CHAPTER TWENTY-SIX: Unknown Thief
Antonio's POV
Biglang umihip ang malamig na hangin. Nagsitayuan ang balahibo ko sa leeg. Mahina akong lumingon sa likod at doon ko nakita ang hindi ko inaasahang makita ko ngayon.
"Mearis," wala sa sariling usal ko.
Kapag minamalas ka nga naman o! Kung kailan naghahanap ako nang paraan para makawala sa ilusyon na'to saka naman siya susulpot.
Nanatili akong kalmado at nakatuon ang ang aking mga mata sa kaniya. Ano nanaman kaya ang kailangan nang demonyong anghel na ito? Noong una pumasok siya sa katawan ko at ginamit pa ito nang walang paalam. 'Wag niyang sabihin na iyon na naman ang plano niya...
Ngumisi siya sa akin. Iyong ngisi na alam mo nang hindi mo talaga mapagkakatiwalaan. Kumunot ang noo ko, kanina pa siya nakatayo sa harapan ko. Tila wala siyang planong umatake.
Kung titingnan mo lang si Mearis, malalaman mo agad na isa siyang anghel. Ang kaniyang angking ganda ay di pangkaraniwan at malalaman mo rin ito sa aura niya. Nakasuot siya ngayon nang itim na bestida. Kaya masasabi mong hindi siya anghel na gaya nang nasa imahinasyon niyo dahil iba siya. Ibang iba...
"Anong kailangan mo?" lakas loob kong tanong sa kaniya.
"Wala naman. Nangungulila lang ako..." ngumiti ito kaya naguluhan ako, "...nangungulila ako sa paggamit nang katawan mo."
Nang masambit niya iyon ay talagang tumaas ang balahibo ko.
"Hindi ako makakapayag!" bulalas ko. Ayaw ko, ayaw ko! Gagamitin lang niya ako sa pansarili niyang kagustuhan. Hindi man lang iniisip ang posibleng mangyari.
Mas ngumisi lang ito. "Akalain mong hindi ka na takot sa akin. At tila lumakas ka, pinag-ensayo kaba ni Lifeania o baka naman ni Deatherio? Si Supremo ba?" tila iniinis ata ako nitong babaeng 'to eh. Mataas ang pasensya ko pero pagdating sa kaniya tila lumiliit eh!
Inis ko siyang tiningnan. "Pwede ba, maghanap ka nalang nang iba! Atsaka, hindi ako pinag-eensayo nang mga Diyos o Diyosa. Isa pa, bumalik ka nalang sa pinanggalingan mo dahil nanggugulo ka, alam mo ba yon?! Baka nakalimutan mong mas mataas ang mga Diyos at Diyosa kaysa tulad mong anghel na tuligsa sa batas at utos nang makapangyarihang Diyos."
Nag-iba ang timpla nang mukha niya. Tila sasabog na ito. Galit na yata siya.
"Wala kang alam! Hindi mo alam ang aking nararamdaman! Sino ka para pagsabihan ako. Isa ka lang hamak na taong binuhay muli--"
"Baka nakalimutan mo kung ano ang posisyon mo dito Mearis," napalingon ako sa nagsalita. Serafeim...
Bumaling si Mearis kay Serafeim at ngumisi nang malaki. Mapakla din itong tumawa. "Gusto kong mawala sa landas ko ang tagalupang ito! Kinuha niya ang magiging posisyon ko. Sang-ayon lang naman sana ako eh...kung iba, pero siya? Hindi maaari!"
Huminga nang malalim si Serafeim saka nagsalita. "Alam mo ang nagawa mong kasalanan Mearis. At sa mata nang Diyos mananatili kang magkamali kapag hindi ka titigil. Malapit na siyang manatili sa mundo natin kaya igalang mo siya sapagkat mas mataas pa siya kaysa sayo," aniya.
Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi ni Serafeim. Anong...Sinong mataas pa kaysa kay Mearis? Sinong mananatili sa mundo nila? At bakit dapat itong igalang? Punong puno na nang tanong ang aking ulo. Bakit ba ang raming tanong sa mundong ito?
Tiningnan ako ni Serafeim. "Umalis ka na dito, kailangan ka nila. At malapit na..." naguguluhang tumingin ako sa kaniya. Hindi ko maintindihan!
Lumingon ako sa kinaroroonan ni Mearis at wala na ito. Bumaling akong muli kay Serafeim.
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
Fantasy(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...