Chapter 53 INTRAMURALS PREPARING PART 3

869 33 1
                                    


Heaven POV

Naglalakad na kami ni amber papuntang room sa third floor. Masaya ako dahil ayos na kami ngayon kahit hindi ko Alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit sila umiiwas sa akin noon. Habang naakyat kami ay nakita namin yung magkakabarkadang asbag si Yvo, Andrei, Kaizer at Caliber. Nakaupo ito sa upuan kahoy na mahaba sa hallway at Tamang tama ay dadaanan namin sila. Tahimik lang kami at nang tumayo si Caliber at Yvo

" Hey girls nakalimutan mo na ba ako ha?" Sabi nito at lumapit sa amin nila.

Napatigil si amber ng hawakan ni Caliber ang braso nito. Nakikita ko sa mata ni caliber ang galit at pagkagigil kaya napatingin ako sa brasong hawak ni Caliber. Nasasaktan si amber dahil hinihigpitan niya pa ito ng malakas.

" Hoy caliber tigilan mo na kami wala naman kaming ginagawang masama sayo " Sabi ko at tinanggal ko ang kamay ni caliber sa braso ni amber.

At pagkatapos noon ay si amber ay tumingin kay caliber at Alam kung galit na ito. Masamang magalit si amber kase kahit kailan hindi sya nagpapaapi sa iba at may katigasan ang ulo nito. Kaya nakakaramdam ako ng Isang malaking Gera. Ito naman kaseng si caliber eh Isang maliit na bagay ay pinapalaki oh kaya naman bakla sya hehehe.

" Wala na kaming ginagawa ha bakit ka ba ganyan? Sabihin mo sa akin ha! O baka naman masyado ko bang naapakan yan lintik na pride mo dahil masama bang gumanti ha!. Alam mo caliber kung gusto mo ng Gera ibibigay ko sayo!" Sabi ni amber na nanggigigil na at mabilis na umalis.

Kaya ako ito naiwang magisa at ang mga kaibigan ni caliber ay masama ang tingin sa akin. Kaya ayun inirapan ko sila bago umalis hay mga lalaki nga naman nakakainis. Akala ko ay maganda ang araw ko Yun pala ay bubwisitin ako ng mga kumag na yun hay. Pumunta na ako sa room nandoon na si Shawn at Spencer may dala silang mga gagamitin namin kagaya ng martilyo,pako at kawad. Nakakatawa dahil hindi pa marunong si Spencer na gumamit ng martilyo kaya tinuturuan pa siya ni Shawn. Sa Tamang paghawak nito nakasimangot si Spencer dahil pinapagalitan kase sya, nakakatuwa silang tignan.
Minsan nya napapaisip ako bakit dito sya pumasok may kaya naman sila pero bakit mas pinili nila sa Isang public school na tulad nito.

" Ah Shawn, Spencer tara uumpisahan na nating gawin" Sabi ko at mabilis naman silang tumayo at pumunta sa quadrangle.

Marami na ang nagaway ng booth nila kanya kanya talaga doon kami sa may bandang dulo pumuwesto. Nandoon narin Yun aming kawayan at malalaki iyon nakatali pa ito at malamang mahihirapan kaming tanggalin iyo.

" Ah baka naman pwede tayong kumuha ng tutulong, tatawagan kulang yung driver namin. Pwede naman yung diba?" Sabi ni Spencer at idinial na agad ang kanyang cellphone.

" Amber papuntahin ko kaya si kuya Herbert nasa bahay lang kase hindi sya pumasok" Sabi ko at tinawagan ko din si kuya agad.

Nakaupo lang kami ni amber sa malaking bato at sila Shawn at Spencer tinatanggal yung tali. Pero mahihirapan sila sa kawayan masyadong malalaki eh mahirap biakin yun at gawing Kubo. Mga kalhating oras Dumating narin yung driver ni Spencer at hingal na hingal pa.

" Ah sir sorry nahirapan lang akong hanapin kung nasaan kayo" Sabi nito at hingal na hingal pa.

" Sige kuya upo ka muna mamaya pa naman para may energy ka mamaya" Sabi ni Spencer at binigyan Niya ito ng tubig at dalawang Daang piso.

Malayo palang si kuya ay alam ko na sya na iyon kaya sinalubong ko na.

" Kuya! " Sabi ko at tumingin naman sa akin sya at may dalang martilyo at pako. At may dala din itong yakult at yung stik O na paborito ko.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon