CHAPTER FORTY-THREE

39 10 0
                                    

CHAPTER FORTY-THREE: Peace and Freedom (A New Beginning)

Ferriah's POV

"Sino ka ba at nakiki-alam ka sa labang ito?" tanong niya.

"Ang dami mong satsat!" Kanina pa talaga ako nabibwesit sa babaeng ito.

"Dark Flame!"iniwasan ko lang ang atake niya at nag-cast ng encantacion. Ang encantacion na'yon ay makakapagbukas ng portal ng underworld. Lumabas mula doon ang anghel na kilalang kilala ko. Ang kapatid ni Mearis.

"Dinidisturbo mo ang tulog ko, Ferriah!" Ito ang bungad niya sa akin.

"Alam ko, peeo kailangan mo ng kunin ang babaeng ito. Naririndi na ako sa kaniya," tanging sagot ko lang.

Tumango si Hearis at lumapit sa reyna. "Halika na, kailangan ko pang matulog."

Agad nag-hysterical ang reyna. "Hindi! Sino ka ba! Hindi ako sasama sa'yo!"

Pumitik si Hearis at agad na hindi nakagalaw si Savana. Bumaling si Hearis sa akin. "Aalis na ako at wag na wag mo na akong tatawagin pa. Disturbo ka sa buhay ko."

Agad silang nawala sa paningin ko. Nagkibit balikat lang ako at tumalikod narin. Dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan nina Dylan at Amanda. Ngunit ang nadatnan ko lang doon ay si Froinnickus na nakalatay na walang buhay at si Amanda na umiiyak.

Linapitan ko si Amanda, "Nasaan si Dylan?"

Umiling siya at agad na yumakap sa akin. "Wala na siya. Wala na si Dylan, kasalanan ko 'to. Kung hindi niya kinuha ang atake na para sa akin ay hindi sana siya mamamatay."

Napapikit nalang ako. Hinihimas ko ang likod ni Amanda. "Hindi mo kasalanan. Iyon talaga ang kapalaran ni Dylan. Tahan na, makakasama iyan sa bata."

Naramdaman ko ang presensya ng mga bagong dating.

"Anong nangyari? Bakit umiiyak si Amanda?" tanong ni Jacques. "Nasaan si Dylan."

"Wala na siya, patay na si Dylan."

Lahat sila natigilan sa sagot ko. Nagsiiwasan ng tingin tila pinipigil ang kanilang mga luha. Kita ko rin ang pagkuyom ng kamao ni Jacques.

"Ferriah, bakit hindi mo siya nagawang iligtas? Alam kong may kapangyarihan ka,"ani Shaina.

"Bakit wala kang ginawa?"tanong naman ni Jacques.

Ano bang magagawa ko? Si Dylan mismo ang tumahak sa daang ito...hindi ako.

Kumalas ako sa yakap ni Amanda at ipinasa siya kay Shaina. Binalingan ko si Jacques.

"Binalaan ko na si Dylan kung ano ang pwede niyang kahihinatnan ngunit hindi siya nakinig. Wala sa akamy ko ang kapalaran ng tao. Si Dylan mismo ang pumili ng daang kaniyang tatahakin, hindi ako!"

"Tama na iyan," awat ni Amanda. "Kasalanan ko lahat. Kung hindi na sana niya ako iniligtas ay buhay pa sana siya."

"At ikaw naman ang patay ngayon. Amanda iniligtas ka ni Dylan dahil dalawa kayo. Ikaw at ang anak niyo!" sagot naman ni Shaina.

"Walang silbi kung magsisihan tayo. Tanggapin nalang natin,"sabi ni Walter.

Umiling ako sa kanila. "Siguro mali ang pagtulong at pagsali ko sa digmaang ito." Walang paalam na naglaho ako. Masyadong nakakasakit sa ulo ang mga pangyayari. Lumitaw ako sa bahay ko at di ko inaasahan na makikita ko siya doon. Napayuko tuloy ako ng dis-oras.

"Supremo, anong sadya niyo't naparito kayo?" Hindi siya basta bastang lumilitaw at magpapajita kung hindi importante ang balak niya.

"Tumayo ka muna,"tumango ako at tumayo. "Nandito ako para sabihing tama ang ginawa mo. Nakatakda iyon at hindi iyon magbabago. Nais ko lang iutos sa'yo na sa oras ng paglabas ng sanggol sa sinapupunan ni Amanda ay ikaw ang kumupkop nito. Kasi may mas importanteng gagampanan si Amanda."

"Pero--"

"Ito lang ang sasabihin ko Ferriah, ingatan mo ang batang iyon dahil siya ang mag-iiba ng mundong ito,"saad niya at agad naglaho. Napa-upo nalang ako. Ano bang nagawa ko't pinahihirapan ako ng mga 'yon?

***

Jacques' POV

"Anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Aera.

Hindi ko siya sinagot. Walang pumapasok sa isip ko.

"Amanda," tawag ni Erthon. "Nasaan ang katawan ni Dylan?"

Ito rin ang pinagtataka ko. Kung patay na si Dylan nasaan ang katawan niya?

"Bigla nalang itong umilaw at naging dust nalang. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nangyari," sagot ni Amanda.

Siguro ganoon ang mangyayari sa mga taong pinagpala. Hindi na makikita ang bangkay nila pag namatay.

Bumuntong hininga nalang ako. Nagtagumpay nga kami ngunit marami namang nasawi sa labanang ito.

______

3rd Person's POV

Hindi man nila nakita ang katawan ni Dylan ay para sa kanila kailangan parin nila itong alayan ng disenteng libing.

Marami ang nasawi sa gyerang nangyari. Mula sa mga magulang ni Dylan hanggang mismong si Dylan ay pumanaw narin. Iniligtas niya ang lahat at binigyan ng bagong pag-asa ang lahat.

Si Erthon ang nakatukang pumana sa raft na nilagyan sa dust na naiwan ni Dylan. Susunugin ito ayon sa libing ng mga hari.

Batid ni Erthon ang pinagdadaanan ni Jacques ngunit nilapitan niya ito. Ibinigay niya ang palaso at panang may apoy kay Jacques.

"Ikaw na ang gumawa, Fierro. Harapin mo ang pagsubok na ito," sambit ni Erthon. Tinanggap ni Jacques ang pana't palaso. Huminga ng malalim at nilingon ang mga naging parte ng pagsubok na iyon. Napangiti siya ng mapait. Maraming tao ang dumalo dahil ipinag-alam nila sa lahat na si Dylan ay ang nawawalang prinsipe.

Nag-aim na si Jacques at saka pinakawalan ang pana. Ng matamaan na ang raft ay agad itong kinain ng apoy.

Tanging pagtangis lang ang nagawa ng mga tao, lalo na ang mga taong naging parte ng buhay ni Dylan.

Napatingin si Jacques kay Amanda ng hawakan siya nito.

"May ibinilin si Dylan sa akin bago siya namatay," pinahid niya ang luhang tumakas sa mata niya. "Ang sabi niya'y nagawa na niya at dahil iyon sa'yo. Maraming salamat daw Jacques."

Napangiti si Jacques sa narinig. Ginawa nga ni Dylan ang lahat bilang prinsipe ng Ethiopa.

"Jacques mauna na kami," paalam ni Shaina habang inakay si Amanda. "Makakasama sa bata kapag mananatiling umiiyak si Amanda." Tumango si Jacques kaya umalis na sila. Umalis narin ang mga tao.

Nqpangiti si Jacques. Ang nasa isipan niya ay tunay ngang nagampanan ni Dylan ang kaniyang tungkulin. Hindi niya makakalimutan ang mga ngiti ni Dylan kahit ito'y nahihirapan.

"Tapos na Dylan. Maayos na ang lahat. Nakamit mo na ang kalayaan at kapayapaang ninanais mo para sa Ethiopa. Salamat sa pagiging matatag at malakas, aking kinakapatid. Ngayon alam kong maging maayos na ang kalagayan mo. Kahit wala ka na ay mananatili ka sa aming mga puso. Our Prince of Ethiopa."

____________

A/N:

Epilogue na Royals!

Malapit na tayong magba-bye sa Ethiopa, at sa tambalang Amylan (gawa-gawa ko lang yan. Ang sagwa pakinggan)!

Pero mahal ko kayo so I added another chapter bago mag Epilogue. So stay tuned and read a lot...

Thank you and lovelots!

PRINCE OF ETHIOPA: The Rag PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon