Chapter 37 WAR OR LOVE? PART 1

976 29 0
                                    


Amber POV

Nakahiga ako sa kama habang nagiisip sa mga nangyari kanina

Ano kaya ang nakain nung lalaking yung ? Bakit nalang ganon ang kinikilos nya ? May plano ba iyong gumanti? O makipagkaibigan ha ang akward naman ata?

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako nagising ako sa sikat nang araw na dumampi sa balat ko. Kaya lumabas ako nag kwarto ako lang magisa ang tao sa bahay mukhang nasa trabaho na ang lahat nang kasama nya. Tahimik at kuliglig lang ang maririnig mo kaya nagpatugtog nalang ako sa bahay wala akong makausap at hindi ako masaya.

Pero sa school marami akong kaibigan at marami akong nakakausap kaya minsan mas gusto ko pang nasa school pa ako . Nagluto ako nang aking umagahan at nang alas onse na ay nag gayak na ako at pumunta na kila heaven. Doon ko ulit sya hinintay sa ilalim ng puno ng sampalok mahangin dito at nakakarelax ng isip.

Malayo palang si heaven ay nakasimangot ito at kinawayan ko malamang alam ko ang dahilan nito Pag ka itoy nakasimangot . Dalawa lang ang pamimilian masama ang gising o may dalaw ito hahaha kase lagi kase pala tawa ito .

Sumakay na kami ng tricycle at dumiretso na kami sa loob ng school. Pero nakasalubong namin ang apat na lalaking nakaupo sa hagdan na dadaanan namin.

" Pwedeng padaanin Nyo kami " Sabi ni heaven Kay Yvo habang napatingin naman ako kay caliber na nakatingin din sa akin habang sinisingkit ang mata nya. Pinandilatan ko naman ito kaya ngumisi ito.

Si heaven naman ay masama ang tingin Kay Yvo at hinaharangan nito ang dadaanan namin at talagang sinasadya nya ito. Masama ang tingin ni Yvo Kay heaven habang ako din ay masama ang tingin . Ang dalawa pa nilang kasamang si Kaizer at Andrei tinutukso pa nila sila Heaven at Yvo at si Yvo naman ay nakangiti pa . Nagulat kaming lahat nang biglang hinawakan ni Yvo ang kamay ni heaven at niyakap what the hell! . Ang galit na mukha ni heaven ay biglang nagiba at napalitan ng pagkagulat Pati rin si Kaizer ,Andrei at caliber . At biglang tinulak ni heaven si Yvo habang parang tangang nakangiti parin si Yvo. Umalis na si heaven at papaakyat na sana ako ay nang bigla akong natalapid.

Nagtawanan sila at sinamaan ko nang tingin si Caliber na siyang tumalapid sa akin. Lumapit ako dito at sinapak ko sya at nagulat sya habang ang mga kasama nyang natawa ay biglang napatigil.

Tatalikuran ko na sana sila nang may humila sa akin at mahigpit ang hawak.

" Huwag mo akong susubukan hindi mo alam kung ano ang mga magagawa ko " nanggigigil na Sabi ni caliber.

" Wala akong pakialam sa mga pinagsasabi mo, transfer pala kayo dito Pero naghahari Harian na kayo kung anong kaya mong gawin wala akong pakialam gawin mo hindi ako natatakot !" Pagkasabi ko non ay hinigit ko ang braso ko at tinabig ko naman si Yvo dahil nakaharang sa dadaanan ko.

Yvo POV

Hindi ko alam kung bakit ko Yun ginawa Yun ang pagyakap Kay heaven,ang plano ay si amber lang ang iinisin namin. Pagkaalis nila ay tumingin sa akin si Kaizer at Andrei at ngumiting nakakainis at kaya umakyat na ako sa room.

Caliber POV

Pagakyat ni Yvo naiwan kami nila kaizer at Andrei
Nakasimangot ako at galit sa babaeng iyon.

" Bro sabi ko sayo ay hindi magandang ang pagtalapid sa Isang tao dahil mas ikaw ang masasaktan" Sabi ni Andrei.

" Pwede naman sa ibang paraan " Sabi ni Kaizer habang tumaas ang sulok ng labi nito.

Umakyat na kami sa third floor at dumiretso sa upuan namin sa likod mula room ay kitang kita namin ang aming mga kaklase. Napatingin ako sa dalawang amazona at mukhang parehas itong badtrip . Napatingin ako kay Shawn na dating binugbog ko dahil badtrip ako noon ang wierd lang nung bangs nya masyadong mahaba at nakatakip sa kanang bahagi ng buhok nya. Makapal ang buhok nito itim na itim at tuwid si Spencer naman ay kinakausap si heaven . Pero tangu lang ng tango yung babae pero si Spencer natawa na akala moy loko.
Natapos ang buong klase at maraming itinuro si sir Kim at maraming assignment meron mga ipiprint na lecture

Heaven POV

Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina talagang hindi ko inaasahan na gagawin nya ito. Papunta na ako sa canteen na nililinis namin ni Shawn huling araw na naming paglilinis ito kaya masaya na ako. Maabutan ko doon si Shawn na naghuhugas ng mga plato nakaapron ito at namumula ito. Nilapitan ko ito at hinipo ang noo natulala lang ito habang hawak ko ang noo nya mainit ito .

" Oh my gosh may lagnat ka wag ka na munang mag linis ako nalang ang bahala dito" Sabi ko habang inakay sya papunta sa upuan at inihiga doon . Napaka malas naman nitong lalaking ito nung nakaraan ay nabugbog ngayon naman ay nilalagnat . Alam kaya ito nang nanay nito? Baka alam bakit ko ba naiisip hay.

Pinunasan ko ito nang basang panyo at nakatulala na naman ito . Nakakainis talaga minsan ito lagi nalang nakatulala akala moy may malalim nainiisip. Iniwan ko muna ito sa upuan at ginawa ko lahat sa canteen wait lang bakit pala hindi ko pa punta dito si amber sabi nya sabay kaming umuwi.

"Shawn dito ka muna hahanapin ko lang si amber"
At tumango naman si Shawn pumunta ako sa building namin habang umakyat ay nakita ko si amber na nakaupo sa mahabang upuan at may kausap ito. Nilapitan ko ito at kaibigan ito ni Spencer si Renzy ang tahimik na kaibigan ni spencer, bakit naman kaya kausap ito ni amber I smell something fishy hehehe.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon