Heaven POV
"hoy bilisan nyo na dyan ang tagal tagal eh napakakupad!" sigaw ni spencer sa mga kaibigan nya. Dahil kami ni shawn maagang pumunta sa bahay nila Spencer. Dahil ngayon ang libing ng daddy ni caliber pupunta kami para makiramay.
"dali!" singhal ni Spencer na mukhang nauubusan na ng pasensya.
"oo na ito na kailangan pa talagang manigaw" reklamo ni kent at sumunod na yong iba. Magkatabi kami ni shawn ng upuan sa dulong banda. Tahimik lang syang nakaupo at naka earphone hay nakaka panibago dahil parang bumalik na naman sya sa dating sya. Yung tahimik at walang emosyon ang mukha. Tahimik lang ang lahat sa byahe walang nagtangkang magsalita, naiinis lang ako kay amber mas inuna nya pa ang boyfriend nya kesa dito. Dumiretso kami sa sementeryo marami ang tao doon kaya para hindi maki estorbo ay sa likod nalang kami pumuwesto. Ibinababa na ang kabaong ni tito sa lupa at tinabunan na ito. Nasa unahan sila caliber at si tita pugto ang mga mata nila, bigla nalang rin akong napaiyak. Kawawa naman kase si caliber bata pa sya para maranasan ito. Nasa unahan ko sila spencer at yung mga asungot katabi ko si shawn pero nakatulala lang sya.
napaka weird ng kinikilos nya ngayon ano na naman kaya ang nakain nito.
Natapos na ang lahat at naisi uwian na yung iba halos kami nalang ang natira. Lumapit ako kay caliber at seryoso lang syang tumingin sa akin.
"salamat sa lahat heaven dahil sayo hindi ko malalaman ang kalagayan ni dad. Kahit hindi ko na sya nakausap at napatawad salamat parin. Sa dami kung nagawa sa inyong masasama ay nandyan parin kayo. salamat" madamdaming sa saad ni caliber at napangiti nalang ako. Alam kung mabait talaga sya at masaya akong nakatulong sa kanya.
"ano ka ba wala yun.. so papasok ka na bukas?" tanong ko ng biglang lumapit si yvo sa amin.
"hindi ko pa alam" saad nito napatingin naman sya kay yvo na alam kung may alitan din sila.
"yvo sana mapatawad mo ako sa nagawa ko sayo, patawad bestfriend?" at nilahad ni caliber ang kamay nya kay yvo at mabilis silang nag shakehand.
"yes bestfriend" nakangiting sagot ni yvo.
"sya lang kami din bestfriend!" sabay singit ni kent.
"tara group hug!" panghihikayat ni Spencer at lumapit naman ang lahat.
"bestfriend!" sabay sabay naming sigaw.
Pagkatapos noon ay sa amin sumakay si caliber sa van nandoon sya sa passenger seat katabi ni renzy the driver.
"caliber papasok ka na bukas no? dahil marami na tayong activity na gagawin kailangan mong makipag participate" komento ni andrei.
"ah guys kase hindi na ako dito mag aaral sa states na sasama ako kay tita. Doon na daw ako mag aaral kailangan ko na kaseng magbagong buhay. nangako din ako kay dad na gagawin ko ang lahat para maging proud sya sa akin" saad ni caliber habang kami ay bigla parin sa sinabi nya.
"mamimiss ka namin" komento ni kaizer.
"ako din bro mamimiss ko kayo" sagot ni caliber.
"sandali kailan ang alis nyo?" tanong naman ni Spencer.
"ahm bukas ng tanghali" tipid na sagot ni Caliber.
"hay sayang kase bukas may long quiz kami sa introduction to philosophy hay" saad ni Spencer.
"okay lang magpopost nalang ako ng picture tignan nyo nalang" nakangiting saad ni caliber.
Ayun na ang huling usapan nila dahil bumaba na ako sa van nasa tapat na kase yung bahay namin. Nagpaalam ako sa kanila mabilis akong pumasok sa bahay si kuya lang ang nandoon. Kaya dire-deretso lang ako sa kwarto ko para mag pahinga nakakapagod ang byahe kahit nakaupo ka lang naman.
Shawn POV
"okay ka lang ba? may masakit ba sayo? anak naman eh sagutin mo naman ako nagaalala ako sayo" sunod sunod na tanong sa akin ni nanay carmina. Hindi ko din alam kung ano ang nangyayari sa akin. Kanina kase biglang nagbalik ang alalang matagal ko ng kinalimutan ang pagkamatay ng nanay at kapatid ko. Dahil nung araw na iyon parang pinatay narin ang puso ko habang nakatingin ako sa libingan ng tatay ni Caliber. Naalala ko sila hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko siguro nga habang buhay ko ng dadalhin ang konsensyang iyon.
"opo nanay carmina nahihilo lang po ako wag nyo na akong alalahanin nay magpahinga na po kayo" sagot ko kay nanay.
"sige anak ikaw din magpahinga ka na" saad sa akin ni nanay carmina bago umakyat sa kwarto nila. Nalulungkot ako sa oras na ito kaya isinuksok ko ang earphone ko sa tenga ko at nakinig ng music. Music kase ang nag papakalma sa twing malungkot ako. Maya maya narin ay umakyat na ako at pumunta sa kwarto ko at natulog na.
Maaga akong nagising at pumasok sa school ngayon ang alis ni caliber ng bansa. At nakasakay na sya ng airplane ngayon masaya ako dahil maayos na ang buhay nya ngayon. Sa bandang huling ay napagisipan nya rin ang lahat ng masasamang ginawa nya. Naglalakad ako sa hallway magisa ng biglang sumulpot si heaven sa tabi ko.
"hey kamusta? ang seryoso mo ngayon ah" nakangiting bati nito.
Napatingin nalang ako sa mukha ngayon ay nakangiti sa akin. Bakit nararamdaman ko ito sa isang babae katulad nya? oo kakaiba sya sa ibang babae pero kahit anong gawin ko ay hindi ko parin mapigil. Siguro ay mahal ko na talaga sya, mahal na kita heaven.
"shawn okay kalang?"tanong ni heaven na napatulala na pala ako nakatingin sya sa mukha ko ng diretso. Nasa harapan ko sya napatingin ako ng diretso sa likod nya at nandoon si Spencer. Nakatingin sya sa amin, kapatid ko si Spencer mabait sya. Ang totoo nga nyan tinutulungan nya pa nga ako kay heaven pero bakit parang na kokonsensya ako. Alam kung nasasaktan din sya pero mas inisip nya ang ibang tao.
"ahh oo tara na" pagkasabi ko noon ay bumalik si Spencer kung saan sya nanggaling. Naiyaya ko na si heaven na pumunta sa room namin nandoon si Spencer nakaupo sya sa upuan nya. Nginitian nya ako at umupo na ako sa upuan ko napatingin lang ako kay Spencer na nasa tingin sa bintana. Simula noon ay lumalayo na sya sa amin pero nasasaktan ako sa ginagawa nya.
RECESS TIME
"hoy! Spencer! tara sa canteen!" aya ni heaven kay Spencer papunta na kami ng canteen ng makita ni heaven si Spencer. Hindi ko alam pero tumingin muna sya sa aming dalawa at biglang ngumiti.
"ahh hindi ako pwede ngayon eh kasama ko sila yvo sige kayo nalang dalawa" saad ni at biglang umalis na.
"ano naman kaya ang nangyari doon pag sa twing yayayain ko syang kumain laging busy hay tara na nga" aya sa akin ni heaven habang nakatingin parin ako sa likod ni Spencer na papaalis. Bakit parang mali na ito? nahihirapan ako sa sitwasyon namin? Halos ilang linggo naring ganyan si Spencer. Lagi syang umiiwas sa amin mahal ko sya dahil kapatid ko sya. Mali talaga ito! maling mali sa mga nangyayaring ito parang naging selfish na ako!. Kailangan ko na syang kausapin hindi ko matatagalan ang sitwasyong ito.
Awasan na hinahanap ko si Spencer at nakita ko sya kasama nya ang iba pa nyang kaibigan. Seryoso silang naguusapan dahan dahan akong lumapit sa kanila. Si kent ang nakapuna sa pag dating ko at lahat na sila ay tumingin sa akin.
"Spencer pwedeng magusap tayo, tayong dalawa lang?" tanong ko kay Spencer at tumango lang sya maya maya ay mabilis sya sumunod sa akin.
BINABASA MO ANG
BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETE
RomancePAST AND PRESENT ? BEHIND HIS TEARS THERES A LOT OF SACRIFICES AND LONELINESS THAT HE WANT TO KEEP IT TO HIM SELF. BEHIND HIS MASK THERES A FACE OF HIDING HIS TRULY FEELS. BEHIND HIS SMILE SHE IS THE ONLY REASON WHY HE FEEL SO HAPPY AND COMPLETE...
