Heaven POVNaglalakad kami ni amber papunta sa paradahan ng tricycle. Katapos lang namin sa Isang gera grabe nga ang buhok ko gulong gulo at si amber namumula ang pisngi nya. Kaming dalawa ang unang tingin Nyo sa amin ay amazona at Isang babaeng hanap lagi ay away. Pero Babae parin kami malambot ang puso at mabilis masakitan kanina malapit ng tumulo ang aking luha pero pinigilan ko iyon.
Ayako na makikita nila ang aking kahinaan pero si amber feel ko naman kung bakit sya umiyak. Hindi kami lumingon hanggat alam naming tanaw pa kami nila at ng malayo na tsaka palang. Bilang bumuhos ang luha ni amber at hagulgol na kanina nya pa pinipigilan.
Nakaupo kami sa tricycle pero wala parin kaming imik sa isat isa. At habang nasa byahe kami ay inayos ko narin ang sarili ko hindi ako pwedeng makita nila mama na ganito. Mga alas dose kaming nakarating sa bahay babalik pa kami dahil kasali kami sa sport sa badminton. Labanan na kase nahiga muna ako saglit sa aking kama at nagstretch stretch.
"Hala oo nga pala wala akong pagkain pano na yan hay!!" Sigaw ko na maalala ko na wala pala si mama para magluto para sakin.
"Bili na lang kaya ako ng lutong ulam at kanin Hahaha mabuting" tanong ko sa aking sarili at nung sa bandang huli na realized ko na para akong tanga.
Bumili ako sa may kanto nang caldereta at Isang order na kanin. At mabilis akong kumain at naligo dahil Amoy pawis na ako at may laro pa kami mamaya.
"Hoy venok ano tara nasa quadrangle na ang lahat ng player!" At automatic kaming lumabas ng room at pumunta na agad.
"Mga player ang volley ball ay pumunta Kay ma'am Domingo at ang mga badmint naman ay kay sir. Kim na nasa third floor ngayon!" Sabi ng MC at pumunta naman kami Kay sir kim tamang tama adviser namin sya.
Habang papunta sa third nakita ko naman sila caliber, yvo, andrei and kaizer. May dala itong bola at naka jersey narin ang mga ito. Hindi namin sila pinansin at diretso lang kami sa paglalakad pero nararamdaman ko na nakatingin sila sa amin ni amber. Pumasok kami sa room at nakaupo doon ang iba pang players ng badminton masyadong tahimik.
"Sir good afternoon po" sabay naming Sabi ni amber at umupo sa bakanteng upuan sa likod.
"So kayo lang ba ang player ng badminton, sino ang double dito?" Sabi ni sir at sabay naman kaming tumaas ng kamay.
"Double na girls lang walang boys?" Sabi ni sir habang tinitignan kaming lahat at naglalakad lakad pa.
"Sir sorry we're late" at pumasok sila Spencer at Kent murdy at parehas na may hawak ng raketa.
"Okay players na tayong boys para sa badminton, Pero Spencer at Kent bakit hindi kayo kasama sa basketball" tanong ni sir Kim at takang nakatingin sa dalawa.
"Sakto na po kase ang player sa basketball kaya dito na lang po kami, Pero sir player din po ako ng badminton nuong grade 7" Sabi ni Spencer na ikinatawa ng lahat.
"Okay wala na naman akong pagpipilian eh" Sabi ni sir at nagsipagtawanan ulit.
"Okay kailangan ang bawat Isa ay handa dahil ako ang pipili ng makakalaban nyo at pagnanalo sila ang ilalaban natin sa district okay" pagkasabi ni sir ay umalis na ito lahat kami ay kinakabahan Pero manalo at matalo ay ibinigay namin yung best namin.
Pumunta na kami ni amber sa quadrangle at magsisimula na basketball. Umupo kami sa bench at doon nanonood hindi naman ako mahilig pero pinagtyagaan ko na.
"Amber si Shawn ba yun kasali pala sya sa basketball?" Tanong ko kay amber.
"Nagtatanong ka pa eh ayan na nga ohh kasama sya ibig sabihin kasama sya hay common sense lang venok hay" Sabi ni amber at iniirapan pa ako masama ba?.
Napatingin ako sa likuran dahil may naririnig akong ng mga natatawa at nakita ko si Justine at ang kaniyang mga kaibigan. Nagpanggap akong hindi sila nakita at tumingin na lang ulit sa mga naglalaro. Habang tumatagal nagiging mas maganda ang pinapakita nila. Ang grupo nila Shawn at nila caliber ay mainit na mag kakompitensya. At lagi Kong napupunang nakatingin sa akin at biglang kumaway. Napatingin ako sa likod ko baka ayon yung kinakawayan Pero wala namang tao doon. Ako ba ang tinutukoy nya? Hay wag kangang mag assume hahaha.
Sa twing nakakashoot sila caliber ang mga kababaihan ay nagtitilian at nagwawala. Parang mga tanga! Ang lalande! At pagkila Shawn naman halos kaming dalawa lang ni amber ang nasigaw kaya ang epic nya hahaha pero wala kaming pake. Kaya sa twing nakakashoot sila kami lang talaga yung nasigaw kaya yung iba ay tinatawanan kami at pinagbubulungan dahil narin kase kanina. Yung pag kaway ni Shawn sa akin na hindi lang pala ako ang nakapuna. Marami rin palang ang nakakita doon sa ginawa ni shawn kaya parang nahihiya ako nang slight lang.
At sa bawat nakakashoot si shawn ay napapansin ko ang pagsulyap sa akin ni Shawn. At sinusuklian ko lang iyon ng ngiti kaya napapangiti din sya ang weird diba?. Last game na at malaki ang lamang nila Shawn at sila caliber naman ay halos hindi na maipinta ang mga mukha. Parang hindi nila gusto ang mga nangyayari pero kami masaya. Kase mamaya pa naman yung badminton wala parin kase yung judges ehh. Magsisimula na ang last game ng biglang bunungo ni caliber si Shawn at malakas na napaupo si shawn sa sahig. Halos lahat ay nagulat sa mga pangyayari at biglang kinuwelyuhan ni caliber si shawn. Nasuntok ni calib so Shawn at mabilis namang nailayo si caliber Kay shawn.
Nakita ko ang mga nangyari kaya hindi na ako ng nagdalawang isip na tulungan si Shawn. Hindi ito makatayo dahil sa sobrang lakas ng suntok sa kaniya ni caliber.
"Shawn! Okay ka lang? Dadalhin na kita sa clinic" at tinulungan ko syang makatayo at dinala sa clinic. Habang naglalakad kami ay tahimik lang ang paligid at wala yung mga kalokoy na yun.
"Nurse na tulungan nyo po kami" at mabilis naman kaming tinulungan nung nurse at pinahiga si Shawn sa kama dahil may konting hilo pa siyang nararamdaman.
"Hey heaven magsisimula na ang badminton Tara na" Sabi naman ni amber at nagpaalam ako kay Shawn.
"Amber bakit kaya naman sinuntok ni caliber si Shawn sa tingin ko wala naman itong ginagawang masama" at umiling lang sa akin si amber kaya nanahimik na lang ako.
Nakakapagod pero worth it naman nandito na ako sa huli naming kalaban ni amber. At natatawa ako na sila Spencer at Kent murdy ang kalaban namin. Si sir. talaga? Babae versus lalaki hays mainit ang laban halos basang Basa na ang aking damit gawa ng pawis. Habang naglalaban kami seryoso ang bawat tira ko at sila Spencer naman ay akala mo'y nakikipag laro lang sa mga bata. Pero sa huli ay sila ang nanalo diba ang galing nila Hahaha. Papunta akong canteen halos wala nang tao dito dahil nanonood sila doon ng volley ball. Nang biglang may nanghila sa akin papunta sa likod ang school namin sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko nakilala Kong sino yun.
"Mahal kita matagal na"Sabi nang lalaki at nang biglang akong niyakap at halikan sa labi. Parang Isang iglap lang ang pangyayari ni hindi ako nakapalag at nakatakbo dahil nanlambot ang aking tuhod. Wait lang? Ang yakap na yun parang kilala ko yon ahh at bigla kong tinanggal ang hood na nakatabing sa mukha nya nagulat ako na hindi ko akalain sya. Shawn?
"hoy akala ko nahihihilo ka ha bakit ka Nandito?" Sabi ko at bigla nya ulit akong niyakap hindi ko Alam kung bakit ganito ang bati sa akin ni Shawn.
"Mahal kita heaven matagal na ngayon ko lang masasabi sayo. Nakakahiya dahil ngayon lang ako nag confess ng feelings sayo at ikaw din ang kauna unahang babaeng nagpatibok ng puso ko" pagkasabi nya nito ay bigla akong napipi at hindi ko Alam kung ano ang aking sasabihin.
Someone POV
"Hey! Nakuhaan mo ba?" Sabi ng Isang babae.
"Oo, at humanda sila dahil kakalat ito sa buong campus Hahaha!" Sabi ng Isang babae at ngumiti ng nakakaloko.
Akin lang sya!!! Shawn akin ka lang, at mapapasakin ka na malapit na.
BINABASA MO ANG
BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETE
RomancePAST AND PRESENT ? BEHIND HIS TEARS THERES A LOT OF SACRIFICES AND LONELINESS THAT HE WANT TO KEEP IT TO HIM SELF. BEHIND HIS MASK THERES A FACE OF HIDING HIS TRULY FEELS. BEHIND HIS SMILE SHE IS THE ONLY REASON WHY HE FEEL SO HAPPY AND COMPLETE...