CHAPTER FIVE: The Mission
Naging malikot ako sa kama. Hindi ako makatulog. Iniisip ko pa lang ang mukha nang bangkay ni Ashlien, ang kaawa-awang pagkamatay niya...kinikilabutan ako.
Alas dos na nang umaga ngunit hindi parin ako makatulog. Kinuha ko ang jacket ko na nakasampay sa gilid nang aparador. Sinuot ito at lumabas nang dormitoryo. Nalanghap ko ang malamig na hangin. Napakatahimik nang paaralan. Hindi ko akalaing may mangyayaring ganoon.
Naglakad ako patungong library. Buong araw na bukas ang library.
Nagtingin tingin ako sa mga libro na naroon. May nahagip akong libro at nahulog ito. Lumuhod ako para ito'y makuha.
"Ru em ruya gikous. The Genesis," mahina kong basa sa title nito. Imbes na ibalik ko ito sa shelf ay umupo ako sa sulok at doon ko binasa ang libro.
Puro history lang naman ito. Patuloy lang ako sa pagbuklat nang libro. May nahulog na isang papel. Kinuha ko ito at binuksan.
'Ru em ruya gikous. The Genesis.
Fur hem jual wha hond sapp darï sèáh moula joa sie kao ous--' hindi ko maintindihan! Ano ba ang mga ito.
May narinig akong nga yapak nang paang naglalakad. Ibinulsa ko ang papel sa aking jacket. Nakalampas na ang mga yapak sa library. Dahan dahan akong naglakad at sinundan ang mga yapak. Naging maingat ako sa mga galaw ko. Ayaw kong mahuli at baka mapatay pa ako.
Naabutan ko sila sa likod nang lumang silid sa likod nang paaralan. Kung titingnan ito, para itong haunted house. Hindi parin natatapos ang pag-uusap nila hanggang sa may isang lalaking lumabas sa lumang silid. Tinakpan niya ang kaniyang mukha. Mata nalang at bibig ang tanging nakikita dito.
Tumikhim ito bago nagsalita, "Wala bang nakasunod sa inyo?" Mas nagtago pa ako sa gitna nang mga nagyayabungang bulaklak.
Sumagot ang isang lalaking nakacloak nang berde,"Wala po boss. Siguradong sa mga oras na ito tulog pa ang mga tao."
Tila hindi kumbinsido ang lalaki sa sagot nang kaniyang tauhan. Kumunot ang noo nito,"Pati ba ang mga prinsepe?" Tumango ang tatlong lalaki. "Eh yung pabida na lalaki na galing sa kastilyo?" Wala namang ibang lalaki na galing sa kastilyo ah. Maliban nalang sa prinsepe ay ako lang ang ibang nakatira sa kastilyo na nakapasok sa paaralan. Napa-atras ako kaya tumunog ang mga dahon. Patay! Tumingin sa gawi ko ang apat.
Tiningnan nang lalaki ang mga tauhan niya. "Akala ko ba walang nakasunod sa inyo?" Lumapit ang lalaki sa gawi ko. Pumikit ako at napamura. Walangyang mga 'to! Ang talas nang pandinig.
Hahawiin na sana nang lalaking nakamaskara ang dahon nang may biglang lumabas na pusang itim. "Pusa lang pala akala ko kung ano." Napahinga ako nang malalim. Salamat sa pusang iyon.
Bumalik ang lalaki sa kinatatayuan nang mga tauhan niya. "Pumasok na tayo, baka may makakita pa sa atin. Kailangan niyo munang lumabas sa paaralang ito. Sasabihin ko nalang sa inyo kung kailan kayo babalik dito. Kapag tahimik na ang pagkamatay ni Ashlien Huddler para hindi tayo mapaghihinalaan. Sige na, bilisan niyo!" Yumuko ang tatlong nakacloak at dali-daling umalis. Halos atakihin na ako sa puso sa mga narinig ko. Ibig sabihin may kinalaman sila sa pagkamatay ni Ashlien.
*****
Hindi parin mawala sa aking isipan ang mga narinig ko kanina. Maraming tanong ang naglalaro sa aking isipan. Sino ang nga taong yon? Sino ang nakamaskara? Anong kailangan nila dito sa paaralan? At bakit nila pinatay si Ashlien?
"Antonio Cartridge!"
Sa bawat minutong lumilipas hindi ko maiwasang magtaka. Bakit ba nangyayari ito. Isang tao lamang ang namatay. Malayo sa kadugo ko pero gusto kung lutasin ito. Gusto kong magkaroon nang hustisya ang pagkamatay ni Ashlien.
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
Fantasy(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...