CHAPTER 91 LONELY AGAIN

229 24 1
                                    

Shawn POV

Isang malapit na tao na naman ang isang malalayo sa akin. Gusto ko mang pigilan pero sino ba ako? wala akong karapatan. Hindi ko na hinintay na magising si Spencer umuwi na ako ng bahay mag isa para makapag isip. Sa mga panahong ito ay sobrang magulo ang isip ko hindi ko na kaya pang makinig sa kahit anong salita na galing sa kahit kanino man. All I want is to be alone and have a peaceful surrounding.

Pagdating ko sobrang tahimik na sa bahay siguradong tulog na sila. Diretso lang ako sa kwarto ko at marahas na nahiga habang nakatitig sa kisame. Halos limang minuto lang akong tulala hanggang sa dinapuan na ako ng antok.

This is for his own good hindi ko kailangang maging selfish. Ayaw ko lang syang umalis sa tabi ko dahil ayaw ko ulit maramdaman na magisa
this is the selfish side of me.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw mamayang tanghali pa naman ang pasok namin. Mas mabuti pang dalawin ko muna si Spencer sa ospital siguradong hinahanap nya ako. Mabilis akong bumangon pagkatapos ay naligo at naggayak papaalis. Hindi na ako nag abala pang mag almusal bibili nalang ako sa labas.

Habang nasa byahe hindi parin mawala sa akin ang takot, basta natatakot na hindi ko alam. O baka lang ayaw kong umalis sya. Tahimik ako habang nakasakay sa jeep. Tumigil ang jeep sa tapat ng ospital habang papalapit ako mas lalong kumakabog ang puso ko.

Pagpasok ko ng ospital ay may tumawag sa akin at boses babae sya.

"Kurt!" Alam kung ako ang tinatawag nayun. Mabilis kung hinanap kong sino ang tumawag sa akin. Maya maya lang ay may lumapit sa aking babae kilala ko sya kilalang kilala.

"long time no see ah" nakangiting bungad nito sa akin.

"long time no see din anong kinaabalahan mo ngayon Wendy?" She is my childhood bestfriend. Sobrang close namin tinutukso nga kami nila na baka daw balang araw kami ang mag katuluyan. Sobrang close namin ay alam na alam na namin ang isat isa.

"Anong ginagawa mo dito sa laguna?"

"Dito ako nagaaral hindi ko nga inaasahan na magkikita tayong muli namiss kita" pagkatapos ay niyakap ako ni wendy ng mahigpit. Sa akin walang malisya ang lahat ng ginagawa nya. I treat her like my little sister kahit mag kaedad lang kami.

"anong ginagawa mo sa ospital?" tanong ko kay wendy at biglang lumungkot ang masaya nyang mukha.

"Dinadalaw ko si tatay dahil hanggang ngayon comatose parin dahil sa aksidente na nangyari 2 months ago" dahil sa sinabi nya nalungkot din ako. Mahirap pala ang sitwasyong kinahaharap nya pero nakukuha nya pang ngumiti. Sa akin bilang anak sobrang sakit na makitang hirap na lumalaban ang mahal mo sa buhay sa kamatayan. Ang nangyari kase sa akin habang buhay ko na atang dala pitak na iyon sa puso ko.

"im.sorry about that sana naman ay bumuti na ang tatay mo"

"sana nga" saad nito habang nakangiti.

"sige una na ako wendy baka hinihintay na ako ng kapatid ko" paalam ko sa kanya at mabilis sumakay sa isang elevator.

Pagbukas ko ng pintuan ay wala na akong nakitang kahit anong bakas na may nanatili doon sa kwartong iyon.
Dahil doon sa nakita ko bigla nalang pumatak ang luha sa aking mga mata. Wala sa sarili akong naglakad papalabas ng ospital na iyon. Inaasahan kung makakapagpaalam manlang ako ng maayos sa kapatid ko pero hindi pala. Inilayo nila agad sa akin ang kapatid ko.

Pagkadating ko sa bahay nandoon sila nanay carmina at tatay max kasalukuyan silang nagaalmusal.

"oh shawn saan ka galing?" tanong ni nanay carmina.

"Sa ospital para dalawin si Spencer" simpleng sagot ko at dahan dahang lumapit sa hapag kainan.

"Maaga silang umalis shawn sana maintindihan mo rin sila. Dahil hindi ganon kadali ang karamdaman ni Spencer. Siguradong pag nagkita kayo hindi sya sasama sa nanay at tatay nya dahil mas gusto nyang makasama ka. Alam namin na mahirap para sayo. Anak? Siguradong pagdating ni Spencer sa america ay hahanapin ka nya. Pero ginawa yun nila suzy at kiel para sa buhay ng kaisa isa nilang anak. Sana maintindiha mo" Saad ni nanay at mahigpit nya akong niyakap. Simple tumulo na naman ang luha sa aking mga mata. Kahit alam kung magkikita pa kami pero ang nararamdaman ko ay kagayang kagaya nung nangyari dati. Feeling ko magisa nalang ako hindi ko maintidihan sobrang hirap. Sobrang sakit!.

Pumasok ako sa school at wala akong gustong kausapin kahit sino gusto kung mapagisa. I want a time for myself.

"Shawn nakaalis na pala si Yvo kaninang madaling araw sana naman ay ligtas syang makarating sa kanyang patutunguhan" Saad ni heaven habang nakatingin sa langit. Hindi ko nga namalayan na katabi ko nalang sya.

"Shawn bakit hindi mo kasama si Spencer ngayon? may sakit ba sya? wag mong sabihing tinatamad lang syang pumasok?" pagbibiro ni heaven at seryosong tumingin ito sa akin.

"Umalis na sya" tipid kung tugon at kumunot naman ang noo ni heaven na mukhang nagtataka.

"saan pupunta?" tanong nito.

"sa america"

"ha! bakit sya pumunta doon? may nangyari ba? ano emergency?" sunod sunod na tanong nito.

Sasabihin ko ba? Pero mas magandang hindi nya alam dahil magaalala lang sya.

"oo emergency lang at ang sabi daw doon na muna sila titira biglaan kase kaya hindi na nasabi sa atin" paliwanag ko so hindi alam nila nila renzy ang tungkol dito?.

"hey bro ayos kalang kanina ka pa namin hinahanap pumasok ba si Spencer?" Tanong ni kent na ngayon ay kasama sila andrei at kaizer.

"hindi na sya papasok dito kase umalis na sila ng pilipinas pumunta sila ng america doon muna daw sila maninirahan emergency daw kase." pagsisinungaling ko sa lahat hay pag sa twing nagpapaliwanag ako sa kanina. Nalulungkot ako dahil namimiss ko na agad ang bakla kung kapatid na mahilig manyapos.

"Bakit wala manlang syang sinabi sa amin?" takang tanong ni andrei.

"ayaw nyang sabihin sa inyo dahil malulungkot daw kayo dalawa na kase ang mga umalis sa grupo malulungkot daw kayo kung sasabihin nyang aalis din sya"tugon ko sa tanong ni andrei, hay ano bang kasinungaling ang ginagawa ko?

"akala nya hindi pag hindi nya sinabi hindi kami malulungkot! monggoloid pala sya eh!" galit na saad ni kaizer.

"tanggapin nalang natin na umalis na sila basta ang isipin nyo ay babalik din sila balang araw" pampalubag loob ni heaven at ngayon ang masayang mukha nila ay napalitan ng lungkot.

"wag kayong magalala magkakasama pa naman tayo kaya magiging masaya pa tayo" Pagmomotivate ni heaven sa lahat dahil doon napangiti ako. Hindi pa naman end of the world nandito pa naman sila para pasayahin ako.

Pumasok kami sa room na magkakasama kahit si heaven ang kaisa isang babae. Hindi sya naiilang sa amin. Masyadong friendly sya kahit sa grade 11 may mga kakilala sya doon. At pagnag lalakad kami halos lahat ng nasasalubong namin kilala sya. Hay akala ko pa naman maton sya amazona masyadong palaban may soft heart din pala sya sa iba.

Para sa akin nagiisa lang syang babae sobrang espesyal sya sa akin dahil syang lang ang nakapagpatibok ng puso ko na matagal nang natutulog.

Sya lang ang nakapag palambot ng puso kung bato.

Sya lang ang babaeng kahit isang ngiti lang ay napapawi na lahat.

Sya lang iisa kalang.

MAHAL NA KITA HEAVEN DEL MARIE

DONT FORGET TO VOTE!AND  I HOPE YOU ENJOY THIS STORY.

AND FOLLOW ME FOR MORE UPDATE THIS SLOW UPDATE.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon