Chapter 27 TRANSFER PART 1

1.2K 32 0
                                        


Yvo POV

Wala kaming imik hanggang makarating kami sa school na pinapasukan ni Spencer.

" Grabe ito ang pinapasukan ni Spencer ngayon hindi ko akalaing papayag sya" Sabi ni Andrei na may pagkamangha.

" Talaga napaka arte pa naman noon sa kapaligiran ni Spencer " may pailing iling pang sabi ni Caliber.

"Hey kaizer at Andrei Sana maging masaya ang journey natin sa school na ito at dito mukhang may mapapagtripan tayo" Sabi habang naalala yung amazonang babae yan ang gusto ko palaban.

" Hoy Yvo bakit tulala ka naman ha mukhang malalim ang iniisip mo ah " Sabi ni Kaizer na ng aasar.

" Hey guys Tara na gabihin tayo dahil marami pa kayo fifill upan na forms" Sabi ni tita Suzy kaya sumunod kami.

Maganda naman dito Pero ang cheap tatlong building lang ang nandito at tigi aapat na floor bawat isa. May malawak na field at sa gilid ay Isang park at maraming malalaking puno at ang sa harapan nito ay makupot at sementado at may flagpole sa gitna at meron itong sementong bakod.

Maraming rami din ang napasok dito magaganda ang uniporm nila akala mo nasa Korea ka dahil sa uniporm, mukhang bagay sa akin yun. Bawat classroom na dinadaanan namin ay pinagtitignan kami at yung iba ay nagtitilian pa.

Pumunta kami sa principal office at pinauna namin si tita Suzy dahil sya ang kakausapin sa principal. Habang kausap ni tita Suzy ang principal ay nakaupo kami sa mahabang upuan sa labas ng principal office .

" Hoy Yvo ang tagal naman ni tita Suzy nangingimi na ang puwitan ko dahil sa katagalan natin umupo" Sabi naman ni Kaizer na bored na habang si Andrei ay tatangu- tango.

Nakaramdam din ako ng pananakit ng puwit ko kaya pinuntahan ko si tita Suzy.
Dahan dahan kung binuksan ang pinto at pumasok ako doon nakita ko naman si tita Suzy na busy na may pinifill upan at mga document na ipinasa.

" Hijo ito fill upan Nyo ito at pagkatapos ay hanapin Nyo si sir Kim dahil sya ang magiging adviser nyo" Sabi ng principal at inabot sa akin ang anim na papel. At biglang nagsipasukan din ang mga loko

" tita Suzy bakit ang tagal Nyo nanakot tuloy ang puwit ko at ilang oras lang Pero namiss ko kayo " Sabi ni Caliber habang nakalapit sa braso ni tita at nagpapaawa effect .

" Hoy caliber nakakadiri naman yang ginagawa mo " Sabi ko diring diri sa ginawa ni caliber mukha tuloy itong bangag at hindi bagay sa kanya .

" Eh inggit kalang " Sabi ni caliber at kinalas ang kamay nya sa braso ni tita Suzy .

"Hoy kayo fill upan nyo ito" sabay abot ko sa papel sa kanila Isa isa.

" Yvo wala kaming dalang ballpen" walang imosyong Sabi ni renzy

" Oo nga " Sabi naman ni renzy .

"Mga hijo kay sir Kim nalang kayo manghiram ng ballpen iisa lang itong ballpen ko " Sabi ng principal at kaya lumabas na kami principal office.

Pagkakataon nga naman nakita ko nanaman yung babaeng amazonang yung mahilig akong mangasar ng tao kaya nga sa amin. Sa manila lagi Kong kaaway si daddy at mommy dahil walang makakapigil sa akin.

" Oh miss parang pinaglalapit tayo ng tadhana ah" hindi maipinta ang mukha nya at nagpapantay na aking kilay nya mukhang hindi maganda ang mood nito.

" Oh bro mukhang mainit parin ang ulo sa iyo ng binibini " Sabat naman ni Andrei kaya umalis ako ng tingin sa kanya.

" Hoy andei tumigil na nga kayo Tara na may fifill upan pa tayong form at kailangan na natin itong ipasa agad" Sabat naman ni renzy na mukhang nayayamot na samin.

Nilagpasan kami nito at hindi parin naaalis ang yamot sa mukha nito.

" Ah wait lang Yvo alam mo ba kung saan yung room ni sir Kim " sabi ni Kaizer .

" Ahh hindi " Sabi ko nahihiya pa

" So saan tayo magsisimula" Sabi naman ni renzy habang nakatutok parin sa cellphone nya.

" Doon sa unang building " Sabi naman ni Andrei .

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon