CHAPTER ONE: His Life
Nagising ako sa tunog nang kampana sa loob nitong silid sa tower. Alas kwatro palang nang madaling araw. Hindi na ako magtataka, palagi namang ganito eh. Matutulog nang hating gabi o di kaya'y madaling araw na dahil sa mga gawain. Tapos gigising nang alas kwatro para sa bagong araw na puno nang trabaho. Singhal doon, singhal dito.
Tinupi ko ang aking kumot na gutay-gutay na. Inayos ang maliit at matigas na kama. Nagbihis nang damit, kadalasan hindi na ako naliligo dahil mapupuno din naman ako sa dumi, putik, at pawis.
Lumabas ako sa silid at patakbong bumaba gamit ang nagpaikot-ikot na hagdan. Nasa tuktok nang tower ang aking silid. Sampung taon na ang nakalipas mula nang dito na ako natutulog, nagtatrabaho sa kastilyo, minsan nagbabantay sa mga hayop at naglilinis sa mga lupain para mataniman. Wala akong natanggap na kahit anong kapalit, siguro yon lang yong kinakain ko sa buong araw ang tanging bayad nila sa akin. Dugo't pawis ako na nagtatrabaho pero hindi ako nagrereklamo. Minsan nga sila pa itong nagrereklamo, habang sila naman ang sinisilbihan na walang hinihinging kapalit sa anumang hirap na dinanas at dadanasin ko.
Nakarating ako sa kusina. Malaki ang espasyo nito, tila triple sa pangkariniwang bahay sa bayan.
Marami na ang nagtatrabaho doon, naghahanda nang almusal sa reyna at sa dalawang prinsepe.Nakita ako ni Aling Khrillia na papalapit sa kanya, "O mabuti naman at nandito kana Antonio. Heto ang mga listahan mo sa mga bibilhin sa palengke, para sa pananghalian yan. Hindi pa kasi makakapunta dito ang taga-deliver nang mga sangkap, kaya ikaw muna ang uutusan ko."
Ngumiti ako sa kanya, "Sige ako na po ang bahala dito."
"Wag kang masyadong magtagal. Pupunta ka pa sa boundary nang Leshia," tumango ako sa kanya at umalis na.
May pitong bayan ang Ethiopa sa North. Ito ay ang Priume, Astreuin, Brillza, Mrielle, Sczeroull, Larusse, at ang panghuli ay ang Kirr. Tatlong bayan ang naroon sa South. Ito ay ang Leshia, Firoed, at ang Rilles. Maliit lang ang bilang nang bayan dahil dito din matatagpuan ang kagubatan na pinagbabawalan ang mga tao na pumasok. Hindi kasi sigurado kung makakabalik paba nang buhay ang taong papasok doon, dahil na rin siguro sa hamog sa loob nang gubat at ang mga hayop dito.
May Anim na bayan sa East. Ang Huppesa, Myrx, Odsill, Savpreh, Kunnwa, at Crisrrimm. May Limang bayan sa West. Ang Mrikk, Freos, Snaiss, Rajan at Uai.
Malaki ang kabuuan nang Ethiopa. Sa gitna nang mga bayan matatagpuan ang kastilyo. Ang paaralang pinangalan sa prinsepeng akala nila patay na. Na nanahimik na at sumakabilang buhay. Iyon lang ang tanging nasa gitnanang Ethiopa, maliban sa palengke. Dylan Horton Lutherking, ang nag-iisang tagapagmana nang trono bilang hari nang Ethiopa. Hindi alam nang mga tao kung sino sya, walng nakaka-alam sa mukha niya. Antonio Cartridge, ang pinalit nyang pangalan. Ang tanging nakaka-alam nang sikreto ko ay ang reyna at ang dalawang prinsepe. Oo,ako si Dylan Horton Lutherking. Kilala na ako bilang Antonio Cartridge, ang alipin nang kaharian. Nasa dugo ko ang pagiging hari pero habang tumatagal wala nang pag-asa na ako'y susunod sa yapak nang aking ama. Na maging hari nang Ethiopa.
*****
Nakabalik na ako sa palasyo. Dala-dala ko ang mga binili ko sa palengke. Saktong pagdating ko ay inutusan naman ako sa paghatid nang pagkain sa royal family. Pshh, para silang mga disable!
Wala akong nagawa kundi ang sundin ang mga utos. Dinala ko ang mga pagkain sa hapagkainan. Nandoon na ang tatlo. Ang reyna ay nasa dulo nang mahabang mesa habang ang dalawa nyang anak ay nasa magkabilang gilid nang kanilang ina.
"Nandito na po ang umagahan niyo, mahal na reyna." Anunsyo nang isang katulong.
Agad kong nilagay ang pagkain sa mesa. Nagsimula na silang kumain. Mabilaukan sana kayo!
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
Fantasía(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...