CHAPTER SEVENTEEN: The Six
"Kailangan nilang maranasan ang paglaban sa mga mababangis na hayop dahil mga class S+ ang mga hayop na naroon sa GOLD at baka may mga mythical animals pa," sambit nito. "Para ito sa kanila. May napatunayan na sila at kailangan ipakita nilang karapatdapat nga sila sa pagiging parte nang GOLD."
"Kailan magaganap iyan?" tanong ni Aria.
"Bukas na bukas, sa ngayon ay dapat pagtuunan muna natin nang pansin ang mga pinaggagawa ni Black Mask dahil marami nang buhay ang nawala. Kailangan may isa sa atin na pumunta doon," sabi ni Jacques.
"Ako nalang tutal pupunta ako sa labyrinth mamaya ay dadaan muna ako sa Crisrrimm. At saka pinatawag ako sa Magea kahapon, ikaw sana iyon Jacques ngunit alam kong marami kang ginagawa kaya ako nalang ang pupunta," sagot ni Caspian. "O sige, mauna na ako sa inyo. Baka bukas na ako makakabalik dito."
Tumango si Jacques, "Mag-ingat ka."
Yinakap din siya ni Serene at sinabihang mag-ingat.Tumingin si Caspian kay Aria na tila ayaw siya nitong kausapin. Ngunit hindi talaga siya nakatanggap kahit isang salita man lang kaya umalis na siya.
"Mag-ingat kang loko ka," mahinang sabi ni Aria na sapat na para siya lang ang makarinig.
*****
Pumunta si Serene sa silid ni Antonio. Nakita niyang natutulog ang binata. Napaka maaliwalas nang mukha nito at tila walang problemang hinaharap.
"Magpahinga ka nang maayos. Nasasabik na akong makita kang malakas," mahinang sambit ni Serene at umupo sa upuang malapit sa kama.
Nanatili lamang sa posisyon niya si Serene hanggang sa magmulat nang mata si Antonio. Bumangon si Antonio at umupo sa kama.
Napangiti si Serene sa nakita. "Mabuti naman at nakakaupo ka na," sambit nito.
Ngumiti din si Antonio, "Maraming salamat sa iyo Serene. Hindi mo man nailigtas ang aking ama ay nailigtas mo rin ako. Naikwento sa akin kanina ni Caspian ang naging sakripisyo mo. Maraming salamt talaga, tatanawin ko itong utang na loob."
"Naku wala iyon. Dapat magpasalamat ka rin kay Amanda, naging katulong ko siya sa pag-gamot ko sa iyo."
"Mamaya," sagot ni Antonio.
"Kumain ka na ba nang hapunan?"tanong ni Serene kay Antonio. Tumango si Antonio bilang sagot. "Mabuti naman kung ganoon. Syanga pala, may pagsasanay na magaganap bukas sa mga estudyanteng napili para sa GOLD. Gusto mo bang manood?"
Nag-iba ang timpla nang mukha ni Antonio. Tila ayaw niyang malaman kung sino ang mga nasali sa GOLD. "Sige, anong oras ba?" pinilit niyang ngumiti kay Serene.
"Alas syete ang umagahan bukas kaya mga alas nueve magsisimula iyon," sambit ni Serene. "Kaya mo na bang sumabay sa aming mag-umagahan?"
Napatawa si Antonio. "Hahaha. Gaya nang sabi mo, hindi ako lumpo. Sa tingin ko nga ay kaya ko nang tumayo. Teka lang..." inalis niya ang kumot na nagtakip sa kaniyang paa. Nagulat si Serene na wala na ang mga sugat sa paa nito.
"Tumalikod ka muna saglit Antonio, may titingnan lang ako." Tumalikod si Antonio at binukas ni Serene ang sandong sinuot ni Antonio. At mas nagulat siya nang wala nang bahid nang sugat sa kaniyang likuran.
"Magaling kana, nawala na ang mga sugat mo." Ngumiti si Antonio sa kaniya. Sinubukan ni Antonio na tumayo at gaya nang sabi ni Serene, magaling na nga siya.
"Masaya akong makakalakad ka na," sabi ni Serene. Masyadong nasiyahan si Serene sa pagtayong muli ni Antonio. "Subukan mong ilakad ang iyong mga paa."
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
Fantasy(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...