CHAPTER 82 A BROKEN PROMISES

390 19 0
                                        

Heaven POV

Sabado ngayon at 18th birthday ni amber abala ang lahat sa pagluluto at paggagayak mamaya sa event. Meron syang 18th dance,18th roses at mga kaikikkan. Ang motif ni amber ay kulay pink ang black dahil maganda ang trabaho nila tito kaya engrande ang lahat.

Ako naman naka toka sa pagdedecorate ng lahat dahil ayun naman ang passion ko. Dahil nauuhaw ako ay pumasok ako sa loob para kumuha ng tubig. Inilibot ko ang paningin ko kase hindi ko nakita si amber sa paligid. Hinanap ko sya at nasa kwarto lang pala.

"amber ano bang ginagawa mo dito birthday na birthday mo eh ang lungkot mo?" nakatingin lang sya sa akin at hawak nya ngayon ang cellphone nya. Malungkot ang mva mata nya kaya nilapitan ko sya at niyakap.

"ano ba ang nangyari ha? " tanong ko at maya maya ay pinahidan nya ang kanyang mukha. Oo umiiyak sya.

"hindi makakauwi si tito at tita no? alam ko na yan hayaan mo na nandito naman kami eh wag kanang malungkot" pampalubag loob ko sabi.

"tumigil ka sa pagdadrama mo ha baka kahit birthday na birthday mo ay sapakin kita dyan" pabiro kong sabi.

"kase nangako sila na uuwi sila sa birthday ko pero hindi na naman nila tinupad" malungkot nyang sabi kaya tinapik tapik ko ang likod nya.

"busy lang sila ngayon...........

"ayan naman lagi ang palusot nila!" dugtong nito. Naawa talaga ako kay amber dahil 18th birthday nya ngayon para sa mga babae ito ang pinaka mahalagang birthday na mararanasan natin. Pero sa sitwasyon ni amber parang imbes na masaya sya ay malungkot sya.

"nandyan naman si mike at si kuya renz" saad ko.

"Heaven please lumabas ka na muna kailangan kung mapagisa" pakiusap nito kaya wala akong nagawa kundi ang sundin sya kahit labag sa loob ko.

Hay kawawa naman ang pinsan ko pero wala naman akong magagawang paraan para maibsan yun. Pagkalabas ko ng kwarto nya ay abala ang lahat pumunta ako sa salas para maupo saglit. Nandoon yung anim at si shawn at Spencer nakapolo lang sila kapares nito ay jeans. Prente lang silang nakaupo napatigil ako dahil nakatingin sila sa akin.

"oh anong tingin yan?" nakakunot noo kong tanong.

"wala lang sige uupo ka ba? dito oh" alok ni andrei umalis sya sa upuang isahan at tumabi kila Spencer sa mahabang sofa.

Naupo ako doon at inunat ang likod ko dahil nanonood sila ay nanood narin muna ako saglit. Mga kalhating minuto ay tumayo na ako para mag palit ng damit. Alas 12 lang ng oras naggagayak sila kailangan ko narin na mag palit ng damit. Syempre hindi ako magsosoot ng dress sosootin ko ang damit na komportable ako. Jeans and t-shirt naasiwa kase ako pag naka suot ako ng dress. Abala ang lahat mga alas 5 na ng hapon papadilim na at mag uumpisa narin ang event.

Nakaupo na si amber sa pinasadyang upuan para sa kanya ako naman ay malapit lang sa kanya. Bakas parin ang lungkot sa mukha nya ako bilang pinsan at kaibigan parang nalulungkot narin ako. Ang mga 18th roses ang nakaupo sa harap ni amber at doon nakaupo sa shawn, Spencer at yung mga asungot.

Syempre nung nakita nila ako kanina na naka jeans ay nagulat sila akala kase nila magsosoot ako ng dress pero never! hindi mangyayari yon!. hahaha!

Kahit nandoon si mike na alam kung boyfriend ni amber akala ko sasaya na pero wala. Hindi nangyari ang iniisip ko kahit si kuya renz walang nagawa kahit anong gawin namin ay malungkot parin si amber.

Nagsimula na ang event nagsalita narin ang MC ng parang umpisahan na. Tinawag ang mga 18th Gift, 18th bills, 18th dress at ang huli ay ang 18th roses. Isa isang tinawag ang mga kalalakihan para isayaw sya pero wala paring nagbago sa mukha nya. Para ngang napipilitan lang sya makipagsayaw sa mga ito. Ang kanyang first dance si mike at sumunod yung pito hindi pa belong doon si shawn. Ang kanyang huling sayaw ay si kuya renz kita parin ang lungkot sa mukha nya hanggang matapos ang event. Tinulungan ko rin ang iba sa pagliligpit sila mama umuwi na napagod daw sila sa pagluluto.

Kasalukayan kaming magkatabi ni amber na nakaupo sa kama nya hanggang ngayon hindi parin sya nagsasalita. Kahit si kuya henry at hanse hindi din makausap si amber, sinubukan na rin nila shawn at Spencer.wa effect kahit si mike pati narin si mama at papa hay nagaalala na ako para sa kanya. Wala naman akong magagawa kaya mas minabuti ko na sa labas nalang ako. Dito ako natulog sa kanila para bantayan si amber ako lang kase yung pinaka malapit kay amber.

Kinabukasan nagising ako at nakita ko naman si amber na parang okay lang. parang walang nangyari kaya sa palagay ko ay maayos na sya nagluto pa nga sya ng pancit canton na pang almusal namin. Nagbalik na yung dati nyang sigla at yung pagka pilosopo nya bumalik ulit.

"So okay ka na amber? alam mo nagalala kaming lahat sayo kase wala kang kinakausap sa amin, tahimik kalang at nakatulala" bungad kung tanong kay amber at umupo na sya sa upuan sya rin ang naglagay ng pancit canton sa plato ko.
Bumuntong hininga muna sya bago nagsalita.

"pasensya na pinagalala ko kayo madami lang talaga akong iniisip wag kayong mag alala okay na ako promise" bago tinaas nya ang kanang kamay para sa panunumpa nya na okay na sya.

"please amber kung may gusto kang sabihin sa akin sabihin mo lang nandito ako para pakinggan ka. Diba chong? Ako ang pinsan slash bestfriend mo okay. So okay ka na talaga?" ulit kong tanong.

"oo nga okay na ako wag kanang mag alala" saad nito bago sya tumayo at lumabas ng kwarto. Kaya ako naiwan na mag isa kaya lumabas narin ako.

Nakalipas ang mga ilang linggo mas naging tahimik ang buhay namin simula kase nung umalis si caliber. Naging tahimik ang lahat naging si yvo, kent at andrei lang ang maingay sa tropa. Kaya mas naging focus ako sa pag aaral meron man akong napupuna sa dalawang iyon si shawn at Spencer. Hindi ko na muna inintindi ang mga ibang bagay mas mahalaga ang pag aaral muna bago ang lahat.

Ngayong buwan ng October kase sa buwang ito ginaganap ang aming PE culminating activity. Ngayon ay Dance evolution kaya lahat ng estudyante ng Skydream highschool ay busy. Hinati ang section namin sa Apat na grupo ang una ay 1880's ang pangalawa ay 1990's ang pangatlo ay 2000's at ang huli ay millenials.

So napasama ako sa grupo ng millenials kada grupo ay may magtuturo ng steps. Sa 1880 ay si Jamie, 1990 naman ay si Via, 2000 ay si Reynard at ang magtuturo sa amin ay si Spencer. Nung una nagulat ako dahil hindi ko akalain na nasayaw pala sya. May talent pala sya pag dating sa pag sayaw ako naman kase gusto kong sumayaw ay hindi ako marunong sumayaw.

Pero sasayaw ako para sa grade meron din kase itong grade sa PE. Kahit mag participate kalang may grade kana dahil naman sa activiting ito mas magiging close kami ng mga kaklase ko. Mas marami kaseng time para magbonding mag kakilalanan mababait silang lahat.

Maraming nagsasabi pag STEM student masyadong competitive pero ang totoo. Mababait sila nagtutulungan kami hindi naman puro aral ang sectiong ito. Ang mahirap lang mataas ang expectation ng mga teacher sa inyo meron din kaseng nagsasabi na mahirap maging STEM student. Pero ang totoo mahirap talaga sa una pero pag tumagal masaya dahil sa sectiong ito nandito ang mga tunay at tapat na kaibigan. So go! STEM INNOVATIVE!

Sorry po sa matagal na update at mapupuna nyo rin po na maraming typo error at mga salitang paulit ulit. Tinamad na kase akong ayusin ang mga iyon sorry po. Keep voting and keep reading maraming salamat po sa nagbabasa ng storing ito. Medyo magulo pero magpatatyagaan naman hahaha salamat po! Saranghae!

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon