Caliber POV
"Caliber saan ka pupunta? hindi ka pa ayos" pigil ni kaizer at andrei sa akin. Ito kase yung pinaka close ko sa kanila at si Yvo pero may malaking masalanan akong nagawa sa kaniya.
"ano bang pakialam mo! bakit nyo pa ako niligtas sa tingin nyo nakatulong kayo! hindi! dapat pinabayaan nyo na lang akong mamatay dahil ayon naman ang dapat dahil masama ako! masama ako!" saad ko at nakatingin lang sila sa akin dahil naguguilty ako. Sana pinabayaan nalang nila akong at bakit nila nalaman iyon. Ako yung maraming nagawang mali sa kanila pero sa dulo niligtas pa nila ako. Naiinis ako!naiinis ako! bakit!bakit!
"wag mo kaming itulad sayong walang puso, caliber dapat hindi mo ginawa iyon sa papa mo mahal ka nya. Alalang alala sya sayo kahit anong gawin mong paglimot mo sa kanila sila parin ang magulang mo. Kaya habang nandyan pa sila mahalin mo sila dahil baka sa huli ang pagsisi."saad ni heaven.
"makasabi ka parang alam mo ang buhay ko kaya wag kana lang makialam!." sagot ko kay heaven umasta sya parang sya si mommy.
"stop acting like you know my pain and my life!" sigaw ko at mabilis na pumunta sa pintuan para umalis.
"oo hindi ko alam pero hindi mo alam na concern lang ako sayo. wag mong hayaan na lamunin ka ng galit mo dahil malulunod nyan. kailangan mo din umahon at kalimutan ang lahat ng sakit" huling saad nito at tuluyan na akong umalis na doon kailangan kung mapagisa. Pumunta ako sa rooftop para tanawin ang buong paligid at maliwanagan ako sa mga nangyayari. Maraming gumugulo sa isip ko kagaya nalang ng sinabi ni heaven natamaan ako sobra doon.
Shawn POV
"tignan mo?tignan mo! umalis nalang sya ng ganon sya na nga yung niligtas sya pa yung galit dapat ako yung mag wawalk out eh! hayssss!" galit na galit na sabi ni heaven at umupo sa sofa.
"Spencer, anong oras na? 10:30 palang, bakit?" sagot ni Spencer sa tanong ni heaven.
"naku hay hindi ako nakapagpaalam sa magulang ko malalate ako ng uwi ko" sabi ni heaven.
"ahh hatid na kita" aya ko kay heaven at tumango nalang sya.
"salamat sa inyo bukas nalang" huling sabi nito bago kami lumabas sa pintuan.
"sure ka ba na ihahatid mo ako? kaya ko naman eh sige na doon kana" taboy sa akin ni heaven pero gabi na eh. Madilim ang kalye na dadaanan nya kaya ihahatid ko sya.
"hindi, ihahatid kita sa ayaw at gusto mo" saad ko dahil konsensya ko kung may mangyari na masama sa kaniya. Naglalakad kami sa kalye tahimik kami dahil walang nangahas na mag salita.
Nasa waiting shed na kami 11 ang huling trip kaya naupo nalang muna kami.
"Okay na ako dito shawn pumunta ka na doon hinihintay ka na nila" taboy sa akin ni heaven kumunot nalang ang noo ko.
"bakit mo ba ako tinataboy sabi ko ihahatid kita at tsaka responsibilidad kita" saad ko at natahimik nalang sya.
"okay, salamat shawn" pasalamat nito at maya maya nandoon na yung jeep na sasakyan ni heaven. Papaakyat na sya nakamasid lang ako sa kaniya nginitian ako ni heaven at kinawayan bago sumakay sa jeep.
Abot tingin ko nalang si heaven at umalis na rin ako magisa nalang ako naglakad pabalik sa ospital.
"oh nahatid mo na ba?" bungad na tanong sa akin ni Spencer tumango nalang ako.
"nakita nyo ba si caliber saan naman kaya iyon pumunta?" tanong ni andrei.
"hayaan nyo muna sya kailangan nyang mapagisa, pagulo pa ang isip at sa tingin ko kailangan na nating umuwi" saad ni Spencer at papalabas na ng kwarto ng biglang magsalita si Yvo.
"Spencer sabay sabay na tayong umuwi gabi na" seryosong sabi ko.
"okay hintayin ko kayo sa baba" saad ni Spencer at lumabas na rin ito sa kwarto. Maya maya ay nagsibabaan na rin kami at isa isang sumakay sa van na dala namin. Si renzy ang driver kami naman natulog nalang sa byahe may pasok pa bukas eh. Kahit puyat at kulang sa tulog ay papasok parin kailangan gumaraduate.
"ah renzy dito nalang ako sa kanto" saad ko kay renzy at mabilis nyang pinereno ang van.
"salamat, ingat kayo" paalam ko at lumabas na ng sasakyan. Nasa tapat ako ng gate at sinundan nalang ng tingin ang sasakyan nilang paalis.
Hay kailangan ko ng magpahinga, At sana caliber okay kalang.
Heaven POV
"oh babae saan ka naman galing?"bungad na tanong ni kuya pagkapasok na pagkapasok ko palang ng pinto.
"ah.... ano kase......"
"iniwan mo lang akong magisa sa school nyo kanina bunso ah baka kung ano naman yang ginagawa mo, heaven babae ka hindi normal ang babae na umuuwi ng ganitong oras" saad ni papa at tumabi ako sa kaniya sa sofa sa salas. Nandoon din si mama na mukhang nagaalala na rin.
hay nakakainis kase eh bakit kase ako kinutuban ng ganon kanina. Buti nalang ay naagapan namin hay caliber talaga naman.
"ah ma, pa, kase pumunta kami kila caliber.....
"diba sya yung lalaking kumidnap sayo?" tanong ni mama.
"opo ma,kase po malakas po ang kutob ko na may nangyari sa kaniyang masama. At buti nalang po pumunta kami dahil naglaslas sya ma, alam kung mabait syang tao. kaya po tinulungan po namin sya dinala po namin sa ospital kaya ginabi ako ma,pa" saad ko kay mama at papa.
"sige okay kumain ka na dyan kami'y matutulog na, ikaw din may pasok ka pa bukas" paalala ni mama bago pumunta sa kwarto at naiwan ako magisa sa salas. Mabilis akong kumain dahil hindi sapat yung burger lang kailangan talaga ng kanin. Pagkatapos noon ay nagpahinga muna ako saglit nagchat kami ni amber tungkol doon. At natulog na ako.
Caliber POV
Malamig na ang simoy ng hangin kaya na pagpasyahan kong bumaba na.sa rooftop. Wala na doon sila heaven wala namang guard na bantay bantay kaya mabilis akong nakaalis. Naglalakad ako sa kalye ng biglang tumunog ang cellphone ko kinuha ko iyon sa bulsa ko at tinignan kung sino yung nagtext.
Caliber sana hindi mo pagsisihan ang paglimot sa amin and besides thanks to you to be a good leader and friends. Pero parang nakakalimutan mo ang consequences sa mga nangyayaring ito.
- DarkagesMabilis kung ibinalik sa bulsa ko ang cellphone at mas binilisan ang paglalakad. Letche naman oh! Hay!
"wala akong pakialam kung anong gagawin nila" saad ko at tinignan ko ang braso ko na may nakataling tela. Hindi ko alam kung saan ako pupunta gusto ko na talagang wakasan ang buhay ko pero bakit parang ayaw pa talaga ng tadhana. Pumunta ako sa pinaka malapit na convenient store at kumain ng noodles masakit na kase ang tyan ko.
Pagkatapos ko mabilis akong naghanap ng matutulugan dumaan ako sa isang tulay. Madaming mga batang nakahiga doon, mga gusgusin at mapapayat. May nakita akong bakanteng mahihigaan at doon ako nag palipas ng gabi. Hindi ko na iisipin ang mga sinasabi nila kailangan ko talagang magisa. Dapat lang ito sa akin, Dapat lang dahil walang nagmamahal sa akin lahat sila iniwan ako. And I know they dont know how hurt it is to me my life is worthless. Kailangan kung magpakalayo layo sa kanila dahil hindi na kakayanin ng konsensya ko kung may magawa pa ulit akong masama. Im a bad guy, a villian, evil its all me.
BINABASA MO ANG
BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETE
RomancePAST AND PRESENT ? BEHIND HIS TEARS THERES A LOT OF SACRIFICES AND LONELINESS THAT HE WANT TO KEEP IT TO HIM SELF. BEHIND HIS MASK THERES A FACE OF HIDING HIS TRULY FEELS. BEHIND HIS SMILE SHE IS THE ONLY REASON WHY HE FEEL SO HAPPY AND COMPLETE...