CHAPTER TWENTY: Arena of Illusion
Muling nagsalita si Jacques, "Bigyan niyo rin nang pansin ang inyong tatlong buhay. Pero kapag mayroong mauubusan nang buhay ay mabalik siya dito at kung sino man ang makalabas na may malaking puntos ay siyang magiging leader niyo. Ngayon magsisimula ang totoong laban!"
Nagpalabas siya nang ngisi gayon na din si Caspian. Napailing nalang si Aria at Serene sa kalokohang ginawa nang dalawang lalaki. Todo panalangin sila na sana hindi malagay sa alanganin ang buhay nang pito lalo na't nasa arena of illusion.
Ang arena of illusion ay isang istrakturang ginawa ni Paulle Marq Oviette. Ito'y alay niya sa haring ama ni Dylan Horton Lutherking. Malawak ang arena of illusion at may mga bagay na hindi mo maipapaliwanag kapag nakatapak kana sa loob nito. Hindi ka makakalabas kapag hindi mo natagumpayan ang misyong ibibigay sa loob at kapat namatay ka sa loob ay hindi ka na makakalabas pa doon. Mananatili ka sa loob nang arena of illusion hanggang sa may taong handang magligtas sa'yo. Ngunit pina-iba nang hari at ginawang kapag maubusan nang buhay sa loob nang arena ay makakabalik sila ngunit ang mga sugat na natamo nila ay mararamdaman nila, pwera nalang kapag napagtagumpayan mo ang misyon mo sa loob nang arena ay makakalabas ka nang parang walng nangyari. Walang bahid nang sugat o galos na makikita sa iyong katawan.
Ginawa ang arena of illusion na parang may buhay. Para itong isang mabangis na hayop na dapat paamuhin. Tanging mga dugong Lutherking lamang ang makakapasok sa arena na parang wala lang, dahil ginawa ito para sa mga Lutherking lamang.
"Jacques, tingnan mo sa bandang silangan nang arena." Agad namang tiningnan ni Jacques ang lugar na sinabi ni Aria, napatingin narin si Caspian doon. Pareho silang nanlaki ang mga mata.
"Hindi maaari," tanging sabi ni Jacques. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya sa loob nang arena, sa may silangan. Mabuti nalang at wala doon ang pito dahil nasa kanluran ang mga ito ngunit malayo sa isa't isa. Masyadong malaki ang arena of illusion.
Dahil sa naging reaksyon nang tatlo ay nakiusyuso narin si Serene sa kanila. At napatakip nalang siya sa bibig sa gulat dahil sa nakita. Dalawang kakaibang hayop na may iba't ibang kulay nang mata. Ang isa ay kulay pula habang ang isa naman ay kulay abo. May nakita siyang aninong papalapit sa kinaroroonan nang dalawang hayop. Magsasalita na sana siya ngunit naunahan siya ni Aria.
"Anong ginagawa nang batang iyan sa loob?" nagtatakang tanong ni Aria.
Walang sumagot sa kaniya dahil nakatutok lamang sina Jacques at Caspian pati na si Serene sa arena. Walang kamalay-malay ang mga estudyante sa nangyayari dahil nakatuon lamang ang kanilang atensyon sa may kanluran nang arena.
"Mas mabuti sigurong ishutdown muna natin ang illusion nang arena," suhestyon ni Caspian.
Napailing si Jacques, "Kanina ko pa pinipindot ang shutdown ngunit hindi ito gumagana. Siguro ay ang dalawang hayop na ito ang naghahawak ngayon at nagkokontrol sa arena of illusion."
Tahimik lang si Aria nang bigla siyang may naalala. "Diba kasama ang mga hayop na iyan sa apat na hayop na malalakas at hinihinalaang may kakaibang kapangyarihan? Ang Guiffierr na may pulang mata at ang Aerosoul na may abong mata," saad nito. Tumango ang dalawang lalaki bilang pagsang-ayon kay Aria.
Habang si Serene ay taimtim na nagdarasal habang tumitingin sa arena. Halos wala siyang kurap na nakatutok sa arena. Kung sana ay kapag kumurap siya ay wala na ang estudyanteng nasa harapan nang dalawang hayop. Kung sana'y mawaglit niya ang pag-alala ay ginawa na niya. Walang ibang nagawa si Serene kundi ang bumulong nalang sa hangin.
"Mag-iingat ka, Antonio..."
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
Fantasy(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...