CHAPTER SIXTEEN

58 13 1
                                    

CHAPTER SIXTEEN: Sam'vana

Sa pagkawala nang ilaw ay ang pagkawala din ni Antonio. Lumamig ang simoy nang hangin. Bumulong sa hangin si Naiah.

"Gawin mo ang mga bagay na magdadala nang kaisahan nang mga tao at kasiyahan nang mga puso. Muli ka naming makikita sa oras na kinakailangan mong bumalik sa amin. Kapayapaan..."

"Paalam muna sa ngayon, Antonio," sambit naman ni Lifeania. Nanatiling tahimik si Supremo. Habang si Deatherio ay mahinang nagpaalam...

"Hanggang sa muli...," sambit ni Supremo at tumalikod. "Halina kayo. Mayroon pa tayong importanteng bagay na kailangan pag-usapan."

*****

Nagkagulo ang buong silid. Halos napatakbo si Serene patungo sa silid kung saan naroon ang katawan ni Antonio. Nakita niyang gumalaw ang kamay ni Antonio at iminulat nito ang mga mata.

"Nagkamalay na si Antonio!" masayang sigaw ni Serene. Halos magtakbuhan ang mga estudyante patungo sa silid kung saan naroon si Antonio. Umiiyak na napangiti si Amanda. Ang kaibigan niya ay gising na sa mahigit isang buwan na pagkakatulog.

Si Froinnickus ay nagmamadali ding bumalik sa paaralan kahit may importante siyang gagawin sa Firoed.

"Kumusta ka na Antonio?" tanong ni Serene kay Antonio.

Tinitigan lamang siya ni Antonio. Ilang sandali pa lang ay nagsalita ito, "Anong nangyari? Ang tangi ko lang matandaan ay nasa isang kweba ako kasama ang isang....ahhh aray!" napapikit ito sa sakit nang kaniyang ulo. Pinipilit kasi niyang maalala ang mga pangyayari.

Napailing nalang si Serene. Kahit kasi nasa ganitong kalagayan si Antonio ay tumitigas ang ulo nito. "'Wag mo munang pilitin. Kailangan mo nang pahinga at kumain. Mahigit isang buwan karing tulog kaya siguro hindi mo masyadong ma-alala ang mga pangyayari," sambit nito. "O sige, mauna na ako. Ipapahatid ko nalang ang pagkain mo dito. At may gustong kumausap sa iyo, antayin mo siya."

Tumango si Antonio. Ngumiti si Serene at lumabas sa silid.

"Kumusta na po siya?" nag-aalalang tanong ni Amanda.

"Mabuti naman ang kalagayan niya. Pumasok ka na roon, hinihintay ka niya. Sige mauna na ako. Kailangan ko pang kumuha nang pagkain," ani Serene at umalis na.

Huminga nang malalim si Amanda bago pumasok. Napangiti siya nang makita ang maaliwalas na mukha ni Antonio habang natutulog. Lumapit siya kama at tinitigan si Antonio. Tatanggalin niya sana ang buhok na tumakip sa mata ni Antonio ngunit iminulat nito ang mga mata.

Dahil sa gulat ay napatalon siya nang kunti at dali-dali niyang itinago ang mga kamay sa likod niya.

"K-kumusta kana?" nauutal nitong tanong.

Tumawa nang malakas si Antonio, "Hahaha...para kang nakakita nang hindi kaaya-aya kanina. May problema ka ba Amanda?"

Iniraoan siya ni Amanda. "Heh! Magpalakas ka na, malapit na matapos ang ating pagsasanay. Minadali nila maestro Jacques dahil malapit na ang gaganapin na GOLD. Sa November magaganap ang GOLD."

"Umupo ka nga. May upuan dito oh, tapos nakatayo ka lang diyan. Ngayon ko lang nalaman na takot ka pala sa akin," biro ni Antonio.

Kumunot ang noo ni Amanda. "Oy, di ako takot sa iyo. Atsaka--," natigil siya sa pagsasalita dahil tiningnan siya nang masama ni Antonio. "Sabi ko nga, uupo na ako. Ang hirap makipagsagutan sa may sakit," umupo na si Amanda sa upuan malapit sa kama.

Hindi narinig ni Antonio ang huling sinabi ni Amanda dahil ibinulong niya lang ito sa sarili.

"Anong sinabi mo?" tanong ni Antonio.

PRINCE OF ETHIOPA: The Rag PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon