CHAPTER SEVEN: Black Mask
Malalim na ang gabi ngunit hindi parin ako makatulog.Tumingin ako sa mga kasama ko sa silid na ito. Tulog na ang dalawang prinsepe. Hindi ko akalaing matapos ang pag-uusap namin kanina tungkol kay Black Mask ay makatulog sila agad-agad. Huminga ako nang malalim. Hindi namin nalaman kong sino si Black Mask. At tanging lead namin ay siguro kaibigan ito o kaaway ni Drieko Maeosvell, ang puno nang Astreuin.
Dahil hindi ako makatulog ay lalabas muna ako. Kinuha ko ang aking coat at sinuot ito. Kinuha ko rin ang isang flashlight baka may makita akong kakaiba.
Malamig na hangin ang bumungad sa akin paglabas ko. Huminga ako nang malalim. Napakalalim na nang gabi. Tanging tunog lamang nang mga insekto ang aking narinig. Umupo ako sa may hagdanan at tumingin sa kalangitan. Napakaraming bituin ngayong gabi. Napakapeaceful nang paligid. Hindi mo akalaing may nangyayaring masama sa bayan na ito.
Ilang minuto ang lumipas at ganito parin ako. Umuupo at nagmamasid sa paligid.
"Nandito ka pala Antonio," napalingon ako sa pinanggalingan nang tinig. Nang makita ko kung sino yun ay tipid akong ngumiti. Umupo siya sa gilid ko.
"Pasensya na kayo kung kayo ang napag-utusan para mag-imbestiga dito. Hindi ka ba makatulog?" tanong niya.
"Hindi ako dinalaw nang antok. Masyado nang maraming nangyari Sir Drieko."
"Tama ka Antonio," sagot niya at tumingin sa kawalan. "Hindi ko nga akalaing ang isang kaibigan ko ay magtataksil sa akin." Kita ko sa mga mata niya ang pagkadismaya.
Tinanong ko siya, "Si Black Mask ba?" Tiningnan niya ako. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya. "Nabasa ko kasi ang sulat niya sa'yo. Ibig sabihin kilala mo siya?" puna ko.
Tumango siya, "Oo, kilalang kilala."
"Pwede niyo bang sabihin kung sino si Black Mask?" tanong ko.
"Pasensya na Antonio pero hindi ko magawang sabihin sa'yo ngayon."
"Bakit may problema ba?"
Ngumiti siya, "Wala naman. Kaso iniisip ko ang kapakanan nang aking pamilya. Maraming posibleng mangyari. At kayang gawin ni Black Mask kahit ano."
Yumuko ako nang kunti...."Respetuhin ko ang sinasabi niyo. Wag kayong mag-alala walang mangyayaring masama sa iyo at sa iyong pamilya."
"Mabuti kang bata Antonio. Kaya sana mag-ingat ka sa lahat nang panahon. Alam kong nakilala mo na si Black Mask pero hindi mo alam na siya pala iyon. Kaya sana wag kang magpabaya sa sarili mo. Wag kang maniwala sa ibang tao kundi sa iyo lang sarili." paalala niya sa akin.
Kung sa ganon, kilalang kilala niya nga kung sino si Black Mask. Si Cornelius ba? O baka naman mga tauhan ni Savana? Naguguluhan na ako. Gulong gulo na talaga!
"Salamat sa paalala Sir Drieko. Wag kayong mag-alala babantayan ko ang sarili ko."
Ngumiti siya sa akin. "Sige. Mauna na ako sa loob Antonio, sumunod ka na din, " tumango ako. Narinig ko ang pagbukas at pagsara nang pintuan.
Tumahimik ulit ang paligid. Napabuntong hininga nalang ako. Ang daming problema na hinaharap ko ngayon. Pagbalik nang trono sa kamay ko. Pagkamit nang hustisya sa pagkamatay ni Ashlien at paglutas nang pangyayari dito sa Astreuin.
Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko ang mga sinasabi ni Drieko. Tila alam na alam niya lahat! Bakit ayaw niyang sabihin sa akin? Ayaw niya bang malaman ko ang katotohanan? Punong puno na ang aking isipan sa mga katanungan na wala namang makasagot.
Biglang lumamig ang hangin. Mas malamig kanina. Hindi na normal ang temperatura nito. Mas kinilabutan ako nang makarinig ako nang malamig na tinig.
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
Фэнтези(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...