuya Herbert naman ay kalalabas lang ng kaniyang kwarto at masama ang tingin sa akin. Pinanlakihan ko ito nang mata at pinanlakihan din ako mata.

" Oh bakit ngayon kalang " Sabi ni kuya at kumuha ng tubig sa pitsel.

" Kase walang nagbabantay sa shawn kaya ako muna ang nagbantay" Sabi ko habang nauutal.

" Bakit sobrang concern ka sa lalaking yun , hoy heaven sabihin mo nga sa akin boyfriend mo ba Yun ha ? " Sabi ni kuya Herbert at yung kamay nya ay ambang tutuktuk ako.

" Hoy Herbert ang ingay mo ha at ikaw heaven bakit ngayon ka lang ? " Sabi ni mama habang umayos ng upon sa aming upuang kahoy.

" Ah kase ako muna ang nag bantay kase wala magbabantay Kay Shawn. Ma matutulog na ako antok na kase ako." At pumasok ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit at natulog .

Tiktilaok.........!! Nakakagigil talaga yan mga manok na yan nakakabulabog ng tulog.

" Heaven gumising kana may kaklase Kang nandito bumangon kana dyan" Sabi ni mama at mabilis akong bumangon at pumunta sa banyo para mag hilamos at nag suklay.

Nang matapos ako ay pumunta na agad ako sa salas para makita kung sino ang bisita ko. Maingay at puro tawanan ang naririnig ko sa salas at boses yun ng mga lalaki. At tama nga ako sila Spencer and his friends ang nandito sa bahay namin.

Napatigil sa kanilang pagtawa at si Spencer naman ay tumingin sa akin at nginitian ko naman.

" Oh bakit kayo napadpad dito" Sabi ko Kay Spencer.

" Ah kase baka gusto mong bumisita Kay Shawn, baka gusto mong sumabay? " Sabi ni Spencer habang kumakamot sa Batok. Ano kaya Yun may kuto hayss.

"Ahh Yun ba pupunta rin kami Pero mamaya pa kase Pero nandito na kayo kaya tara, ay !wait lang maliligo lang ako."
Sabi ko at mabilis akong naligo at nagsoot ako ng polo na puti at itim na rip jeans , sneakers na itim at naglugay lang ako ng buhok. Lumabas na ako at bigla namang nasitayuan sila at lumabas kami nalang ni Spencer ang naiwan .

"Tara na mauna na daw sila sa sasakyan " Sabi ni Spencer at tumango lang ako lumabas na kami ng bahay . May nakaparada doong magarang van kulay itim ito at mukhang mamahalin. Nang biglang sumilip si caliber sa bintana ng van nagmustra ito na bilisan na namin.

" Tara" Aya sa akin ni Spencer . Tinulungan ako nitong makapasok sa loob at pumasok na rin si Spencer.
Magkatabi kami sa dulo sa pangalawang hilera at sila renzy, Andrei at Kent sa unahan ay magkatabi si Yvo at caliber.

Si Spencer na din ang nagkabit ng seat belt ko ngumiti naman ako sa kaniya . At biglang umandar na ang van maiingay sila puro lokohan at biruan. Ako naman kulang sa tulog kaya hinilig ko muna ang ulo ko sa bintana at pumikit at ayon na nga nakatulog na naman ako.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon