CHAPTER TWENTY-TWO: Legend of Elements
"Tss...tingnan nalang natin," saad ko at hinanda na ang sarili.
Winawasiwas nang tatlo ang kanikanilang mga espada at tama nga ang hinala ko. Gusto nila nang labanan na hindi patas. Pwes sasabayan ko sila.
Pinaikutan ako nang tatlo. Tanging pagwawasiwas lamang ang aking naririnig at ang isang taong sumisigaw sa aking pangalan nang paulitulit.
"Ano kaya ang pinakain mo kay Jacques at tila tinuring ka niyang kapatid?" nagtatakang tanong nang isa. Tumangotango naman ang kasamahan niya.
Sumugod sila isa-isa kaya nagkakaroon ako nang pagkakataon na masugatan sila. Tanging tunog lamang nang espada ang maririnig.
Mas naging mabilis ang galaw nila kaya mas naging alerto ako. Dahil sa kanilang bilis ay hindi ko namalayan na nahagip ang aking paa at dumurugo na ito. Napaluhod ako dahil sa sakit at napahiyaw na rin.
Pinalibutan ako nang tatlo at itinaas nila ang kanilang mga espada. May sinabi sila na tumatak sa aking isipan.
"Arc of Luc!" sigaw nila na nagdulot nang pagkidlat at paglindol.
Lumingon ako kung nasaan sina Jacques. Kung kaya ko, kung kaya kong makipag-usap gamit ang aking isipan ay ginawa ko na. Pero wala namang masama kung susubukan.
Hindi ko muna inalintana ang lakas nang kidlat, lindol, kulog at paglakas nadin nang ihip nang hangin. Pumikit ako. Winaglit ko ang mga bagaybagay na nasa aking isipan at tanging inisip ko lang ay isang puting silid na walang mga kagamitan at may isang pinto ito. Inabot ko ang pinto at binuksan ito. At sa pagbukas ko ay nagsalita ako.
"Umalis na kayo dito kuya Jacques. May mangyayaring masama sa inyo kapag hindi kayo umalis. Magtungo muna kayo sa arena. Bilisan niyo dahil may malakas na pwersang gustong kumawala sa akin!" saad ko. Minulat ko ang aking mga mata at nakita kong tumango si Jacques at umalis sila sa kinaroroonan nila.
Hindi parin tumigil ang pagkidlat at pagkulog pati na ang malakas na hangin na sinamahan nang malakas na ulan. Mabuti nalang at hindi na lumindol. Tiningnan kong mabuti ang tatlo at pinalibotan sila nang itim na aura. Ang mga espada nila ay nag-iiba ang kulay. Parang nakita ko na ang estilo nang espada nila ngunit hindi ko matandaan kung saan! (A/N: Ang espada pong gamit nila ay kagaya nang espadang gamit nang mga soul rippers!)
Umitim na ang langit. Nagliliparan ang mga dahon pati na nag mga kahoyng hindi masyadong nakakapit sa lupa. Kung titingnan ay masyado nang nasira ang paligid na siyang ikinainit nang aking ulo. Tumayo ako at dinaramdam ko ang pwersang kanina pa gustong lumabas sa aking katawan. Pinipigilan ko ito kanina ngunit ngayon ay tila nagliliyab ang aking kaloob-looban.
"Ahhhh!!" napahiyaw nalang ako sa sakit at tila parang isang malakas na hangin na iisa lamang ang daan ang pwersang iyon. Bumalik sa dating kulay ang paligid pati na ang ulap. Nawala na ang kidlat at kulog at tila walang nangyari. Ngunit hindi parin nawawala ang itim na aura nang tatlo. Pati na ang kanilang espada ay naroon parin ang kapangyarihan na dumadaloy dito.
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
Fantasy(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...