CHAPTER SIX

111 16 1
                                    

CHAPTER SIX: Astreuin

Malamig ang hangin ngayong madaling araw. Nandito na kami sa gate nang paaralan. Hinihintay nalang namin ang dalawang prinsepe. Sa misyon naming ito ay kami lang ang gagawa. Wala kaming kasama na mga Professor.

Kanina pa nagrereklamo si Lai Fruois. "Hindi ba sila dadating? Grabe ha! Masama na nga ang ugali, magpapahuli pa sa lakad." Tipid akong ngumisi. Galit pa rin siya sa mga prinsepe. Si Lai yung babaeng umiiyak dahil pinagtatawanan nang dalawang iyon.

"Nilalamok na ako dito oh!" reklamo ni Shaina.

Mga ilang minuto ang lumipas bago dumating ang magkapatid.
Huminga nang malalim si Amanda. Naiinip siya.

Tinitigan ni Shaina ang dalawa. "Mabuti naman at dumating na kayo no."

Masamang tingin ang ibinato ni Pierre.

"Pshh....masyadong paimportante!" bulong ni Shaina.

Mukhang narinig ni Pierre ang bulong ni Shaina. Umuusok na ito sa galit. "Lakasan mo nga ang pagkasabi mo. Baka nakalimutan mong prinsepe ang kausap mo!"

"Baka nakalimutan mo ring walang lugar ang mga tamad dito!" sigaw ni Shaina.

Kung hindi ko sila pigilan baka hindi kami makapunta sa Astreuin. "Tama na 'yan. Hindi tayo makarating sa Astreuin kung nag-aaqay kayo!"

Tumalikod si Shaina at lumapit kay Lai at Amanda na nag-uusap nang kung ano-ano. Pamatay na tingin ang ibinato nang magkapatid sa akin. Ano ba ang problema nang dalawang 'to?

Wala silang sinabi. Nanahimik lamang sila. Hindi ko alam kung bakit. Masyadong magaling magtago ang magkapatid. Imbes na magsalita pa at pagalitan ang dalawa ay kinuha ko ang mapa sa bag na dala ko. Binuksan ko ang nakalukot na mapa. Malayo layo pa ang lalakarin namin. Nasa North ang Astreuin.

"Kailangang wala pang pananghalian ay nandoon na tayo. Marami pa tayong gagawin at iimbestigahan." Nauna akong naglakad sa kanila. Tahimik lamang silang nakasunod sa akin. Tanging maririnig lamang sa madaling araw na ito ay ang mabigat na paghinga namin, mga patay na dahon na aming naapakan, tunog nang mga insekto at kaluskos nang mga wild plants.

Suminag na ang araw. Kung hindi kami sa mapunong lugar dumaan ay baka pawis na pawis na kami. Ang magkapatid ang nagsabi nang shortcut. Tiningnan ko sa mapa at meron ngang shortcut dito.

"Sa tingin ko kailangan na nating magpahinga at mag-umagahan," suhestyon ni Lai na sinang-ayunan naming lahat.

Umupo kami sa ilalim nang mayabong na puno at doon kumain at nagpahinga saglit. Ilang minuto ang lumipas nang biglang may narinig kaming malakas na kaluskos. Hindi ito pangkaraniwan. At hindi din ito isang maliit lamang na hayop.

Tumayo kaming lahat at napagdesisyonan na maglakad na ulit. Binalewala nalang namin ang kaluskos na iyon pero tila sinusundan kami nito. Nakarating kami sa bukana nang kakahuyan. Nakalabas na kami. Sa wakas nandito na kami sa Astreuin. At tumigil na din ang kaluskos na iyon.

Dinapuan ko nang tingin ang bayan. Makikita ang pagiging malinis nito. Mga taong masayang gumagawa nang mga gawain. Lumingon ako sa kakahuyan at nabigla ako sa aking nakita. Asul na mata at bigla lang itong nawala....

*****

Nasa bahay kami nang puno nang bayan. Sinabi niyang masaya daw siyang nakita kami. Na nandito kami para tumulong.

Binigay ni Drieko Maeosvell (read as: Driko Meosvel), ang puno nang Astreuin, ang mga papel tungkol sa nasunog na taniman. "Kung may kailangan pa kayo sabihin niyo lang. Aalis muna ako sandali, babalik ako banadang alas tres nang hapon." Umalis siya daladala ang kaniyang isang maliit na kahon.

PRINCE OF ETHIOPA: The Rag PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon