CHAPTER ELEVEN: School Policies
Mabilis akong nakabalik sa paaralan. Hindi ko na nilingon si Jacques at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Tumuwid ang lakad ko nang makita si Serene. Tumakbo siya papalapit sa akin.
"Nakita mo ba si Jacques?" tanong niya sa akin. Hingal na hingal sya, napahawak pa siya sa tuhod niya sa tindi nang pagod.
"Bakit, may nangyari bang masama?" balik tanong ko sa kaniya. Sa mukha kasi ni Serene ngayon parang may nangyari talagang masama.
"Namatay ang isang estudyante malapit sa bukana nang gubat sa likod nang clinic. Nasaan na ba si Jacques?"
Napaurong ako. Ano? Hindi ako nakakareact, hindi magsisink in ang mga sinasabi ni Serene sa akin.
"Ako na nga lang ang maghahanap kay Jacques. Sige na, baka gusto mong pumunta sa clinic para tingnan ang patay na katawan o baka naman gusto mong magpahinga muna," sambit ni Serene.
Akmang aalis na sana siya nang magsalita ako. "Sa may dormitoryo," sambit ko. Lumingon siya sa akin. "Nandoon si Jacques," puna ko pa.
Tinapik niya ako, "Sige salamat." Umalis na siya kaya napatakbo ako papunta sa clinic. Maraming tao ang nandoon. Madaling nakalat ang balita. Nandito rin ang dalawang kasama ni Jacques. Pati si Froinnickus ay nandito rin at sinusuri ang patay na katawan nang isang lalaki.
"Ano bang nangyari dito?" tanong ko kay Amanda. Lumingon siya sa akin, hindi kasi niya masyadong winala ang kaniyang mata sa katawang wala nang buhay.
Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Hindi ko alam. Sadyang marami na ang madugong pangyayari dito sa Ethiopa. Siguro hindi lang ito ang mangyayari," bumalik ang tingin niya sa patayng katawan.
Tama si Amanda. Marami na ngang pangyayaring hindi kaayaaya. Kahit anong gagawin namin wala na itong solusyon. Siguro kahit anong pigil ko dito wala paring mangyayari dahil wala ako sa lugar.
Lumayo muna ako at pumunta sa may burol kung saan makikita ang kabuuan nang Ethiopa. Umupo ako sa ilalim nang puno doon at pinagmasdan ang kastilyo.
"E-ehem," napalingon ako sa likod ko. "Pwede ba akong umupo?" pahintulot niya sa akin. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Binalik ko ang aking tingin sa kastilyo. Naramdaman kong umupo siya sa gilid ko.
"Pasensya kana kanina, ayaw ko lang na mapahamak ka. Sapagkat nasa kamay mo ang kinabukasan nang Ethiopa. At tanging ikaw lang ang liligtas sa mga tao sa mga masasamang gawain ni Savana," sinseridad ang naramdaman ko sa bawat salita na binitawan niya.
Lumingon ako sa kanya, ngunit hindi sya nakatingin sa akin. Nanatili ang kaniyang tingin sa bayan na nakikita sa ibaba nang burol. Siguro tama siya. Ako lang ang makakaligtas nang Ethiopa dahil ako lang ang natitirang Lutherking. Ako lang ang natitirang may dugong maharlika.
"Pasensya na rin. Palagi nalang akong pabaya sa sarili. Siguro kung nandito si ama matagal nang nailigtas ang Ethiopa," sambit ko. Ngumiti ako nang mapait at binaling ang aking paningin sa nagkagulong bayan. May apat na kawal ang naroon at isang alipin na lumuluhod sa kanilang harapan.
Masakit para sa akin ang makita na ang sinasakupan noon ni ama ay naging kalbaryo na nang hinanakit at mga taong naghihirap. Bakit kailangang saktan pa ang mga inosenteng tao na mangmang sa kung ano ang mga patakarang pinapalaganap ni Savana. Ang reyna nang kasamaan.
Ginulo ni Jacques ang aking buhok. "Hindi ka parin pala nagbabago. Pasensya ka na kung ngayon lang ako nakabalik. Marami kasing gawain ang pagiging opisyal nang Magea. Hindi man lang kita nadamayan noong nawala si tito," sabi niya. Tumalikod siya sa akin. Tinatago niya ang takas na luha mula sa kaniyang mga mata.
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
Fantasy(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...