CHAPTER 92 LIKE A HELL

246 24 0
                                        

Shawn POV

"hoy shawn tulala ka na naman" saad ni heaven na hindi ko nalang na mamalayan na napapatulala nalang ako. Hanggang ngayon kase ay iniisip ko parin si Spencer kung okay lang ba sya? nakarating ba sya ng maayos?.

Maya maya ay dumating na ang teacher namin kaya pinilit ko ang sarili ko na makinig sa kanya. And success naman pagkatapos noon ay nag short quiz lang kami.

"class dismiss" saad ng subject teacher bago sya lumabas ng room. Wala akong gana ngayon lumabas o maglakad maski kumain sa canteen.

"shawn sasabay ka ba sa amin sa canteen?" tanong ni heaven sa akin at nasa likod nito si amber nakatingin din sa akin yung tatlong kumag. Pero hindi kasama si renzy doon dahil ayun parin nakaharap parin sya sa phone nya. Hay lagi lagi nyang hawak yung phone nya hindi ba sumasakit ang ulo noon?.

"sumama ka na wag mo yung dibdibin naman shawn you need to be matured sa panahon ngayon natural na ang ganyan" kwento ni andrei.

"that's life shawn so dont be sad" pageenglish ni kent. Napatawa nalang ako ng mahina.

"so sasama ka na?" pag aaya ulit ni heaven.

"oo na sasama na ako okay happy?"

"hay shawn tara na nga" pagaaya ni heaven. Walang gana akong sumama sa kanila my brain is so over thinking and over use. Kaya baka bigla nalang akong natutulala. Bale magkasabay kami ni heaven sa bandang likuran. Maya maya lang ay biglang sumulpot si amber sa tabihan namin.

"hoy heaven itreat mo naman ako" bungad na aya ni amber kay heaven.

"Oo na sige pero worth of 20 pesos lang ha" saad ni heaven dito na mukhang pipilitan pa.

"oo na " natatawang saad ni amber.
"minsan ka lang namang manlibre eh kaya oo na hahahahah"  dugtong pa ni amber.

"grabe ka sa akin"singhal ni heaven kay amber na mukhang nainsulto ito sa sinabi nya. Dahil sa sinabi nya ay napangiti ako ng lihim.

"Tara na nga oh" aya ni amber at mabilis na.hinila si heaven papalayo sa amin pagkatapos ngayon nasa unahan silang dalawa.

"putik nayan! amber diba sabi ko.worth of 20 lang pero bakit ang dami mong kinuha!" singhal ni heaven kay amber na ngayon ay may dalang tray na may lamang maraming pagkain.

"hoy heaven syempre para sa iba rin ano yun.ako lang ililibre mo pero sila hindi" maangas na saad ni amber pagkatapos ay isa isa kaming tinuro.

"oo na!" sagot ni heaven na alam nyang tama si amber kaya wala na.itong angal.

"salamat heaven" pasasalamat ni andrei.

"parang dati si Spencer lang mahilig manlibre ngayon heaven first time mo kaming nilibre" sabat ni kaizer. Biglang siningkitan ni heaven si kaizer nung marinig nya ang first time.

"nakakamiss sila spencer, yvo at caliber" biglang sabat ni renzy na ikinagulat namin.

"nagsasalita ka pala renzy akala namin hindi eh" pangaasar ni kent na ikinatawa namin.

"oo nga kahit si yvo at caliber hindi maganda ang first meeting pero bandang huli naging kaibigan narin natin sya. kahit papaano nakakamiss yung presence nya" kwento ni amber na totoo naman.

"yes totoo yan" pagsang ayon ni heaven at pagkatapos noon ay natahimik na kami. Pagkakain namin ay bumalik na kami sa room para hintayin ang subject teacher namin.

Buong araw ko ay parang walang buhay yung puro pagaalala, takot at lungkot. Tahimik lang ako at pinagmamasdan ang cellphone ko na baka tumawag si Spencer para sabihin na okay lang sya. Pero makalipas ang tatlong oras hanggang sa nakatulog sya sa kama nya ay wala paring kahit anong text o tawag galing kay Spencer.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya bumangon ako at bumaba para kumuha ng tubig sa ref. Ganon parin ang buhay ko makalipas ang mga ilang linggo hanggang sa mag November na. Pasalamat nalang ako na merong mga kaibigang laging nasa tabi ko. Mas lalo na si heaven mas lalong malapit kami sa isat isa.

Lagi kaming magkasamang pumupunta sa music room para kumanta. Siguro naging hobby narin namin iyon dahil doon nababawasan ang lungkot ko dahil alam kung nasa tabi ko lang sya lagi. She is my guardian angel sya ang nagbibigay ng saya sa mundo kung parang impyerno kung ihahambing sa iba.

And November 1 araw ng mga patay dinalaw ko ang puntod nila keana at mama. Nagdala ako ng mga bulaklak at kasama ko rin ang aking bagong pamilya sila nanay carmina at tatay max.

"keana, mama sana maging masaya na kayo kung nasaan man kayo hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Kung naagapan ko lang ay sana kasama ko pa kayo ngayon paalam I love you" naiiyak kung saad habang kausap ang puntod nila. Nakasulat sa nitso ang kanilang mga pangalan nasa likuran ko lang si nanay at tatay. Hindi nila ako hinayaang pumunta magisa pagkatapos noon ay mabilis rin kaming umalis.

Nung simula noong umalis si Spencer parang biglang bumilis ang takbo ng mundo ko. Hindi ko na napapansin ang oras nagiging masaya ako pag kaharap at kausap ko si heaven. Pero kabaliktaran ito lahat pag gabi na at magisa nalang ako sa bahay. Doon lahat bumabalik sa isip ko ang mga nakalipas.

"hoy shawn meron daw program tayo mga katapusan ng November" kwento ni kaizer. Pagkatapos at biglang sumingit sa paguusap namin si kent.

"singing contest pwedeng duo o solo at kung sino ang manalo sya nga magpeperform sa christmas party ng school" pangunguna ni kent kaya binatukan sya ni andrei.

"nagmiminagaling kase" pangaasar nito kay kent.

"sasali ka?" kaizer sa akin. Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng biglang sumabat naman si heaven.

"kailan naman daw yun?" tanong ni heaven habang nakalingon sa aming lahat. Kanina kase abala to sa pagsusulat hindi ko akalaing ganon pala katalas ang pandinig nya.

"Katapusan ng November" mabilis na sagot ni kaizer.

"sasali ako dyan" nakangiting saad nito at diretsong nakatingin sa akin na parang may pinapahiwatig. Dahil doon alam ko na pero wala naman akong pakialam sa mga ganyan.

Recess time na pagkalabas ng teacher namin ay mabilis akong nilingon ni heaven.

"sasali ka sa singing contest?" pagtatanong nito sa akin pero hindi ako agad nakasagot. At wala sa balak ko ang sumali sa mga ganyang contest.

"ahmmm "

"duet tayo diba pwede naman ang duo? So sali tayong dalawa?" sunod sunod na sagot nito sa akin. Dahil doon nabilaukan ako sa sarili kung laway.

"okay kalang?" tanong ni heaven habang hinahagod ang aking likuran.

"basta kasali na tayo doon nakalista na tayo kaya sa ayaw at gusto no kasali ka na" saad ni heaven at mabilis na inayos ang kanyang gamit at lumabas ng room.

Paano yan hindi ako pwedeng humindi?

Pero paano kung hindi kami manalo?

Mahiyain ako, At hindi masyadong magaling  sa pagkanta dahil isa lang akong gitarista.

"kasali ka na pala sa contest good for you" saad ni kent.

"hey guys nasa bulletin board na sa labas ang list ng mga kasali sa contest so para malaman nyo ay pwede nyong bisitahin lang ito" saad ng president ng room namin na ngayon ay SSG ng buong school.

Dahil doon ay mabilis kung pinuntahan ang sinasabi nila at mabilis na hinanap ang pangalan ko.

NO. 7 SHAWN DHYLAN GOZA AND HEAVEN JOY DEL MARIE _ DUET SINGER

ANONG GULO ANG NAPASOK KO!

DONT FORGET TO VOTE!AND  I HOPE YOU ENJOY THIS STORY.

AND FOLLOW ME FOR MORE UPDATE THIS SLOW UPDATE.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon