CHAPTER FORTY-TWO: Teardrops of Dust
Amanda's POV
"Bilisan mo Shaina,"utas ko habang binilisan ang lakad.
"Eto na nga o. Ang atat mo masyado Amanda! Hindi naman tayo makapasok sa loob eh,"sagot nito.
Wala na akong pakialam. Gusto ko lang makita si Dylan. May kakaiba kasi akong pakiramdam, 'yong para bang may mangyayaring masama. Kaya kailangan ko na siyang makita ngayon din.
"Tutulungan ko kayong makapasok."
Napalingon kami sa nagsalita. Isang babaeng nakasuot ng kulay pilak na armor.
"Talaga? Tutulungan mo kaming makapasok?"paninigurado ni Shaina. Ngumiti siya sa amin at tumango.
"Pero kailangan ko muna siyang kausapin sandali," saad nito. Itinuro niya ang direksyon ko kaya nagtaka ako. Wala namang tao sa likod ko.
Itinuro ko ang sarili ko. "A-ako?" Tumango siya at hinawakan ang kamay ko at kinaladkad ako sa kung saan.
"Anong kailangan mo?" diretsahang tanong ko.
"Ako si Ferriah at nandito ako para tulungan kayo. Kapatid ako ni Serafeim Ethiopa." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Siya 'yong demi-goddess na sinasabi ng libro?
"Pasensya na sa inakto ko kanina," paumanhin ko at yumukod sa harapan niya.
Inakay niya ako patayo. "Hindi na kailangan ng ganiyan. Kailangan nating magmadali. Pero may sasabihin ako sa 'yo na importante."
"Ano iyon?"
"Kapag magdesisyon si Dylan wag kang makisali. Dapat siya lang ang magdesisyon para sa sarili niya at sa buong Ethiopa,"nagtataka ako sa sinabi niya. "Sundin mo nalang ang sinaad ko dahil kung hindi maiiba ang takbo ng mundo at hindi na maaayon ang lahat sa tinakdang mangyayari."
Kahit hindi ko siya masyadong naintindihan ay tumango nalang ako. Ngumiti siya sa akin at kinaladkad ako ulit pabalik kay Shaina.
"Tara na," ani Shaina.
***
Jacques' POV"Nasa gitnang bahagi si Dylan kaya kailangan na nating kumilos," sambit ko.
"Kung ganoon kailangan na natin siyang iligtas,"sagot naman ni Walter. Nakabalik na kami at nagtagumpay kami sa pagwasak ng mga tore.
Umiling ako sa sinabi ni Walter. "Kahit may angkin tayong kapangyarihan ay dapat hindi parin tayo magpadalos-dalos. Hindi natin alam ang takbo ng utak ni Savana at Black Mask."
"Fierro kilala ko na siya,"sabat ni Aera. Napatingin kaming tatlo sa kaniya. "Kilala ko na kung sino ang nasa likod ng maskara. Si Froinnickus Salvi at si Black Mask ay iisa."
Tama nga ang hinala ko noon pa man. Gonagamit niya lang si Dylan sa kaniyang sariling kaligayahan. Ang totoo kasi kaya pumanig si Froinnickus kay Savana dahil may nakaraan ang dalawang iyon.
"Wag muna nating pag-usapan iyan. Kailangan na nating pumunta sa gitna,"saad ni Erthon.
Agad kaming pumunta sa gitna. Ngunit masyadong tahimik ang paligid. Walang mga kawal, tauhan ni Black Mask, o di kaya'y ang reyna at ang kaniyang mga underlings.
"Hindi maganda 'to,"saad ko. Sa mga ganitong aura, sigurado akong may mangyayaring masama. Winaglit ko muna ang mga posibleng mangyari. "Dito na muna kayo, ako na ang lalapit kay Dylan."
Tumango sila, "Mag-iingat ka." Paalala ni Walter.
Linapitan ko kung saan si Dylan. Ng malapit na ako ay kita kong nakagapos siya. Naramdaman siguro niya ang presensya ko dahil nag-angat siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
Fantasia(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...