Kurt POVLumabas na ako ng kwarto at nakita ko si keana at si mama na nag hahain.
Inilapag ni keana ang plato,kutsara,baso at pitsel at si mama ay nag sasandok ng kanin at ulam ang sayang tignan na ganito ang pamilya mo Pero mas masaya kung kumpleto kami ngunit. Alam kung hindi na mangyayari yun dahil sa kahayupan ginawa ng aking ama.
" Anak kain na para makatulog na ng maaga " sagot ni mama. Madilim ang paligid at nakita kung nagsisindi ng kandila si mama.
" Ma bakit wala tayong ilaw nag bigay naman ako ng pambayad sa kuryente ah" sagot ko.
"Anak hindi ko nasabi sayo naipambayad ko sa utang Kay aling Sita gawa ng ilang buwan na yung kaya napilitan na akong bayaran kung hindi, ay hindi natayo makakaulit ng utang"sagot ni mama ng may Pag papaliwanag .
"Okay lang ma basta mag kakasama tayo at may ilalaman sa tyan" sagot na may pagbibiro.
"Eh talaga si kuya ehh loko loko talaga" sagot ni keana na may kaunting pagtawa.
"Oh kain na tayo okay fight!!"Sabat ko na may sigla at sabay na nag tawanan.
Isang pagsasalong puno ng biruan at tawanan hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan sa puso ko. Kahit kaunting liwanag lang ng kandila ang nagsisilbing ilaw sa aming lamesa para maaninag ang aming kinakain.
Parang Isang romantikong sandali ng buhay ko kaharap ko ang babaeng nagbigay buhay sa akin at Isang babaeng iniingatan ko ng buong puso at iyong ang aking kapatid na si keana.
Napakasweet nya at maaalalahanin bunsong babae si keana dalawang taong lang ang agawat namin sya ay labing limang taong gulang, marami ang nag kakagusto at nanliligaw dito ngunit hindi ko ito pinapayagan dahil ayaw ko pang masaktan ang kapatid ko.
At higit sa lahat masyadong pa syang bata para sa ganon, kaya ako ang nasusunod ako yung istrikto sa kaniya. At ako din ang nag silbing ama sa kaniya at kuya nakakatawa noh.
Disi syete palang ako ay mulat na ako sa hirap ng buhay hay masyadong madrama noh.
Natapos na kami sa pagkain niligpitan na ang hapag ang kandila ay ipinatong ni mama sa taas ng kabinet at nakalagay sa basong may tubig.
Kinabahan kase Baka biglang masilab ang bahay may kalakasan din kase ang hangin, Inayos ko pa ang lagay mahirap na baka masilab ang bahay ay wala kaming kalaban laban.
Nagtungo ako sa kwarto at nahiga sa papag na may katigasan dahil banig lang ang nakalatag wala kaming foam hindi pa kayang bumili ehh.
Nakaramdam ako ng pagkahilo at pananakit ng aking paa gawa ng mag hapong nakatayo at Dahan dahan na pumikit at tuluyan ng makatulog ng mahimbing.
(Panaginip)
Isang magandang bahay maraming nakahilerang mga sasakyan nakita kong nasa loob ng isang kotse ang aking ina at kapatid.
Papasok sana ako ay bigla itong umandar at may narinig akong nakakapangilabot na tinig
"hindi pa ito ang oras" bigla harurot ang sasakyan.
Kaya nakalanghap ako ng kaunting usok galing sa tambotso at ito ang dahil para hindi ako makahinga.
At doon ako biglang nagising sobrang daming usok at may maliyab malapit iyon kung saan natutulog ang kanyang kapatid at ina.
Pinuntahan ko ito at pinilit buksan ang pinto ngunit isang apoy ang pumunta sa aking mukha.Nakaramdam ako ng hapdi at sakit sa balat pakiramdam ko ay nasunog ang kalhati ng mukha ko.
Nagpagewang gewang hindi ko makita kung nasaan ang pinto ngunit sinikap kung hanapin ito at nag tagumpay ako.
Humingi ako ng tulong sa mga kapit bahay ngunit huli na ang lahat tinupok na ng apoy ang buong bahay.
Bigla akong nanlumo at parang tinakasan ako ng bait ng mga oras na iyon, umiiyak at hindi Alam kung buhay pa ba ang aking ina at kapatid.
BINABASA MO ANG
BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETE
RomancePAST AND PRESENT ? BEHIND HIS TEARS THERES A LOT OF SACRIFICES AND LONELINESS THAT HE WANT TO KEEP IT TO HIM SELF. BEHIND HIS MASK THERES A FACE OF HIDING HIS TRULY FEELS. BEHIND HIS SMILE SHE IS THE ONLY REASON WHY HE FEEL SO HAPPY AND COMPLETE...