CHAPTER 79 COME BACK HOME

361 23 0
                                    

Caliber POV

Nagising ako ng may gumigising sa akin dahan dahan kong minulat ang aking mata. Doon ko lang naalala na tumakas ako sa ospital at natulog ako dito sa ilalim ng tulay. Napatingin ako sa batang nanggising sa akin at dalawa sila isang babae at lalaki. Mas matanda yung lalake yung damit nila ay sira sira at marumi. Doon mo mapapansin na sobrang papayat nila napatingin ako sa nakahiga sa kanan ko. Mga lalaking edad 50 ang nakahiga sa karton at namimilipit sa lamig.

"kuya anong pong ginagawa nyo dito?" tanong nung batang babae sobrang tinis ng boses nito. Hindi ko alam pero natawa ako sa boses nung bata.

"kuya nawawala po ba kayo? nagugutom na po ba kayo ito po oh kunin nyo na po" saad nung batang lalaki at sabay na inabot sa aking ang isang pirasong tinapay. Nakatingin ako sa kamay na nandoon ang tinapay nung nakita ko ang mga mata nila ay naawa ako. Bakit ganon? bakit ko ito nararamdaman? biglang nagflash sa akin lahat ng ginawa kong masama. Kahit nga yung pagsira ko sa sarili ko pero bilib ang naramdaman ko kahit mahirap lang sila ay mas pinili nilang tanggapin iyon. Dahil wala naman silang kasalanan kung bakit ganito ang naging buhay nila.

"hindi na saan galing yan?" balik kong tanong sa bata pero tumungo lang sya.

"ninakaw ko po ito doon sa bakery" sagot nito na ikinatawa ko.

ang bata talaga hindi nagsisinungaling.

Maya maya lang ay biglang umubo ang lalaking nakahiga at mabilis na inasikaso ng magkapatid ang tatay nila. Binigayan nila itong tubig at isinandal nila ito sa pader para makaupo.

hay bakit may ganitong pamilya kahit ganito na ang kanilang sitwasyon pero hindi mawawala ang pagaalala at pagmamahal sa kanila. hindi sila mayaman sa materyal na bagay pero mayaman naman sila sa pagmamahal iyon ay sapat na para lumaban ka sa buhay.

Napatingin ako sa dala kong bag meron pa ako doong pera magugutom na rin ako.

" kuya aalis na po kayo? ingat po kayo" paalam nung batang babae. Nagsimula na akong maglakad palayo pero yung paa ko parang pinipigil na umalis doon. Sa huling pagkakataon ay nilingon ko sila sobrang naawa ako sa kanila.

kailangan ko silang tulungan na kahit papaano ay makatulong ako. kahit minsan naman ay may magawa akong maganda sa buhay ko. Kaya inisip ko na gagawa akong paraan para matulungan ko sila.

Bumili ako ng pagkain sa isang mamahaling restaurant at tinake out ko iyon. Habang naglalakad ako ay napatigil ako sa isang lumang building ni dad. Irerenovate ito dapat pero nawalan na ng oras si dad para asikasuhin ito. Dahil wala namang tao doon ay naisip kong doon ko muna sila dalhin. Hindi kase maganda sa kalusugan nila ang lamig at ang mga usok na nalalanghap nila.

"ang sarap nito kuya Tyron ito oh tikman mo" at sabay subo sa kuya nya ng isang pirasong karne.

"oo nga ngayon lang ako nakakain ng ganito" masayang saad nung batang lalaki.

"wag kayong maingay habang nakain irespeto nyo ang pagkain tyron, tymine" saway nung tatay nila at mabilis naman silang tumahimik at umayos ng pagkain.

"oh iho bakit hindi kapa nakain? sige kain kana" saad ni tatay at mabilis na inilapit sa akin ang pagkain ko kaya obligado kong ubusin ito. Habang nakain ako ay napapatingin ako sa kanila sobrang saya nila dahil sabi nila ngayon lang daw sila nakatikim ng ganito.

Masaya na sila sa mga maliliit na bago katulad nito kaya napangiti nalang ako. Masaya din ako dahil alam kung napasaya ko sila sa kakaunting tulong na ito.

"iho salamat pala dito sa pagkain maraming naraming salamat, Ngayon ko lang nakita na ganito kasaya ang mga anak ko. Dahil ako yung tatay nila ako dapat yung nagtataguyod sa kanila. Pero sila ang nagaalaga sa akin kaya sobrang saya ko na makita silang ganyan. Kaya iho sobrang salamat" madamdaming saad nito kaya sobrang naawa ako. Biglang umubo ang tatay nila at mabilis namang inasikasu ng mga anak nito.

Pinahiga nila ito sa sofa sa taas meron itong konting naturang kagamitan. Meron pa itong magandang kwarto sa taas sa pagkakaalam ko iisa nalang iyon. Kaya doon ko nalang muna sila pinatulog pinapanood ko lang sila paano nila asikasuhin ang tatay nila.
Kaya isang araw pinilit kung dalhin ang tatay nila sa ospital para ipagamot at meron itong tuberculosis buti nalang ay naagapan. Simula noon ay tinulungan ko sila dahil alam kung deserve din nilang maranasan ang ganitong buhay. Nakalipas ang tatlong araw ay mas naging malapit sa akin ang pamilyang iyon. Dahil iisa lang ang kwarto ay sa karton ako natulog dahil kahit minsan naranasan ko din ganitong buhay. Maya maya ay dumating yung magkapatid para gisingin ako at magaalmusal.

Nagulat ako ng biglang may lagabog na nanggagaling sa labas mabilis kung pinuntahan iyon. Hindi ko inaasahan kung sino ang makikita ko at si heaven iyon alam kung nagulat din sya. Pinapasok ko sya para doon kami mag usap nakatingin lang sya sa akin pero naiilang ako.

"anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay heaven habang sya ay abala parin sa pagtingin sa paligid.

"caliber tatlong araw ka ng hinahanap sa school at kahit mga magulang mo nagaalala na, At pinuntahan kita para sabihin sayo na nasa ospital si tito at gusto ka nyang makita caliber. meron syang lung cancer at kailangan ka nya kaya please pumunta ka na" pagkasabi nya ay mabilis na akong pumunta sa ospital at nakita ko si dad na nakahiga sa kama. Maraming nakakabit sa kaniyang mga tubo kahit maraming ginawa sa akin si dad na ikinagalit ko ng sobra sa kanya.

Pero mahal ko parin sya at tatay ko parin sya, salamat sa dalawang batang nagturo sa akin na pahalagahan ang mga taong nagmamahal sayo. Kahit marami silang pagkukulang, marami silang ginawang mali sayo na halos ika muhi mo na sa kanila. Kailangan mo paring magpatawad dahil ayon ang isang bagay na kailangan nating ibigay sa kanila. Napaluha balang ako dahil sa kalagayan ngayon ni dad kahit kailan kase hindi ako naging mabuting anak sa kaniya. Alam ko mahal nya ako pero napuno ng galit ang puso ko kahit kay mommy.

Bigla nalang tumulo ang luha sa aking mga mata.

Dad lumaban ka kailangan pa kita kaya please lumaban ka. Naintindihan ko na ang lahat dad gusto pa kitang makasama ng matagal at ipadama sayo na mahal na mahal kita. Lahat ng bagay merong dahilan kung bakit ito nangayayari. Dad handa na akong patawarin ka.

Mas umagos ang luha ko ng biglang naging straight line ang monitor na nagsusuporta sa kaniya. Nanlamig ang buo kung katawan sa sandaling iyon hindi na ako makahinga. Hindi ko alam ang gagawin, ang tangi nagawa ko nalang ay umiyak ng umiyak. Ni hindi ko sya nakausap pero alam ko sa sarili ko na napatawad ko na sya. Maya maya ay mabilis na nagsipasukan ang mga nurse at doctor.

"One!two!three! clear!" at biglang nakuryente si dad mga ilang beses na ginawa iyon ng mga doctor. Iyak na lang ako ng iyak na ngayon ay nakayapos na sa akin si tita Angel. Alam kung mahal na mahal nya si dad hindi ko alam ang susunod na nangyari ng biglang tumigil sila sa ginagawa nila.

"the patient is dead, time of death 12:05 pm in the afternoon" pagkasabi nung doctor ay awtomatiko akong napatayo sa upuan ko. Mabilis kung niyakap si dad.

"hindi pwede!hindi pwede! dad mabuhay ka! dad kailangan pa kita!" hagugol kong sigaw habang yakap yakap ko si dad na ngayon ay wala ng buhay.

"ma'am im sorry condolence po" saad ng doctor kay tita bago umalis sa kwartong iyon. Kami nalang ang naiwan ni tita sa room wala akong maramdaman sa oras na iyon ang tanging nagawa ko nalang ay umiyak ng umiyak. Maya maya ay lumapit sa akin si tita at niyakap nya ako ng mahigpit.

"caliber mahal na mahal ka ng daddy mo, ang totoo nyan ay may balak kaming kunin ka at pupunta tayong states para doon manirahan. Marami ang pangarap sayo ng daddy mo kaya kung gusto mo sumama ka sa akin. Ituturing kitang tunay na anak dahil nangako ako na tatay mo na aalagaan kita. Dahil iyon lang ang tanging hiling nya bago lumuha ang sakit nya" saad ni tita at niyakap ulit ako ng mahigpit.

"opo tita sasama ako sa inyo" saad ko habang nakatingin sa katawan ni dad na yakap yakap ko.

"simula ngayon gagawin kung kapaki-pakinabang ang buhay ko simula ngayon" at mabilis na tumulo ulit ang luha ko.

pangako ko po yan dad gagawin ko po ang lahat para maging proud kayo sa akin simula ngayon.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon