CHAPTER EIGHTEEN: The East Forest
Antonio's POV:
"Maghanda na kayo. ISA!" Huminga ako nang malalim
"DALAWA!" Tumingin ako sa mga estudyanteng nakatingin sa amin. Inayos ko ang itlog na nasa aking bibig. Ang tanging nasa isip ko lamang ay dapat, dapat hindi mabasag ang itlog.
"TATLO!"
Tumakbo ako mabilis. Kahit hindi ko nagamit nang mahigit isang buwan ang aking paa ay maliksi pa rin ito at matulin parin kapag tumatakbo. Nag-iba kami nang ruta. Sa bandang kanan ako pumasok habang si Nero naman ay sa bandang kaliwa.
Tumakbo ako nang tumakbo. Medyo madilim dito dahil walang masyadong sinag nang araw na sumisilip. Malalaki kasi at mayayabong ang mga puno dito. Pero hindi naman masyadong madilim, sapat lang para makakita ako.
Naging maingat ako sa itlog na nasa aking bibig. Hindi 'to pwedeng mapisa dahil ito lamang ang pag-asa ko. Ang tanging pag-asa na makasali sa GOLD.
"Grrrr!" malakas na ungol nang isang hayop. Nakarinig ako nang kaluskos sa may bandang gilid. Hinanda ko na ang aking sarili. Ngunit walang kahit anong hayop na lumabas galing doon kaya nagtaka ako. Napakalakas nang kaluskos na iyon tapos walang kahit anong bahid nang hayop ang lumabas mula sa nagyayabong na ligaw na halaman.
Lumapit ako sa may halaman. Binuklat ko ito at isang hayop ang nakita ko doon. Isang Jousre ngunit nagdadalawang isip akong patayin ito. At baka pagtawanan pa ako nang mga estudyante at pati narin nang Enchanted Trio. Baka mapagtripan pa ako ni Nero dahil sa dala kong hayop. Eh papano kasi, isang batang Jousre ang nandito. Napaka-amo nang mukha at napakaliit nito. Tila nagulat ito nang makita ako at tumakbo ito nang mabilis.
Kahit napakabilis tumakbo nang batang Jousre ay sinundan ko parin ito. Hindi ko man batid kung saan ito pupunta pero baka makakita ako nang iba pang Jousre sa madaanan ko.
Ilang hawi ang nagawa ko dahil sa mga sanga nang punong aking nadaanan. Tagaktak na rin ang aking pawis dahil sa pagtakbo ko kakasunod sa batang Jousre. Halos magkandapa-dapa na ako. Hindi ako makapaniwalang isang batang Jousre ngunit napakabilis at liksi pa nito.
Napaikot na lang ako nang tingin nang nawala ang hayop. 'Nasaan na ba iyon?' saad ko sa aking isipan.
Tila lumamig ang aking likod sapagkat may tumulong likido mula sa taas. Umaambon pala at uulan na yata. Mas binilisan ko ang kilos ko. Hindi ko akalaing walang Jousre na nag-iikot man lang dito. Ayaw kong maunahan ako ni Nero sapagkat wala akong tiwala sa lalaking iyon.
Naglalakad na lang ako at nanatiling pinakiramdaman ang aking paligid. Napitlag ako nang makarinig ako nang isang malakas na ungol mula sa isang hayop.
Dali-dali kong sinundan ang malakas na ungol na iyon. Wala akong pakialam sa mga sanga na sumasabit sa aking suot na uniporme. Ang tanging nasa isip ko lang ay makasama sa GOLD para sa mga kaibigan ko. Tinuring ko nang kaibigan ang anim na iyon kahit hindi kami masyadong nagkaroon nang pormal na pag-uusap, maliban nalang kay Amanda na palagi kong kausap noon.
Hinawi ko ang mayabong na halaman na nasa aking harapan. Nanatili paring umuungol ang hayop, ngunit hindi ko man lang mabatid kong anong hayop ito. Napa-awang ang aking bibig nang makita ang hayop na umuungol, ngunit agad ko namang itiniklop ang aking bibig sa kadahilanang baka mahulog ang itlog na nasa aking bibig.
Tiningnan ako nang hayop. Asul na mata at tila mapapasunod ka kung titingin ka dito. Napaiwas agad ako nang tingin. Ibinaling ko ang aking atensyon sa kaliskis sa katawan nito. At sa pagkakataong iyon batid ko na kung anong klaseng hayop ang nasa aking harapan. Crystallion. Kung makabase ka lamang sa pangalan nito ay mapagkamalan mong isang lion ang Crystallion ngunit hindi ito totoo. Gaya nang sinabi ko kanina, ang Crystallion ay may asul na mata na parang mapayapang tubig at isang itong dragon! Ngayon ko lang napagtanto na ang mga librong nabasa ko ukol sa mga mythical creatures ay totoo. Sa mga mythical creatures, ang apat na hayop ang pinakamalakas sa dalawampung mythical creatures. Ang Jousre na may berdeng mata, ang Crystallion na may asul na mata at may dalawa pang iba. Nagtataglay ito nang pula at abong mata. Ang Aerosoull (abo ang mata) at ang Freisser (pula ang mga mata).
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
Fantasy(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...